Bumoto nang personal

Maaari kayong bumoto nang personal sa inyong lugar ng botohan o sa Sentro ng Botohan.

Tool para Alamin ang mga Oras ng Paghihintay sa Lugar ng Botohan

Bumoto sa Sentro ng Botohan sa City Hall

Para sa Nobyembre 5, 2024 na eleksyon, maaari kayong bumoto o ihulog ang inyong balota sa Sentro ng Botohan sa City Hall simula Oktubre 7.

Mga Oras

  • Lunes hanggang Biyernes: mula 8 am hanggang 5 pm (maliban sa Oktubre 19, Indigenous Peoples' Day)
  • Sabado-Linggo, Oktubre 26-27 at Marso 2-3, 10 am hanggang 4 pm 
  • Araw ng Eleksyon: 7 am hanggang 8 pm 

Bumoto sa inyong itinalagang lugar ng botohan (bukas 7 am hanggang 8 pm sa Nobyembre 5)

Tingnan ang listahan ng 501 lugar ng botohan para sa Nobyembre 5, 2024 na eleksyon (xlsx). Sa alinmang lugar ng botohan, maaaring pumili ang mga botante na makatanggap ng opisyal na balota sa wikang Ingles at Tsino, Filipino, o Espanyol, at facsimile na balota sa Burmese, Hapones, Koreano, Thai, o Vietnamese. May mga bilingguwal na manggagawa sa botohan na makapagbibigay tulong sa wika nang personal sa maraming lugar ng botohan. Mayroon ding pagsasalin sa daan daang wika, kasama na ang American Sign Language, at serbisyong pagboto sa curbside sa alinmang lugar ng botohan.

Para mahanap ang inyong lugar ng botohan, tingnan ang likod ng inyong Pamplet ng Impormasyon para sa Botante o gamitin ang Portal ng Botante.  

Ang inyong pangalan ay makikita lamang sa listahan ng mga botante sa itinalaga para sa inyong lugar ng botohan. Kung sa halip ay pumunta kayo sa ibang lugar ng botohan, hindi ninyo makikita ang inyong pangalan sa listahan. Maaari pa rin kayong bumoto sa isang probisyonal na balota doon, ngunit maaaring hindi nito ilista ang lahat ng mga labanan sa balota tulad nang sa inyong itinalagang lugar ng botohan.

Mga hakbang sa pagboto nang personal

1. Mag-check in sa isang manggagawa sa lugar ng botohan

Ibigay ang inyong pangalan at address sa manggagawa ng eleksyon na may hawak ng listahan ng mga botante.

2. Piliin ang gusto ninyong wika at format ng balota

Kung wala kayong pinili, makakukuha kayo ng papel na Ingles/Tsino na balota.

3. Pumunta sa puwesto para markahan ang inyong balota

Dalhin ang inyong mga materyales sa pagboto sa voting booth o sa isang aksesibleng estasyon ng botohan.

4. Bumoto

Ipasok ang inyong balota sa scanning machine sa inyong lugar ng botohan.

O kung nakatanggap kayo ng pambalik na sobre, ipasok ang balota sa loob ng sobre. Punan ito, at ihulog sa ballot box.

Bago kayo lumabas, kunin ang inyong “Bumoto ako!” na sticker at buong pagmamalaking isuot ito!

Sa pangkalahatan, hindi ninyo kailangang magpakita ng identipikasyon para makaboto. Tanging mga botante na hindi nagbigay ng identipikasyon noong sila ay nagparehistro ang kailangang magpakita nito o bumoto sa isang probisyonal na balota. 

Mga serbisyo sa pagiging aksesible

Aksesibleng mga pasukan

Aksesible ang karamihan sa mga lugar ng botohan. Para kumpirmahin ang pagka-aksesible ng inyong lugar ng botohan, tingnan ang likod ng inyong Pamplet ng Impormasyon para sa botante.

Mga aksesibleng kagamitan

Bawat lugar ng botohan ay mayroong magagamit na lente para sa mga pahina, panghawak ng panulat, mauupuang puwesto sa pagboto, at aksesible sa wheelchair na mga voting booth. Mayroon ding aksesibleng ballot-marking device na may audio at touchscreen na balota ang bawat botohan.

Personal na tulong

Maaari ninyong pakiusapan ang mga manggagawa sa botohan na tulungan kayong markahan ang inyong balota. Puwede rin kayong magdala ng 1 o 2 tao (na hindi ninyo tagapag-empleyo o kinatawan ng unyon) para tulungan kayo. Tandaan, walang ibang dapat na gumawa ng desisyon sa pagboto para sa inyo. 

Pagboto sa labas ng botohan

Para bumoto sa “curbside”, tumawag sa 415-554-4310 o pakiusapan ang iba na pumasok sa botohan para gumawa ng hiling para sa inyo. Dadalhin ng manggagawa ng botohan ang inyong balota sa labas.

Tulong sa ibang wika

Nagsasalita ang aming mga manggagawa sa botohan at mga tagasalin ng iba’t-ibang wika.

Sa lahat ng lugar ng botohan, nagaalok kami ng balota at ibang materyales pang-eleksyon sa wikang Ingles, Tsino, Espanyol, at Filipino. Magkakaroon din ng mga balotang facsimile ang lahat ng lugar sa wikang Burmese, Hapones, Koreano, Thai, at Vietnamese.

Probisyonal na pagboto

Sa ilang pagkakataon, makakatanggap ng probisyonal na balota ang mga botante. Boboto kayo nang probisyonal kung:

  • Hindi kayo rehistrado sa presinto kung saan kayo pumunta para bumoto
  • Ipinapakita ng aming mga rekord na bumoto na kayo sa eleksyon
  • May kulang na kinakailangang impormasyon sa inyong rehistrasyon

Kung kayo ay boboto nang probisyonal, makakatanggap kayo ng balota at probisyonal na sobre. Kailangang punan ninyo ang form ng rehistrasyon sa harap ng sobre at selyuhang mabuti ang mga kard ng inyong balota sa loob nito.

Ipo-proseso namin ang inyong form ng rehistrasyon at balota matapos ang Araw ng Eleksyon. Maaari ninyong masubaybayan ang inyong balota gamit ang Portal ng Botante o ang Provisional Ballot Lookup tool.

Humingi ng tulong

Department of Elections

1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
City Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102

Phone

Fax: 415-554-7344
TTY: 415-554-4386

中文: 415-554-4367
Español: 415-554-4366
Filipino: 415-554-4310

Last updated October 23, 2024