Bumoto para pondohan ang mga proyekto ng komunidad sa Distrito 7

Kung nakatira kayo sa SF Distrito 7, puwede kayong bumoto para sa mga proyekto ng komunidad sa Participatory Budgeting.

Anong gagawin

Mga Proyekto

1. Ibalik ang mga poste at gate ng Westwood Park

  • Lugar: Westwood Park
  • Kategorya: Pagpapaganda ng Kapitbahayan
  • Alokasyon: $25,750

Gusto naming ibalik ang mga entrance gate at mga poste ng Westwood Park, kabilang ang pagdagdag ng dalawang makasaysayang tansong plake bilang palatandaan at pagpapaganda ng lugar sa tabi ng mga gate. Papagandahin nito ang ating mga entrance gate at sasalubong sa mga bisita at residente ng lugar. 

2. Maglagay ng mga bangko sa Monterey at Gennessee

  • Lugar: Sunnyside
  • Kategorya: Mga Bata at Nakatatanda, Vision Zero at Kaligtasan ng Pedestrian, Pagpapaganda ng Kapitbahayan
  • Alokasyon: $18,875

Gusto naming maglagay ng 2 bangko sa bangketa sa 23 Monterey bus stop, sa kanto ng Monterey Boulevard at Gennessee Street. Magbibigay ito ng upuan para sa mga nakatatanda at kabataang commuter at papadaliin ang paggamit ng pampublikong transportasyon.

3. Pagandahin ang parklet planting bed sa Inner Sunset

  • Lugar: Inner Sunset
  • Kategorya: Pampublikong Kaligtasan at Katatagan, Mga Bata at Nakatatanda, Pagpapaganda ng Kapitbahayan
  • Alokasyon: $50,000

Gusto naming magtanim ng mga bulaklak sa permanenteng parklet planting bed sa distrito ng Inner Sunset. Tutulungan nito ang mga bisita patungo sa mga museo ng Golden Gate Park, mga lokal na negosyo, at mga serbisyo. Babaguhin din nito ang lugar na maging isang masigla at kaakit-akit na espasyo at palalakasin ang katatagan ng komunidad.

4. Pabutihin ang kaligtasan sa trapiko sa Yerba Buena

  • Lugar: Monterey Heights, sa tabi ng Westwood Highlands at Sherwood Forest
  • Kategorya: Vision Zero at Kaligtasan ng Pedestrian
  • Alokasyon: $50,000

Gusto naming mapabuti ang bisibilidad, pabagalin ang trapiko, at gawing mas ligtas para sa mga pedestrian na tumawid sa kalye sa Yerba Buena. 

5. Magdagdag ng serye ng mga mural sa West Portal

  • Lugar: Kapitbahayan ng West Portal
  • Kategorya: Pagpapaganda ng Kapitbahayan
  • Alokasyon: $50,000

Gusto naming magdagdag ng mga bagong mural sa West Portal. Maaaring magsilbing pang-salubong na signage sa kapitbahayan ang mga ito. Makakatulong ito na hadlangan ang bandalismo, pataasin ang halaga ng mga lupain, at lumikha ng mas masigla at kawili-wiling komunidad.

6. Pabutihin ang kaligtasan sa trapiko sa Ulloa St, Laguna Honda, at Rockaway

  • Lugar: Forest Hills Extension
  • Kategorya: Pampublikong Kaligtasan at Katatagan, Mga Bata at Nakatatanda, Vision Zero at Kaligtasan ng Pedestrian
  • Alokasyon: $25,000

Gusto naming mag-install ng mga pampabagal ng trapiko sa 5 tawiran ng Ulloa St, Laguna Honda, at Rockaway. Gagawin nito na mas ligtas para sa mga pedestrian ang pagtawid sa abalang intersection na ito. 

7. Gumawa ng pampublikong parklet sa Hearst Ave

  • Lugar: Sunnyside
  • Kategorya:Mga Bata at Nakatatanda, Vision Zero at Kaligtasan ng Pedestrian, Pagpapaganda ng Kapitbahayan
  • Alokasyon: $50,000

Gusto naming magtayo ng pampublikong parklet sa Hearst Ave. Magkakaroon ito ng mga bangko, mesa, katutubong halaman, at lokal na likhang sining para paalalahanan ang mga nagmamaneho na bumagal. Magbibigay ito ng lugar para sa mga lokal na residente na maupo at magpahinga o makipagkita at mag-usap. 

8. Pabagalin ang trapiko sa Monterey 

  • Lugar: Monterey Heights
  • Kategorya: Pampublikong Kaligtasan at Katatagan, Mga Bata at Nakatatanda, Vision Zero at Kaligtasan ng Pedestrian
  • Alokasyon: $25,000

Gusto naming maglagay ng mga bagong pampabagal ng trapiko sa Monterey sa intersection ng Saint Elmo. Babawasan nito ang bilis ng trapiko sa isang intersection na mababa ang bisibilidad at papabutihin ang kaligtasan ng mga kotse at pedestrian. 

9. Magtanim muli sa median sa Marietta Drive

  • Lugar: Miraloma, sa Marietta Drive sa pagitan ng Teresita at Arroyo
  • Kategorya: Pampublikong Kaligtasan at Katatagan, Mga Bata at Nakatatanda, Vision Zero at Kaligtasan ng Pedestrian, Pagpapaganda ng Kapitbahayan
  • Alokasyon: $18,125

Gusto naming tanggalin ang mga masyadong malagong puno at palumpong at muling taniman ang median ng maliliit na halaman. Dadagdagan nito ang kagandahan sa lugar, magpapabagal sa mga sasakyan, at magpapabuti sa kaligtasan ng publiko. 

10. Magdagdag ng mga picnic table sa Commodore Sloat Elementary

  • Lugar: Ang Commodore Sloat ay nasa hangganan ng 3 kapitbahayan: Balboa Terrace, Ingleside Terrace, at Lakeside
  • Kategorya: Mga Bata at Nakatatanda, Pagpapaganda ng Kapitbahayan 
  • Alokasyon: $25,000

Gusto naming magdagdag ng 4 na round table at palitan ang mga lumang tabla ng kahoy. Magbibigay ito ng mas maraming upuan para sa mga mag-aaral at mga kapitbahay para makapagpahinga sila nang mag-isa o magkakasama.

11. Magdagdag ng upuan sa hardin ng Sunnyside Elementary

  • Lugar: Sunnyside
  • Kategorya: Pampublikong Kaligtasan at Katatagan, Mga Bata at Nakatatanda
  • Alokasyon: $50,000

Gusto naming magdagdag ng mga bangko at imbakan sa paligid ng bakuran at hardin at baguhin ang istrakturang pang-laro sa Sunnyside Elementary. Gagawin nito na mas ligtas at mas inklusibo ang lugar para sa lahat ng bata, at mapapabuti ang pagkatuto sa ating nakatuong hardin.

12. Gumawa ng mga kurso sa digital literacy para sa mga bata at nakatatanda

  • Lugar: Balboa Terrace HOA
  • Kategorya: Pampublikong Kaligtasan at Katatagan, Mga Bata at Nakatatanda
  • Alokasyon: $13,200

Nais naming lumikha ng serye ng mga tagapagsalita para turuan at bigyang alam ang mga magulang at nakatatanda sa online at pisikal na kaligtasan. Makakakuha ang mga dadalo ng mahahalagang kaalaman at mga diskarte sa pagharap sa mga hamon.

13. Ayusin ang bakod sa Edgehill Way

  • Lugar: Edgehill (Forest Hill Extension) 
  • Kategorya: Pampublikong Kaligtasan at Katatagan, Pagpapaganda ng Kapitbahayan
  • Alokasyon: $50,000

Gusto naming ayusin ang bakal na bakod sa tanawin ng Edgehill Way. Mapapabuti nito ang kaligtasan ng publiko at papagandahin ang magandang tanawin, na magbibigay-daan sa mga bisita at residente na masiyahan sa tanawin. 

14. I-upgrade ang palaruan sa Jefferson Elementary

  • Lugar: Middle Sunset District
  • Kategorya: Mga Bata at Nakatatanda, Pagpapaganda ng Kapitbahayan
  • Alokasyon: $50,000

Nais naming palitan ang kasalukuyang palaruan sa bakuran ng kindergarten ng Jefferson Elementary. Gagawa ito ng isang kapana-panabik at ligtas na paligid para sa paglalaro para sa lahat ng mga mag-aaral. Magbibigay inspirasyon ito sa imahinasyon, pag-unlad ng pagkilos, at pakikipagtulungan sa isang natural na urban oasis.

15. I-renovate ang daang Marview Way

  • Lugar: Midtown Terrace
  • Kategorya: Pampublikong Kaligtasan at Katatagan, Mga Bata at Nakatatanda, Vision Zero at Kaligtasan ng Pedestrian, Pagpapaganda ng Kapitbahayan
  • Alokasyon: $49,000

Gusto naming gumawa ng isang pormal na daan mula sa Twin Peaks Blvd. papuntang Mt. Sutro, sa pamamagitan ng Marview Way. Kabilang dito ang:

  • Pag-tanggal ng lumang aspalto at pagbago ng landas, na sumusunod sa hugis
  • Lagyan ang bagong ruta ng park tread
  • Pagtatanim sa mga kalbong lupa ng mga lokal na katutubong buto

Magiging kaakit-akit at mabilis na ma-access na lugar ang daang ito para sa mga namumundok, bata, nakatatanda, at mga nagbibisikleta.

Disclaimer

Kung minsan, may mga problema sa mga proyekto. Kapag kailangang tumigil ng mga napondohang proyekto, o kung hindi nito kailangan ang lahat ng perang hiniling para dito, ginagastos namin ang sobrang perang iyon sa iba pang proyekto. Maaari namin itong gamitin para pondohan ang mga proyektong sumobra sa budget, o maaari naming gamitin ang pera para sa susunod na taon.
 
Pinopondohan namin ang mga proyektong makakakuha ng 400 boto o higit pa. Mapupunta sa mga departamento ang mga pondo. Itatabi naman ng mga departamento ang mga pondo sa loob nito para kumumpleto ng mga proyekto o sumailalim sa proseso ng lungsod sa pagkokontrata para magpamahagi.
 
 

Humingi ng tulong

Makipag-ugnayan sa opisina ni Supervisor Myrna Melgar

Emma Heiken
Legislative Aide kay Supervisor Melgar

Phone

Last updated June 15, 2024