Pinoprotektahan parehas ng pagsasalegal sa isang unit ang mga may-ari at tenant. Puwedeng pormal na magparehistro ang mga may-ari at iparenta ang kanilang mga unit, habang iniiwasan ang mga potensyal na paglabag sa code at multa.
May ilang paraan para gawing legal ang hindi awtorisadong unit sa loob ng iyong bahay. Itinuturing naming unit ang nagsasariling espasyo na puwedeng tirhan ng isang tao nang full-time, na hindi niya kinakailangang dumaan sa pangunahing bahay.
Tingnan kung puwede mong gamitin ang Unit Legalization Program
Kung itinayo ang unit mo bago ang 2013, maaari mong magamit ang Unit Legalization Program. Dapat kang tulungan ng lisensyadong arkitekto, contractor, o civil o structural engineer mula sa California.
Tsetsekin ng lisensyadong propesyonal kung nakasunod sa code ang unit mo.
Tuklasin ang iba pang opsyon sa pagsasalegal
Kung hindi ka kuwalipikado sa Unit Legalization program, sumangguni sa SF Planning para talakayin ang iba pang mga programa na maaari mong gamitin para gawing legal ang iyong unit. Mag-email sa cpc.adu@sfgov.org.
Kung plano mong i-convert sa condo ang ari-arian mo, kontakin ang Public Works.
Mga propesyonal sa disenyo: Mag-iskedyul ng pagpupulong bago ang aplikasyon
Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa kung paano sumunod sa building code, inirerekomenda namin ang pakikipagpulong sa DBI, Planning, at Fire Department para talakayin ang mga isyu sa code, kabilang ang mga requirement na sprinkler.
Mag-apply para sa building permit
Dapat mong isumite ang iyong building permit application na may 2 set ng plano.
Kung para lang sa pagsasalegal ng unit ang trabaho, may available na partial fee waiver (sa plan review portion) hanggang Disyembre 31, 2024.
Kung gusto mong magdagdag ng trabaho bukod pa sa kinakailangang pagpapaganda para sa legalisasyon, maaari kang mag-apply para sa hiwalay na building permit. Hindi kuwalipikado ang dagdag na trabahong ito para sa fee waiver.
Kung isasama mo ang trabaho na legalisasyon sa iba pang trabaho sa isang building permit, hindi kuwalipikado ang permit para sa fee waiver.
Mag-apply para sa inyong permit sa puno sa kalye
I-upload ang checklist na ito kasama ng inyong aplikasyon sa pagtatanim ng puno. Dapat mo itong sagutan kahit na hindi ka magtatanim ng mga bagong puno.
Simulan ang iyong tree planting permit application sa Public Works
Rebyu ng mga kinakailangang departamento
Dapat sumunod ang iyong mga plano sa mga code ng Lungsod para sa pagpapaunlad ng kapitbahayan at kaligtasan sa gusali.
Nire-review namin ang lahat ng aplikasyon para matiyak na sinusunod nila ang mga code na ito. Kabilang sa aming rebyu ang:
- Rebyu ng kalidad
- Pagra-route sa mga kinakailangang ahensya ng Lungsod (Planning, Department of Building Inspection, Fire)
- Pagplano sa rebyu kasama ang aplikante o ahente sa Bluebeam (ang plan review system namin)
Ang SF Planning ay magbibigay din sa iyo ng Abiso ng Espesyal na Paghihigpit tungkol sa unit. Ipanotaryo ito at irekord sa opisina ng Assessor. Matuto pa tungkol sa kung paano magrekord ng Abiso ng Espesyal na Paghihigpit.
Subaybayan ang iyong building permit application sa aming permit tracking system (PTS).
Kung kailangan mo ng tulong bukod pa sa pagsubaybay sa permit, mag-email sa permitcenter@sfgov.org.
Kunin ang iyong job card at simulan ang pagpapatayo
Kapag inisyu na ang iyong building permit, makakatanggap ka ng job card para makapagsimula ng pagpapatayo.
Magpainspeksyon
Bago isagawa ang gawaing pagpapatayo, mag-iskedyul ng inspeksyon.
Kumuha ng katibayan ng pinal na pagkumpleto
Matapos ang pinal na inspeksyon sa iyong yunit, bibigyan ka ng katibayan ng pinal na pagkumpleto.
Last updated October 19, 2022