Step by step

Kumuha ng street vending permit

Kumuha ng pahintulot na magbenta ng mga produkto o prepackaged na pagkain sa sidewalk.

Puwede kayong magbenta ng paninda o mga prepackaged na pagkain kapag may ganitong permit. Hindi kayo puwedeng magbenta ng pagkaing kayo ang naghanda.

1

Iparehistro ang inyong negosyo

Cost:

Nakadepende sa kita ng inyong negosyo.

Ang mga halaga ng pagpaparehistro ay nakadepende sa inaasahang kita para sa inyong negosyo. Tingnan ang mga bayarin para iparehistro ang inyong negosyo.

Magpakita ng higit pa
2

Tingnan kung kwalipikado kayo para sa isang libreng waiver

Optional step

Ang Street Vending Permit ay nagkakahalagang $430 kada taon. Kailangan din ninyong magbayad ng $9 na surcharge sa Konseho sa Pag-apela. 

Hindi ninyo kailangang bayaran ang buong bayarin sa permit kung nakakakuha kayo ng mga benepisyo mula sa gobyerno. O kung ang kinikita ninyo ay mas mababa sa isang partikular na halaga ng pera para sa inyong sambahayan.

Puwede rin kayong humiling ng bawas sa bayarin kung isa kayong nonprofit na tumutugon sa mga partikular na kinakailangan. 

Matuto pa kapag nag-apply kayo para sa isang permit.

Magpakita ng higit pa
3

Mag-apply para sa inyong permit

Cost:

$430.00

Ang halaga ay kada taon, maliban kung may waiver kayo. Ang mga pag-renew ng permit ay $100 kada taon.

Time:

Humigit-kumulang isang oras, kung hawak ninyo ang lahat ng papeles ninyo.

Ihanda ang lahat ng impormasyon para sa inyong aplikasyon at mag-apply. 

Magpakita ng higit pa
at

Pagkuha ng food vending permit

Kung nagbebenta kayo ng prepackaged na pagkain at inumin mayroon dapat kayong health permit mula sa DPH. Mag-apply dapat kayo para sa isang food permit pagkatapos ninyong mag-apply para sa isang Street Vending permit.  

Matuto tungkol sa pagkuha ng health permit.

Magpakita ng higit pa
4

Sinusuri ng staff ang inyong aplikasyon

Time:

Umaabot nang 20 o mas kaunting araw.

Susuriin namin ang inyong aplikasyon sa permit at babalikan namin kayo pagkatapos ng 20 o mas kaunting araw. 

Posibleng i-email namin kayo kung mayroon kaming anumang tanong.

Magpakita ng higit pa
5

Bayaran ang inyong mga bayarin

Magpapadala kami sa inyo ng invoice para sa kailangan ninyong bayaran para sa inyong permit. 

Puwede kayong magbayad online o sa pamamagitan ng koreo. 

Ang lahat ng tao, kahit ang mga taong may waiver, ay dapat magbayad ng $9 na surcharge sa Konseho sa Pag-apela.

Magpakita ng higit pa
6

Ipapadala namin sa inyo ang inyong permit sa email

Pagkatapos ninyong magbayad, ipapadala namin sa inyo ang inyong permit sa email. 

Kapag may permit na kayo puwede na kayong magsimulang magbenta sa sidewalk.

Magpakita ng higit pa
7

Ipakita ang inyong permit habang nagbebenta kayo

Naka-print o nasa inyong telepono dapat ang inyong permit habang nagbebenta kayo.

Kung hihilingin ng isang inspector na tingnan ang inyong permit, maipakita dapat ninyo ito sa kanya.

Magpakita ng higit pa
8

I-renew ang inyong permit kada taon

May bisa ang inyong Street Vending Permit nang hanggang isang taon.

Kakailanganin ninyong i-renew ang inyong permit kada taon. 

Magpapadala kami sa inyo ng email para ipaalala sa inyong mag-renew.

Magpakita ng higit pa

Last updated August 16, 2022

Kagawaran