Alamin pa ang tungkol sa iba pang makukuhang resource at serbisyo para matulungan ang mga negosyo, empleyado, at nonprofit ng San Francisco na naapektuhan ng COVID-19.
Magbibigay ang Lungsod ng $10 milyon para ma-reimburse ang mga negosyong may mga empleyadong nasa SF para mabigyan ang mga empleyadong iyon ng karagdagang may bayad na sick leave.
First-come, first-served ang pondo. Nakareserba ang bahagi ng pondo para sa mga negosyong mas kaunti sa 50 ang empleyado, para matulungan ang aming maliliit na negosyo.
Sa ngayon, nakareserba na ang lahat ng pondo.
Alamin kung kwalipikado ang inyong negosyo
Dapat ay may mga empleyado kang nagtatrabaho sa SF. Dapat ay nagamit mo na rin ang lahat ng posibleng sick leave maliban pa sa iyong kasalukuyang patakaran.
Mag-apply para sa waitlist ng paunang pag-apruba
Magtatanong kami ng ilang impormasyon tungkol sa iyong negosyo. Kabilang dito kung gaano karaming tauhan ang nagtatrabaho sa SF at kung ilang oras sila nagtatrabaho kada linggo.
Ihanda ang inyong mga dokumento
Kapag naisumite mo na ang form, sumagot sa iyong email ng kumpirmasyon at i-attach ang mga sumusunod na dokumento ng negosyo:
- W-9 form para sa buwis
- Kasalukuyang patakaran sa sick leave
- Katibayan ng patakaran sa Bayad-pinsala sa Mga Manggagawa
Pagkatapos ay susuriin namin ang iyong aplikasyon at mag-e-email kami sa iyo ng update sa loob ng ilang araw kung pauna ka bang naaprubahan.
Sa ngayon, mawe-waitlist ang lahat ng aplikante. Sa oras na magkaroon ng pondo, makikipag-ugnayan kami sa mga negosyo ayon sa pagkakasunod-sunod ng kanilang aplikasyon.
Mag-sign up para makatanggap ng mga electronic na bayad
Para mas mabilis na makuha ang iyong reimbursement, mag-sign up para makatanggap ng mga electronic na bayad mula sa Lungsod. Tatagal nang 2 hanggang 3 linggo ang pag-set up sa iyong account.
Kung hindi ka puwedeng tumanggap ng mga bayad sa electronic na paraan, puwede rin kaming magpadala sa iyo ng tseke sa pamamagitan ng koreo.
Bayaran ang 5 karagdagang araw ng sick leave
Dapat mong bayaran ang iyong mga tauhan sa SF para sa karagdagang sick leave bago ka ma-reimburse.
Sasagutin ng reimbursement ang minimum na sahod para sa hanggang 40 oras para sa bawat empleyado. Ikaw ang magbabayad sa kulang sa pagitan ng mga sahod ng empleyado mo at ng $15.59 kada oras.
Mangalap ng impormasyon para sa reimbursement
Hihilingin namin sa iyong magbigay ng impormasyon para sa bawat empleyado, kasama ang:
- Huling 2 paystub
- Mga email address, kung cash ang ibinabayad sa kanila
- Karaniwang bilang ng mga oras ng kanilang pagtatrabaho
- Ang petsa kung kailan nila naubos ang sick leave ng iyong kumpanya
- Ang mga petsa kung kailan nila ginamit ang 80 oras na pederal na sick leave para sa coronavirus (kung mayroon kang 200 hanggang 499 na empleyado)
I-claim ang iyong reimbursement
Magpapadala kami sa mga negosyong paunang naaprubahan ng isang link kung saan puwede nilang ipadala ang kanilang mga claim sa reimbursement.
Puwede mong tuloy-tuloy na isumite ang iyong mga claim. Dapat mong maisumite ang lahat ng iyong claim sa loob ng 90 araw matapos mong maaprubahan para sa pondo.
Makakatanggap ang mga naka-waistlist na negosyo ng link sa mga claim sa oras na magkaroon ng pondo.
Makatanggap ng reimbursement mula sa Lungsod
Ire-reimburse ka namin para sa bilang ng mga tauhang isinumite mo sa iyong aplikasyon para sa pag-apruba. Kung gusto mong ma-reimburse para sa higit pang tauhan, maaari ka naming ma-reimburse kung mayroon kaming pondo para dito.
Itabi ang inyong mga talaan. Posibleng mag-follow up kami para matiyak na nagamit nang naaangkop ang mga pondo.
Last updated October 18, 2022