Makakapag-apply ang lahat ng negosyo. Puwede kang makakuha ng hanggang $2,000 na reimbursement para sa mga gawain sa nakaraan, sa kasalukuyan, o sa hinaharap.
Puwedeng makakuha ang negosyo sa ilang partikular na komunidad ng hanggang $5,000 na reimbursement. Ang mga komunidad na ito ay:
- Bayview
- Calle 24
- Central Market/Tenderloin
- Chinatown
- Excelsior
- Lower Fillmore
- Lower Haight
Kasama sa iba pang salik para sa halaga ng reimbursement ang sumusunod:
- Iyong personal na sambahayang kita
- Kung napilitang magsara ang iyong negosyo habang may pandemya
- Kung may mga aktwal na limitasyon ang iyong negosyo na humahadlang sa muling pagbubukas nito sa panahon ng pandemya
Alamin kung kwalipikado ang iyong negosyo
Dapat magpatakbo ang iyong negosyo sa isang storefront na lokasyon sa San Francisco na bukas sa publiko.
Lisensyado dapat ang iyong negosyo na magpatakbo sa San Francisco.
Dapat ay wala pang $2.5 milyon ang taunang gross receipt ng iyong negosyo.
Makakapag-apply ang mga non-profit.
Dapat ay mayroon kang pahintulot mula sa may-ari ng iyong property.
Kailangan mo ng insurance sa pangkalahatang pananagutan at bayad-pinsala sa mga manggagawa. Inirerekomenda naming hindi bababa sa $1 milyon ang gawing saklaw para sa bawat pangyayari.
Piliin ang uri ng gawaing gusto mong ma-reimburse
Puwede kang ma-reimburse para sa gawain sa nakaraan, sa kasalukuyan, o sa hinaharap.
Puwede kang i-reimburse ng grant para sa mga item gaya ng:
- Mga outdoor na harang at kasangkapan (kasama ang mga divider, barikada, at planter)
- Mga fixture para sa kalusugan at kaligtasan (gaya ng mga harang na gawa sa acrylic sa pag-check out)
- Mga interior na configuration na nakakatulong sa pagdistansya sa isa't isa (kasama ang mga counter, kasangkapan, fixture, at kagamitan)
Mas mabilis kang mare-reimburse kung gawaing hindi nangangailangan ng mga pahintulot ang pipiliin mo.
Hindi ka mare-reimburse para sa anumang nakokonsumo (kasama ang personal na pamproteksyong kagamitan), gastusin sa utility, o upa.
Depende sa iyong lokasyon, puwede kang itugma sa isang panlabas na partner na tutulong sa gawain mo.
Pumili ng mga serbisyo sa pagdidisenyo
Makakahingi ka ng tulong sa:
- Pagpaplano ng espasyo para sa pagdistansya sa isa't isa
- Mga serbisyo sa arkitektura
- Pagsunod sa Batas para sa Mga Amerikanong May Kapansanan (Americans with Disabilities Act, ADA)
Kapag nakapag-apply ka na, puwede kang itugma sa isang panlabas na provider.
Puwede ka ring ma-reimburse para sa mga serbisyo sa pagdidisenyong dati mo nang natanggap.
Mag-apply sa SF Shines para sa grant para sa Muling Pagbubukas.
Dapat ay isa kang may-ari ng negosyo para masagutan mo ang aplikasyon.
Sa aplikasyon, hihingin namin ang sumusunod:
- Impormasyon ng negosyo
- Impormasyon ng may-ari ng negosyo, kasama ang demograpiko at sambahayang kita
- Petsa kung kailan mo sinimulan ang iyong negosyo
- Bilang ng mga full-time at part-time na empleyado
- Uri ng gawaing gusto mong ma-reimburse
- Halagang balak mong ibigay sa proyektong ito, na iba pa sa reimbursement
Para ma-reimburse para sa dati nang gawain, kakailanganin mo ang mga sumusunod:
- Uri ng gawaing nakumpleto mo
- Mga resibo
- W9 form para sa iyong negosyo
- Numero ng permit sa card ng trabaho, kung nangangailangan ang gawain ng mga pahintulot
Pagsusuri ng aplikasyon
Kung mapipili ka, mag-e-email kami sa iyo.
Kung nakumpleto na ang gawain, bibigyan ka namin ng tseke.
Kung hindi pa nakukumpleto ang gawain, makikipagtulungan kami sa iyo para makahanap ka ng vendor, makumpleto mo ang gawain, at ma-reimburse ka.
Kumpletuhin ang gawain sa pagpapahusay, kung gawain sa hinaharap
Kung gagamit ka ng vendor, kakailanganin mo ang kanilang W9 para ma-reimburse ka.
I-claim ang iyong reimbursement, kung gawain sa hinaharap
Kung matatapos mo ang mga pagpapahusay pagkatapos mong mag-apply, dapat kang sumagot ng isa pang form para ma-reimburse ka.
Subukang tapusin ang gawain sa loob ng 3 buwan. Dapat mong i-claim ang iyong reimbursement sa loob ng 1 buwan pagkatapos makumpleto ang gawain.
Kakailanganin mo ang mga sumusunod:
- Uri ng gawaing nakumpleto mo
- Mga resibo
- Mga larawan ng nakumpletong gawain
- Mga W9 form ng mga vendor na kumumpleto sa gawain
Magpapadala kami sa iyo ng tseke. Puwede mo ring kunin ang iyong tseke sa Distrito ng Pananalapi (Financial District).
Last updated February 2, 2023