Kung may nag-ulat ng problema o panganib sa iyong ari-arian, magpapadala kami ng tagainspeksyon para imbestigahan ito sa loob ng 72 oras.
Kung matukoy ng tagainspeksyon na may paglabag sa code ng gusali o pabahay, magsusulat siya ng Abiso ng Paglabag (NOV) na naglalarawan sa paglabag at mga pagwawasto na kailangan mong gawin.
Basahin ang iyong Abiso ng Paglabag
Ipapaskil ang abiso sa gusali mo at, hindi magtatagal, ime-mail sa iyo pagkatapos itong maipaskil.
Tingnan kung kailangan mo ng permit para ayusin ang paglabag
Tingnan kung nangangailangan ng permit ang iyong proyekto sa konstruksyon.
Sasabihin rin sa iyo ng iyong Abiso ng Paglabag kung kailangan mo ng permit para ayusin ang paglabag, at kung aling mga permit ang kailangan mo.
Maghain ng permit kung kinakailangan
Depende sa paglabag, maaaring kailanganin mong magdala ng mga plano kapag naghain para sa mga permit mo.
Babayaran mo ang mga karagdagang bayarin para sa mga inspeksyon na kaugnayan ng paglabag sa code, tulad ng nabanggit sa iyong Abiso ng Paglabag. Kung hindi saklaw ng permit ang mga bayarin para sa trabaho, maaari mong mapababa ang iyong mga bayarin sa pamamagitan ng pag-apela sa Board of Appeals.
Makipagtulungan sa tagainspeksyon mo para ayusin ang problema
Sundin ang mga aksyon ng pagwawasto na nakasulat sa iyong Abiso ng Paglabag. Kung mayroon kang mga tanong, kontakin ang tagainspeksyon na nakasaad sa iyong NOV.
Kapag tapos ka na sa trabaho, mag-iskedyul ng pinal na inspeksyon. Kung naiwasto na ang paglabag, isasara ng iyong tagainspeksyon ang kaso.
Habang bukas ang iyong kaso, magfa-follow up sa iyo ang tagainspeksyon mo nang humigit-kumulang kada 30 araw para tingnan ang pag-usad mo.
Pumunta sa Pagdinig ng Direktor
Kung hindi mo sinubukang lutasin ang paglabag sa code at wala kaming narinig mula sa iyo, ililipat namin ang iyong kaso sa Pagdinig ng Direktor. Mula sa puntong ito, maiipon ang mga abatement fee hanggang sa ayusin mo ang problema.
Magpapaskil kami ng Abiso sa Pagdinig ng Direktor sa iyong gusali, at ipapadala din ang abiso sa pamamagitan ng sertipikadong mail. Kasama sa abiso ang petsa at oras ng iyong pagdinig.
Ang opisyal ng pagdinig ang magpapasya kung pananatilihin ang paglabag, at maglalabas ng Abiso sa Abatement ng Direktor na nag-aatas sa iyo na iwasto ang problema.
Kung may problema pa rin, tingnan ang Kautusan ng Abatement ng Direktor
Ang Kautusan ng Abatement ng Direktor ay maglalaman ng:
- Numero ng Kautusan
- Ang pangalan ng may-ari ng ari-arian, ang address, at ang block/lot ng Assessor ng ari-arian
- Ang field inspector at division na nag-isyu ng inisyal na Abiso ng Paglabag
- Ang dami ng oras na kailangan mong mag-apply para sa mga permit, tumawag para sa inspeksyon, at kumpletuhin ang lahat ng gawaing pagwawasto na nabanggit sa iyong orihinal na Abiso ng Paglabag
- Impormasyon tungkol sa pagbabayad ng mga code abatement cost
- Impormasyon tungkol sa pag-apela
Kung hindi ka manalo ng apela, irerekord namin ang Kautusan ng Abatement ng Direktor sa Opisina ng Tagarekord. Ilalagay din ito sa mga rekord ng lupa ng ari-arian na lumalabag.
Maghain ng apela sa Abatement Appeals Board
Kung nais mong iapela ang Kautusan ng Abatement ng Direktor, dapat kang maghain ng apelang iyon sa loob ng 15 araw mula nang maipaskil ang Kautusan sa iyong ari-arian, o kailan ito na-postmark (alinman ang mahuli).
Ayusin ang problema
Sundin ang mga aksyon ng pagwawasto na idinetalye sa iyong orihinal na Abiso ng Paglabag.
Kung may mga tanong ka, kontakin ang tagainspeksyon sa iyong Abiso ng Paglabag.
Magbayad ng mga abatement fee
Dapat mong i-reimburse ang Department of Building Inspection para sa mga bayarin sa pagdinig at abatement para isara ang iyong kaso. Ang bayarin ay sumasaklaw sa oras ng staff sa pamamahala ng iyong kaso.
Mas matagal na bukás ang kaso, mas naiipon ang mga bayarin.
Kumuha ng lien sa iyong ari arian
Kung hindi mo aayusin ang paglabag sa petsa na nabanggit sa iyong Kautusan ng Abatement, maglalagay kami ng lien laban sa iyong ari-arian. Liliaw ang lien sa mga pampublikong rekord. Lilitaw ang lien sa mga pampublikong rekord.
Mapapahirap ng pagkakaroon ng lien sa ari-arian ang pagre-refinance o pagbebenta.
Kung mayroon kang higit sa 3 lien o Kautusan ng Abatement laban sa iyong ari-arian, maaari naming isangguni ang kaso mo sa Abogado ng Lungsod.
Last updated November 17, 2023