Anong gagawin
Kung wala kayo ng mga kinakailangang sertipiko, kumuha ng libreng pagsasanay at sertipikasyon.
Lumagda ng Kasunduan sa Pakikilahok
Alamin pa ang tungkol sa mga partikular na kinakailangan para sa pagtatrabaho sa programang Fix Lead SF.
Lumagda ng Kasunduan sa Pakikilahok (para sa Mga Inspektor o para sa Mga Superbisor).
Ihanda ang mga dokumento para sa pag-upload
Kasama sa mga dokumentong ia-upload ninyo ang:
- (Mga) sertipiko sa tingga (Kung mayroon kayong mahigit isang empleyadong magtatrabaho sa Fix Lead SF, pagsama-samahin ang kanilang mga sertipiko sa isang pdf.)
- Nilagdaang Kasunduan sa Pakikilahok
- (Mga) Sertipiko ng Insurance sa Pananagutan, at kung kinakailangan, patunay ng Insurance sa Pananagutan sa Polusyon
- Lisensya ng Kontratista sa Estado ng California (para sa Mga Superbisor)
Mag-sign up sa pamamagitan ng email
Mag-sign up sa pamamagitan ng email
Ipadala ang sumusunod na impormasyon at mga dokumento sa fixleadsf@sfdph.org:
- Pangalan ng Kumpanya
- Address at telepono ng kumpanya
- (Mga) pangalan ng (mga) sertipikadong propesyonal mula sa inyong kumpanya na magtatrabaho sa Fix Lead SF
- Numero ng telepono ng (mga) sertipikadong propesyonal
- Email ng (mga) sertipikadong propesyonal
- (Mga) sertipiko sa tingga para sa bawat sertipikadong propesyonal (CDPH, at EPA (para sa Mga Superbisor)), ang petsa ng pag-expire
- Lisensya ng Kontratista sa Estado ng California (para sa Mga Superbisor)
- Patunay ng mga kinakailangang insurance sa Lungsod at County ng San Francisco at Rebuilding Together San Francisco na idinagdag bilang karagdagang naka-insure
- Nilagdaang Kasunduan sa Pakikilahok
Last updated August 23, 2022