Pag-apply para sa loan ng MOHCD
Upang mag-apply para sa isang programa sa loan ng MOHCD, kailangan ninyong tapusin ang edukasyon para sa bibili ng bahay at kumuha ng liham na paunang pag-apruba ng loan sa mortgage mula sa isang tagapagpautang na inaprubahan ng MOHCD. May iba't ibang kinakailangan sa kita para sa bawat programa. Mahigpit kayong makikipagtulungan sa inyong tagapagpautang kapag lumahok kayo sa alinman sa aming mga programa sa loan.
Kung naaprubahan na kayo, may mga bayarin sa serbisyo upang iproseso ang inyong loan sa MOHCD. Tingnan ang mga bayarin sa serbisyo ng programa.
Nakadepende ang mga halaga ng loan sa:
- Inyong pinansyal na pangangailangan
- Ang mga available na balanse para sa bawat programa
Tingnan ang mga kasalukuyang balanse sa pagpopondo ng programa sa loan.
Mga Makukuhang Tulong
Downpayment Assistance Loan Program (DALP) para sa mga bibili ng bahay sa unang pagkakataon
Credit ng Buwis sa Mortgage
Muling tustusan ang inyong kasalukuyang loan
Tulong na paunang bayad para sa mga bibili ng bahay sa unang pagkakataon
Buod ng Downpayment Assistance Loan Program (DALP)
- Loan para sa paunang bayad na hanggang $500,000, upang mag-bid sa isang ari-arian sa bukas na merkado.
- Hindi ipinahayag na pangalawang loan na hindi nangangailangan ng bayad sa loob ng 30 taon, o hanggang sa maibenta ninyo ang yunit
- Maaari ninyong muling ibenta ang yunit sa mga presyong nasa merkado
- Itinatalaga ng taunang lottery ang mga aplikante sa pagkakasunod-sunod batay sa rank
- Ipoproseso ng MOHCD ang mga aplikasyon batay sa pagkakasunud-sunod ng rank sa lottery
- May mga karagdagang pondo ng DALP na available para sa mga unang tumutugon sa emergency at tagapagturo ng SFUSD
Tingnan ang mga detalye tungkol sa pag-apply para sa DALP.
Buod ng City Second Loan Program
- Loan para sa paunang bayad na hanggang $500,000, upang mag-bid sa koleksyon ng mga ari-arian na naka-advertise din sa bukas na merkado
- Walang interes, walang ipinagpalibang pagbabayad, at walang parusa sa paunang pagbabayad
- Nasa pangalawang posisyon sa titulo pagkatapos ng unang mortgage
- Maaari ninyong muling ibenta ang yunit sa mga presyong nasa merkado, ngunit ang Lungsod ay may opsyong pumili ng bibili mula sa City Second Loan Program upang tumugma sa unang bid
- Available ang mga loan sa mga aplikanteng nasa listahan ng City Second nang first-come, first-serve
Tingnan ang impormasyon para sa mga bibili sa City Second.
Buod ng Teacher Next Door Program (TND)
- Para lang sa mga tagapagturo sa SFUSD
- Loan para sa paunang bayad na hanggang:
- $40,000 sa presyo sa yunit sa merkado (DALP o City Second)
- $20,000 sa mababa na presyo sa yunit sa merkado para sa pinaghalong kita
- Karaniwang kasama ng iba pang programa sa loan ng MOHCD, kung kailangan ng karagdagang pagpopondo.
- Papatawarin pagkalipas ng 10 taon, kung matutugunan ang lahat ng kinakailangan sa programa
- Makipagtulungan sa inyong tagapagpautang upang mag-apply para sa TND
Tingnan ang mga detalye tungkol sa programang Teacher Next Door.
Buod ng Below Market Rate Downpayment Assistance Loan Program (BMR-DALP)
- Loan para sa paunang bayad kapag kinakailangan, para sa bibili ng bahay na bibili ng unit para sa pinaghalong kita
- Hindi nangangailangan ng buwanang pagbabayad at walang nalilikom na interes
- Makipagtulungan sa inyong tagapagpautang upang mag-apply para sa BMR-DALP
Tingnan ang mga detalye tungkol sa BMR-DALP.
Credit ng buwis sa mortgage
Buod ng Mortgage Credit Certificate (MCC)
- Tumutulong sa mga bibili ng bahay na maging kwalipikado para sa loan sa mortgage at mabawasan ang kanilang may-bisang rate ng interes sa mortgage
- Ibawas ang 15% ng inyong interes sa mortgage mula sa inyong utang sa taunang buwis
- Makipagtulungan sa inyong tagapagpautang upang mag-apply para sa MCC
Tingnan ang mga detalye tungkol sa Mortgage Credit Certificate.
Muling tustusan ang inyong kasalukuyang loan
Dapat kayong makipagtulungan sa isang aprubadong tagapagpautang upang muling magtustos.
Buod ng pangkalahatang muling pagtutustos & pagpapailalim
- Para sa mga kwalipikadong loan sa Lungsod o pataw na Mababa sa Presyo ng Merkado (Below Market Rate, BMR)
- Kapag muli ninyong tinustusan ang kasalukuyang unang mortgage, dapat ay mayroon kayong pag-apruba ng MOHCD
Magbasa pa tungkol sa pangkalahatang muling pagtustos at pagpapailalim.
Buod g Reissue Mortgage Credit Certificate (RMCC)
- Para sa mga kasalukuyang bibili ng bahay na may MCC.
- Kumuha ng bagong MCC na may credit ng buwis sa parehong rate gaya ng orihinal na MCC.
Magbasa pa tungkol sa Reissue Mortgage Credit Certificate.