- Pagtugon sa misinformation, disinformation, at malinformation
- Mga Pananggalang sa Sistema ng pagboto
- Mga opisyal na kahon na hulugan ng balota
- Seguridad ng pagboto sa pamamagitan ng koreo
- Pagsubaybay sa balota
- Pagtiyak sa tumpak na bilang ng boto
- Pagbibilang at muling pagbibilang ng balota
- Pagpigil sa dobleng-rehistrasyon at dobleng-pagboto
- ID ng Botante
- Artificial Intelligence in local elections
- Mga eleksyon at ang internet
- Pakikilahok sa mga lokal na eleksyon ng hindi-mamamayan
- Paano kayo makatutulong
Sections
- Pagtugon sa misinformation, disinformation, at malinformation
- Mga Pananggalang sa Sistema ng pagboto
- Mga opisyal na kahon na hulugan ng balota
- Seguridad ng pagboto sa pamamagitan ng koreo
- Pagsubaybay sa balota
- Pagtiyak sa tumpak na bilang ng boto
- Pagbibilang at muling pagbibilang ng balota
- Pagpigil sa dobleng-rehistrasyon at dobleng-pagboto
- ID ng Botante
- Artificial Intelligence in local elections
- Mga eleksyon at ang internet
- Pakikilahok sa mga lokal na eleksyon ng hindi-mamamayan
- Paano kayo makatutulong
Pagtugon sa misinformation, disinformation, at malinformation
- Nagsasagawa ang Departamento ng mga Eleksyon ng San Francisco ng maagap na diskarte sa pagtugon sa mga pagkabahala kaugnay sa mis-, dis-, at malinformation sa eleksyon. Kabilang sa aming mga estratehiya ang:
- Malinaw at Direktang Komunikasyon: Binibigyan namin ng prayoridad ang paglalathala ng malinaw, madaling unawaing impormasyon sa aming website at sa mga nakalimbag na materyales. Sinisigurado namin na malaman ng lahat ng mga rehistradong botante ng San Francisco ang tungkol sa mga mahahahalagang petsa sa eleksyon, mga tuntunin, mga pagbabago sa operasyon, at iba pang mga mahahalagang detalye.
- Komprehensibong Outreach: Nagsasagawa kami ng matatag, multilingual, na mga pagsisikap sa outreach sa pamamagitan ng mga abiso, mga press release, mga channel sa social media, at mga live na presentasyon.
- Pagsubaybay at Pagtugon: Masigasig naming sinusubaybayan at agad na tumutugon sa anumang maling impormasyon na kumakalat sa mga pabpublikong platform gamit ang opisyal, beripikadong mga katunayan.
- Pakikipag-ugnayan sa Komunidad: Aktibo kaming nakikilahok sa iba't ibang mga kaganapan sa komunidad upang makipag-ugnayan sa mga residente, organisasyon ng komunidad, at mga ka-partner sa outreach. (Tingnan ang aming outreach calendar!)
Plano ng Pagsusuri at Pagtugon: Bumubuo kami ng mga panloob na protocol para sa kung paano susubaybayan, suriin, idokumento, at tumugon sa mga insidenteng kinasasangkutan ng mis-, dis-, at malinformation (MDM) sa iba't ibang platform, kabilang ang social media, print media, audio (mga robocall at mga broadcast sa radyo), at iba pang anyo ng digital media tulad ng mga website ng balita, blog, message board at forum.
Back to topMga Pananggalang sa Sistema ng pagboto
Ang sistema ng pagboto ng San Francisco, na kinabibilangan ng mga makina ng pagboto nito, ay sertipikado ng Kalihim ng Estado ng California. Ang lahat ng mga sistema ng pagboto na sertipikado ng Kalihim ng Estado ng California ay dapat na ganap na sumunod sa kasalukuyang Mga Pamantayan ng Sistema ng Pagboto ng California. Ang maraming mga kinakailangan sa pag-iwas sa panloloko na inilarawan sa 175-pahinang dokumentong ito ay kinabibilangan, halimbawa, ng mga panuntunan na ang lahat ng makina sa pagboto ay "mayroong mga lock o seal," at ang lahat ng "mga access point, tulad ng mga takip at panel, ay dapat i-secure ng mga kandado o mga tamper evident seal.”
Back to topMga opisyal na kahon na hulugan ng balota
Ang mga tuntunin na namamahala sa disenyo, paglalagay, pagpapanatili, at paggamit ng mga opisyal na kahon ng balota ng San Francisco ay matatagpuan sa mga seksyon 20130 hanggang 20138 ng California Code of Regulations. Sumusunod ang Departamento sa mga panuntunang ito, na nangangailangan, bukod sa iba pang mga bagay, na ang mga opisyal na kahon na hulugan ay gawa sa matibay na materyal, naka-bolt sa lupa, tamper-resistant, madaling gamitin, at may naitalagang mga natatanging numero ng pagkakakilanlan.
Ang mga balota ay inililipat mula sa mga opisyal na kahon na hulugan ng mga Katuwang na Sheriff ng San Francisco.
Back to topSeguridad ng pagboto sa pamamagitan ng koreo
Ang pagtiyak sa seguridad ng mga balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo ay isang pangunahing prayoridad para sa Departamento. Narito kung paano namin pinananatili ang integridad sa pamamagitan ng proseso:
Proseso ng Beripikasyon: Bago tanggapin at bilangin ang anumang ibinalik na balota sa pamamagitan ng koreo, pinoproseso ng kawani ng Departamento ang panlabas na sobre upang kumpirmahin na ang balota sa loob ay ibinalik ng nakatanggap na botante na kung kanino ito ipinadala. Ang prosesong ito ay nagsisimula sa pag-scan sa QR code, pagkuha ng larawan ng pirma ng botante sa sobre at paghahambing nito sa naka-link na rekord ng botante sa Election Information Management System ng Departamento.
Pagsunod sa mga Regulasyon: Kapag nagpoproseso ng mga balotang vote-by-mail, sumusunod ang aming mga kawani sa pare-pareho at komprehensibong mga panloob na alituntunin, na nakaugat sa mga nauugnay na regulasyon ng estado. Ang mga regulasyong ito ay sumasaklaw sa iba't ibang aspeto ng pagpoproseso sa eleksyon, kabilang ang, halimbawa, kasalukuyang mga tuntunin ng estado para sa pagberipika ng lagda, pagproseso ng balota, at pagbibilang ng balota.
Back to topPagsubaybay sa balota
Mayroon kayong maraming madali, at kumbinyenteng mga opsiyon sa pagsubaybay sa inyong balota. Kung mad gusto ninyong bumoto sa pamamagitan ng koreo, maaari kayong a) mag-log in sa Portal para sa Botante ng San Francisco, b) mag-sign up sa Ballot Tracker ng estado, o c) makipag-ugnayan sa aming mga multilingguwal na kawani sa Departamento ng mga Eleksyon (mag-scroll pababa hanggang sad ulo ng webpage na ito para sa contact information ng Departamento). Kung mas gusto ninyong bumoto sa inyong lugar ng botohan, maaari kayong bumoto gamit ang isang papena balota o mag-print ng isang aksesibleng balota at maipa-tabulate ito gamit ang makinang pang-scan. Alinsunod sa batas, ini-a-archive namin ang lahat ng mahahalagang mga materyales pagkatapos ng bawat eleksyon, kabilang na ang mga balota, para sa mga yugto ng panahon na tinutukoy ng batas.
Back to topPagtiyak sa tumpak na bilang ng boto
Bilang pagsunod sa batas ng estado, ang Departamento ay gumagamit ng sistema ng pagboto na sertipikado ng Kalihim ng Estado ng California, at nagsasagawa ng Logic and Accuracy (L&A) na pag-test sa lahat ng tatlong uri ng makina na ginagamit sa bawat eleksyon sa San Francisco.
Kasama sa mga unit na ito ang ImageCast Evolution Ballot-Scanning Machine, ang ImageCast X Ballot-Marking Device, at ang ImageCast Central Scanner. Sa panahon ng pag-test sa L&A, kinukumpirma ng mga kawani ng Departamento na ang bawat makina ay maayos na nagtatala at nag-tatabulate ng mga boto. Ang Lupon sa Pag-Test ng L&A, na binubuo ng maraming miyembro ng publiko, ay nagsusuri at nag-aapruba sa L&A plan at sa mga resulta ng L&A para sa bawat eleksyon. Ayon sa batas, kailangang sertipikahin ng Lupon sa Pag-Test ng L&A ang mga result asa pag-test nang hindi lalampas sa pitong araw bago ang Araw ng Eleksyon. Ang sinumang interesadong miyembro ng publiko ay malugod na tinatanggap na tingnan ang mga prosesong ito nang personal o sa pamamagitan ng live streaming. Upang matuto nang higit pa, mangyaring basahin ang aming kasalukuyang Gabay sa Pag-Obserba ng Eleksyon.
Back to topPagbibilang at muling pagbibilang ng balota
Kasunod ng bawat eleksyon, ipino-post ng Departamento ang parehong buod at detalyadong mga ulat ng mga resulta ng eleksyon at datos ng eleksyon. Sa parehong panahon, nagpo-post din ang Departamento ng naaayos na larawan ng mga binotohang mga kard ng balota sa website nito. Maaaring tingnan ng mga miyembro ng publiko ang mga larawan ng mga balotang ito para maihambing sa opisyal na mga resulta ng eleksyon. Para sa pinaka-kumbinyente at transparidad, ang mga larawang ito ay naaayos gamit ang maraming pamamaraan gaya ng lugar ng botohan o labanan. Ang sinumang interesadong miyembro ng publiko ay malugod din na maaaring tingnan ang pagproseso ng balota nang personal o sa pamamagitan ng streaming.
Upang kumpirmahin ang pagiging tumpak ng bilang ng boto pagkatapos ng bawat eleksyon, nagsasagawa ang Departamento ng manu-manong pagbibilang ng lahat ng mga karaniwang balota na isinumite sa 1% ng random na piniling mga lugar ng botohan sa San Francisco, pati na rin sa 1% ng random na piniling panbuong-lungsod na vote-by-mail at probisyonal na mga balota. Ang Departamento ay nagsasagawa rin ng pag-audit na naglilimita sa panganib pagkatapos ng halalan bilang karagdagang pag-check.
Kung kinakailangan, ang mga muling pagbibilang na hiniling ng mga botante o kandidato, o ipinag-utos ng mga korte ay isinasagawa alinsunod sa naaangkop na batas ng estado.
Pagbibilang ng probisyonal na balota
Ang lahat ng balidong mga probisyonal na balota ay binibilang bawat eleksyon. Bawat eleksyon, ang sinumang botante na ang elihibilidad ay hindi agarang matukoy (halimbawa, isang botanteng hindi nakalista sa listahan sa lugar ng botohan), ay inaalok ng isang probisyonal na balota. Pagkatapos ng Araw ng Eleksyon, sinusuri namin ang lahat ng mga probisyonal na balota na isinumite sa mga lugar ng botohan sa Araw ng Eleksyon. Kapag natukoy na ang isang botante ay elihible nga at hindi bumoto gamit ang ibang balota, ang probisyonal na balota ay bibilangin. Maaaring i-check ng mga botante ang kalagayan ng kanilang probisyonal na balota sa pamamagitan ng aming tool para hanapin ang probisyonal na balota o sa pamamagitan ng pagtawag sa amin.
Back to topPagpigil sa dobleng-rehistrasyon at dobleng-pagboto
Marami sa mga tuntunin tungkol sa kung paano at kailan maaaring magparehistro ang mga tao sa Estados Unidos para bumoto ay makikita sa pederal na batas, partikular sa, National Voter Registration Act. Sa California, kung ang isang botante sa San Francisco ay muling magparehistro upang bumoto sa anumang ibang county, ang kanilang rehistrasyon sa San Francisco ay awtomatikong makakansela. Ang mga tuntunin at prosesong ito ay nagpapahintulot sa Departamento na beripikahin ang pagkakakilanlan ng mga lokal na nagpaparehistro at kumpirmahin na wala pa silang record ng rehistrasyon sa database. Katulad nito, upang maiwasan ang sinumang botante ng San Francisco na bumoto ng higit sa isang balota, agad na ina-update ng mga kawani ng Kagawaran ang file ng bawat botante kapag binilang ang kanilang balota. Sa malamang na pagkakataon na ang isang botante ay magbalik ng pangalawang balota, ang pangalawang balota ay tatanggihan. Sa parehong dahilan, para mapigilan ang sinumang botante ng San Francisco na bumoto gamit ang higit sa isang balota, agarang ina-update ng kawani ng Departamento ang file ng bawat botante kapag nabilang na ang kanilang boto. Sa malabong mangyaring sitwasyon na magbalik ang botante ng pangalawang balota, hindi tatanggapin ang pangalawang balota.
Back to topID ng Botante
Sa California, ang mga botante ay hindi kinakailangang magpakita ng pagkakakilanlan kapag bumoboto, maliban sa ilang partikular na mga sitwasyon. Halimbawa, ang mga botante na kalahok sa isang pederal na halalan sa unang pagkakataon, at nagparehistro sa pamamagitan ng koreo at hindi nagbigay ng numero ng Driver's License o numero ng Social Security, ay hihilingin na magbigay ng isa sa ilang katanggap-tanggap na paraan ng pagkakakilanlan. Maaaring kabilang dito ang isang utility bill, isang dokumento ng pagkakakilanlan na inisyu ng isang ahensya ng gobyerno na may pangalan at tirahan ng botante, o isang photo ID tulad ng isang student ID card.
Back to topArtificial Intelligence in local elections
Ang memorandum na ito ay nagbibigay ng buod ng mga pananggalang na ipinatupad ng Departamento at isinasaalang-alang tungkol sa seguridad sa eleksyon kaugnay sa artificial intelligence (AI) at sa pangkalahatang integridad ng proseso ng eleksyon at sistema ng pagboto. Ang limang mga paksang tinalakay ay ang mga:
1. Kolaborasyon kasama ang Estado, Pederal, at Lokal na mga Ahensya
2. Mga Protokol sa Pagsusuri sa Impormasyon at Pagtugon
3. Pagbibigay ng Tumpak at Mapagkakatiwalaang Impormasyon sa Eleksyon
4. Pinalawak na mga Alituntunin sa Social Media at Pangkasalukuyang Pagmemensahe
5. Mga Protokol sa Seguridad ng Teknolohiya sa mga Eleksyon
Back to topMga eleksyon at ang internet
Ipinagbabawal ng batas ng estado ang online na pagboto. Ang mga botante ay hindi pinahihintulutan na bumoto online. Sa halip, ang mga botante na mas gustong markahan ang isang balota sa isang screen ay maaaring:
Sa mga lugar ng botohan: magmarka sa isang balota gamit ang aparato sa pagmamarka ng balota, na pagkatapos ay ipi-print, ini-scan at itinatala ng kagamitan sa pagboto.
Sa bahay: gamitin ang Aksesibleng Sistemang Vote by Mail (AVBM). Ang bawat county sa estado ay kinakailangang magpanatili ng isang sistema ng AVBM. Ang sistemang ito ay nagpapahintulot sa sinumang lokal na botante na mag-download at markahan ang isang PDF na balota. Gayunpaman, ang sistema ng AVBM ay hindi nag-iimbak, sumusubaybay, o nagbibilang ng anumang mga pagpiling ginawa ng botante. Ang minarkahang balota ay dapat na mai-print at maibalik sa isang nilagdaang sobre, tulad ng isang regular na balotang vote-by-mail.
Back to topPakikilahok sa mga lokal na eleksyon ng hindi-mamamayan
Ang batas ng San Francisco ay nagpapahintulot sa ilang mga hindi-mamamayan na bumoto sa mga lokal na Eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon lamang. Nagpapanatili ang Departamento ng hiwalay na listahan para sa mga botanteng ito.
Noong 2016, ipinasa ng mga botante ang Proposisyon N, isang batas na nagpapahintulot sa ilang mga magulang na hindi mamamayan na bumoto sa mga eleksyon para sa Lupon ng mga Paaralan sa San Francisco. Noong 2018, ipinasa ng Lupon ng mga Superbisor ng San Francisco ang Ordinansa Blg. 128-18 na nag-aatas sa Departamento ng mga Eleksyon na ipatupad ang Proposisyon N sa ilang mga partikular na paraan at, noong Oktubre 2018, ipinasa ng Lupon ng mga Superbisor ang Ordinansa Blg. 206-21, na ginagawang permanente ang Proposisyon N.
Noong Hulyo 2022, pinasiyahan ng isang hukom ng Korte Superyor na ang Prop N ay labag sa saligang batas. Gayunpaman, noong Agosto 8, 2023, sinalungatan ng isang Korte sa Pag-Apela sa California ang desisyon ng mababang hukuman at pinagtibay ang program asa pagboto ng mga hindi-mamamayan ng San Francisco. Ang ibig sabihin nito ay ang ilang mga hindi-mamamayang magulang ng mga batang nakatira sa San Francisco ay maaari na muling makaboto sa paparating na Nobyembre 5, 2024, eleksyon para sa Lupon ng Edukasyon.
Back to topPaano kayo makatutulong
Mayroong ilang mga bagay na maaari ninyong gawin upang makatulong na protektahan ang integridad ng ating mga eleksyon! Narito ang ilang mungkahi upang matulungan kayong makapagsimula:
- Regular na suriin ang inyong record ng rehistrasyon bilang botante upang matiyak na ang lahat ng impormasyon, kabilang ang inyong address, ay tama at i-update ito kung kinakailangan.
- Sundan kami sa (@SFElections) on Facebook, Instagram, X (Twitter), at Nextdoor.
- Magbasa ng mga opisyal na balita, mga update, at pampublikong mga abiso na direktang ipinadala sa inyong email sa pamamagitan ng pag-subscribe sa aming mailing list.
- Maglingkod bilang manggagawa sa botohan o isang tagamasid sa mga eleksyon (maaari ninyong obserbahan ang mga proseso ng eleksyon nang personal o sa pamamagitan ng live streaming).
- Mag-ulat ng maling impormasyon sa tanggapan ng Kalihim ng Estado sa VoteSure@sos.ca.gov at sa Departamento ng mga Eleksyon sa sfvote@sfgov.org.
Mag-ulat ng kahina-hinalang aktibidad, gaya ng pandaraya, katiwalian, o pagta-tamper, sa alinman sa mga sumusunod:
- Departamento ng mga Eleksyon sa 415-554-4375.
- Abogado ng Distrito ng Lungsod sa 628-652-4311.
- Kalihim ng Estado ng California sa 800-345-8683.