Buod
Dahil inaasahan na maraming lalahok na botante at dahil sa balotang may maraming mga kard, maaaring kailangan ng Departamento ang buong 30 na araw na pinahintulutan ng batas ng estado para bilangin ang mga balota at i-ulat ang mga pinal na mga resulta para sa Nobyembre 5, 2024, Pinagsamang Pangkalahatang Eleksyon. Nararapat na masertipika ng Departamento ang eleksyon nang hindi lalampas sa Disyembre 5.
Ayon sa nakasaad sa Iskedyul ng Pag-uulat ng Mga Resulta, ilalabas ng Departamento ang apat na paunang ulat ng mga resulta sa Gabi ng Eleksyon. Magiging preliminary lamang ang lahat ng mga resulta mula sa Gabi ng Eleksyon at magbabago ito sa mga susunod na araw habang binibilang ng Departamento ang libu-libong balota. Magkakaroon ito ng mga balidong pansamantalang balota at vote-by-mail na balota na matatanggap sa Araw ng Eleksyon, at mga balidong vote-by-mail na balota natanggap sa loob ng isang linggo sa Araw ng Eleksyon at na-postmark sa Araw ng Eleksyon.
Ang lahat ng ulat ng mga resulta ng lokal na eleksyon ay ipinost sa sfelections.gov/results. Para kaagad-agad makatanggap ng mga opisyal na balita at mga update tungkol sa eleksyon sa inyong inbox, mag-subscribe sa sfelections.gov/trustedinfo.
Inaanyayahan ang mga miyembro ng publiko na obserbahan ang pagproseso ng mga balota nang personal o sa live stream na ipino-post sa Obserbahan ang Proseso ng Eleksyon na pahina.
Bumasa para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga pangunahing mga dahilan na makakaepekto sa iskedyul ng pagbilang ng balota para Nobyembre 5 na eleksyon.
Back to top1. Milyun-milyong balota ang bibilangin.
Ang balota sa Nobyembre 5 na Eleksyon ay binubuo ng apat na double-sided na mga kard. Dahil dito, para sa bawat isang botanteng bumoto, kailangan ng Departamento iproseso ang maramihang mga nakahiwalay na kard.
Madalas nagkakaroon ng maraming mga botanteng lumalahok tuwing presidential election cycle (tingnan ang makasaysayang data ng mga lumahok na botante) na umaabot ng hanggang 90% na botante ng San Francisco ang maaaring lumahok. Nangangahulugan na kakailanganin ng Departamento na magbilang ng halos dalawang milyong kard bago ilabas ang pinal na mga resulta ng eleksyon.
Nagiging mas kumplikado ang pagbilang ng balota dahil kailangan i-proseso ang iba’t ibang uri ng mga balota, at ang bawat isa nito ay may sariling paraan kung paano ito pagtrabahuan at mga iniaatas sa pagproseso. Kasama dito ang karaniwan, vote-by-mail, pansamantala, aksesible, at mga militar/nasa ibang bansa na mga balota.
At bukod pa rito, dahil kinakailangan ito ng batas ng estado, magsasagawa ang Departamento ng mga pag-audit at pag-tabula pagkatapos ng eleksyon para maberipika kung maayos na nabilang ang mga balota at kung tumpak ang ulat ng mga resulta ng mga voting equipment. Ilalabas lamang ang mga huling resulta kapag nakumpleto ang mga hakbang na ito.
Back to top2. Kailangan ng maraming oras ang pagproseso ng vote-by-mail na mga balota.
Mas maraming trabaho ang kailangan ng vote-by-mail na mga balota bago ito bilangin kumpara sa mga balotang binoto at na-tabula sa mga lugar ng botohan.
Halimbawa, kinakailangan na-scan at na-upload ang imahe ng bawat pirma ng mga botante para sa isa’t-isang vote-by-mail na sobre sa voter registration database ng Departamento. Pagkatapos nito, ihahambing ng mga kawani ng Departamento ang pirma ng botante na nasa sobre sa mga pirma ng botante sa (mga) pirma ng botante sa file na hawak ng Departamento. Kung magkatugma ang mga pirma, tinatanggap ang balota para sa pagbibilang. Kapag hindi, maiging sinusuri ang balota at binibigyan ng pagkakataon ang botante na ayusin ang isyung ito. Mabubuksan lang ang sobre para ma-scan at mabilang ang balota nito kapag natiyak ang pagkakakilanlan ng botante.
Ayon sa batas, kailangan ng Departamento bilangin ang vote-by-mail na mga balota na natatanggap sa loob ng pitong araw ng Araw ng Eleksyon, mga na-postmark ng bago o sa Araw ng Eleksyon, at anumang ibinalik na mga San Francisco na balota sa iba’t–ibang mga county. Bukod pa rito, kinakailangan ng batas ng estado na iproseso ng Departamento ang mga balotang na “cured” ng mga botante (hal., kapag binalik ng botante ang balota sa koreo na hindi napirmahan pero inayos nung nakatanggap ng babala) ng hanggang dalawang araw bago ang deadline ng sertipikasyon.
Ang mga mahabang proseso na ito ay hindi lamang iniutos ng batas ng estado sa eleksyon, sinisigurado rin nito ang pagkatumpak at integridad sa proseso ng vote-by-mail at pinapatatag ang tiwala at kumpidensiya ng botante sa proseso.
Back to top3. Kailangan din ng maraming oras ang pagbilang ng mga pansamantalang balota.
Pagkatapos ng Araw ng Eleksyon, kinakailangan din ng Departamento na pagtrabahuan ang libu-libong pansamantalang balota. Binoboto ang mga pansamantalang balota sa mga lugar ng botohan, ngunit nilalagay ito sa loob ng mga sobre katulad ng mga vote-by-mail na balota. Bumoboto ang mga tao gamit ng pansamantalang balota kapag nagparehistro at bumoto sila sa Araw ng Eleksyon, o kapag pumunta ang mga botante sa ibang lugar ng botohan na hindi itinalaga para sa kanila.
Kailangan ng maraming oras at mas matrabaho ang mga pansamantlang balota dahil ang bawat isang sobre ay isa’t-isang sinusuri. Kinakailangan din ng mga kawani ng Departmento na tiyakin ang katayuan ng rehistrasyon ng botante, ayusin ang mga pagkakaiba, at tiyakin ang elihibilidad bago makapagsimula ang pagbilang.
Tinitiyak ng puspusang beripikasiyon na ito na ang bawat isang pansamantalang balota ay lehitimo at ang bawat isang elihibleng boto ay nabilang.