Ang Sistema ng Pagboto ng San Francisco

November 5, 2019

Alamin ang tungkol sa Sistema ng Pagboto ng San Francisco, na ginagamit simula pa noong 2019.

Binubuo ang Sistema ng Pagboto ng San Francisco ng mga makinang ImageCast Evolution Ballot-Scanning Machine, ImageCast X Ballot-Marking Device, at ng ImageCast Central Count Scanner. Sinusuporta ng sistema ng pagboto na ito ang paggamit ng ranked-choice voting na pamamaraan; pederal, estado, at lokal na mga pangangailangan sa pag-access ng wika; at mga aksesibleng tampok na pinapahintulutan ang lahat ng mga botante na makamarka sa kanilang balota nang pribado at nang mag-isa.

Back to top

Pagboto sa Pamamagitan ng Pagraranggo

Pinahihintulutan ng ranked-choice voting (pagboto sa pamamagitan ng pagraranggo) ang mga botante na magranggo ayon sa pagkakasunud-sunod ng kanilang kagustuhan at iniaalis nito ang pangangailangang magsagawa ng hiwalay na mga runoff election (pandesisyong eleksyon). Noong ipinatupad ng Departamento ng mga Eleksyon ang ranked-choice voting noong 2004, pinahintulutan ng sistema ng pagboto ng Lungsod ang mga botante na magranggo nang hanggang sa tatlong kandidato. Ang kasalukuyang sistema ng pagboto ay nagpapahintulot sa mga botante na magranggo nang hanggang sa 10 kandidato sa isang labanang ranked-choice.

Isang grid ang format ng balota para sa mga labanang ranked-choice voting, na may mga pangalan ng mga kandidatong nakalista sa kaliwang kolum at mga ranggo sa itaas na hanay.

Upang bumoto para sa isang kwalipikadong write-in (isinusulat-lamang) na kandidatong hindi nakalista sa balota, maaaring isulat ng mga botante ang pangalan ng kandidatong iyon sa espasyo na nasa dulo ng listahan ng mga kandidato at punan ang oval para sa ranggo.

Magsanay ng pagmamarka ng isang labanang ranked-choice gamit ang Interaktibong Ranked-Choice Voting na Pagsasanay na Balota!

Back to top

Aksesibilidad

Pinapahintulutan ng aming sistema ng pagboto ang mga botante na makagamit ng ilang mga assistive device upang makapagmarka sa balota nang mag-isa. Makakapili ang mga botante ng kanilang pinakagusto na format ng balota, font, kulay ng background, at wika. Maunawaan din ng mga botante ang balota sa paggamit ng braille keypad, headphones, o iba pang device. Mayroon din mga nakalaan na mga device katulad ng sip and puffs, paddles, at head pointers. 

Back to top

Mas Pinadaling Pagmarka ng Balota

Maituro ng mga botante ang kanilang mga napili sa pamamagitan ng pagpunan ng mga oval.

 Graphic showing marking an oval selection

Back to top

Seguridad

Kalakip sa sistema ng pagboto ang mga pinakabagong pamantayan sa seguridad mula sa Tanggapan ng California Secretary of State (Kalihim ng Estado ng California, SOS) at sertipikado ito ng SOS para sa paggamit sa California. 

Naglalapat ang SOS ng isa sa mga pinakamahigpit na mga programang pagsusulit at sertipikasyon sa bansa na ugnay sa sistema ng pagboto. Bago maging sertipikado sa paggamit, lahat ng mga bagong sistema ng pagboto ay sumasailalim sa end-to-end testing (pagsusuri mula umpisa hanggang katapusan na paggamit ng isang aplikasyon), kabilang ang functional testing (pagsusuri sa pamamagitan ng iba’t ibang kaso o sitwasyon), source code review (pagsusuri sa koda ng programa), red team security testing (pagsusuri sa seguridad) na may mga ekspertong sumusubok na "pumasok" sa sistema ng pagboto, at aksesibilidad at pagsusuri sa lakas o hina ng tunog.

Bilang pagsunod sa mga pamantayan ng sertipikasyon ng SOS, walang bahagi ng sistema ng pagboto ang kumokonekta sa internet sa anumang oras, o tumatanggap o nagpapadala ng data ng eleksyon sa pamamagitan ng anumang uri ng panlabas na network ng komunikasyon. Ine-encrypt ng sistema ang data at nangangailangan ito ng matagumpay na pagkumpleto sa dalawang hakbang na proseso ng pagpapatunay bago makuha ng sinuman ang data.

Bago mag-umpisa ang bawat eleksyon, nagsasagawa ang Departmento ng mga Eleksyon ng pagsusuri sa Lohika at Katumpakan ng bawat pirasong kagamitan sa pagboto na gagamitin sa eleksyon. Habang sinusuri, minamarkahan sa itinakdang paraan ang mga card na balota para mabigay ang espesipikong resulta sa bawat paligsahan. Pagkatapos nito, pinoproseso ang mga card na balota at inihahambing ang mga resulta sa mga inaasahang resulta upang mapatunayang gumagana ang mekanismo ng sistema (hindi naiipit ang mga balotang maayos na ipinapasok sa makina), lohikal (nakikilala ng yunit ang espesipikong balota ng eleksyon), at tumpak (nababasa at naiuulat ng kagamitan sa pagboto ang tamang bilang ng mga inaasahang boto).

Pagkatapos ng eleksyon, pinatatakbo ng sistema ng pagboto ang risk-limiting auditing (RLA) (paraang pag-awdit ng mga kagamitan at proseso upang matiyak ang tunay na resulta ng eleksyon). Nagbibigay ang RLA ng karagdagang pamamaraan upang tiyaking maayos na naitala at nabilang ng isang sistema ng pagboto ang mga boto, at wastong naiulat ang mga resulta.

Alamin ang tungkol sa seguridad ng eleksyon.

Back to top

Transparency

Nagbibilang ng mga boto at kumukuha ng mga imahe ng minarkahang mga balota ang mga ballot-scanning machine (makinang pang-scan ng balota) at mga central count scanner. Ang mga imaheng ito ng balota, kabilang na ang mga rekord na naghahayag kung paano isinalin ng kagamitan ang mga boto, ay ipinopost o inilalathala online pagkatapos ng eleksyon. Maaaring tingnan, ayusin at hiwalay na tiyakin ng mga interesadong miyembro ng publiko ang mga resulta ng eleksyon.

Back to top

Components

  • ImageCast Evolution Ballot-Scanning Machine

Nakalaan ang isang ImageCast X Ballot-Marking Device sa bawat lugar ng botohan at Sentro ng Botohan. Nagbibigay ang bagong accessible na ballot-marking device ng mga interface na audio at touchscreen, at akma ito sa mga ilang assistive device, kabilang ang isang Braille-embossed handheld keypad (audio-tactile interface o paraang pakikipagugnayan sa pamamagitan ng salita at sensitibong hawak, gamit ang hinahawakang keypad na may nakaumbok na Braille), mga sistemang sip-and-puff (kagamitang gumagamit ng presyon ng hangin sa pamamagitan ng paghigop o pagbuga), mga paddle (aparatong pang-pindot sa pamamagitan ng paa), at mga head-pointer (aparatong pang-pindot na nakalagay sa ulo).

Pinapayagan ng ballot-marking device ang mga botante na baguhin ang mga kulay ng teksto at background, pumili sa mas maraming pagpipiliang laki ng font, at ayusin ang bilis ng pagbabasa ng mga balotang audio.

Maaaring pumili ang mga botante ng balota sa wikang Ingles, Tsino (Cantonese o Mandarin na audio), Espanyol, o Filipino. May mga opsiyon ang mga botante na gumagamit ng ballot-marking device na basahin o pakinggan ang buod ng kanilang mga pinili at baguhin ang anumang seleksyon bago i-print ang kanilang mga balota. Nagmamarka lamang ng balota ang ballot-marking device; hindi ito nagbibilang ng mga boto. Ang aparato ay lumilikha at nag-iimprenta ng papel na balota na may mga seleksyon ng botante. Pagkatapos nito, inii-scan ang balota sa pamamagitan ng ImageCast Evolution Ballot-Scanning Machine sa lugar ng botohan para sa tabulasyon.

  • ImageCast X Ballot-Marking Device

  • ImageCast Central Count Scanner

Ang ImageCast Central Count Scanner ay isang digital na scanner na ginagamit sa tabulasyon ng mga balota para sa pagboto sa pamamagitan ng koreo, mga probisyonal na balota, at mga balotang isinumite sa mga Sentro ng Botohan. Inii-scan ng makina na ito ang isang buong digital na imahe ng papel na balota at mga marka ng botante, at elektronikong binibilang ang mga boto.

Back to top

Mga dokumento at mga ulat

Back to top