Mag-ulat ng paglabag sa mga kinakailangan ng San Francisco sa serbisyo sa delivery ng pagkain

Sundin dapat ng mga serbisyo sa delivery ng pagkain ang ilang kinakailangan ng Lungsod kapag nakikipagkontrata sa mga restawran sa San Francisco. Alamin ang tungkol sa mga kinakailangang ito at kung paano mag-ulat ng paglabag.

Anong gagawin

1. Alamin kung kwalipikado ang iyong restawran

Ang restawran ay protektado ng mga kinakailangan ng San Francisco sa serbisyo sa delivery kung ito ay:

  • Nag-aalok, sa Internet, ng pagbenta at same-day na delivery ng pagkain sa mga customer mula sa isa o higit pang lokasyon ng retail sa loob ng Lungsod; at
  • Hindi tumutugon sa depinisyon ng isang "Formula Retail" na negosyo

2. Basahin ang mga patakaran para sa mga third-party na serbisyo sa delivery

Kamakailang nagbago ang mga patakaran. Tingnan sa ibaba.

Hanggang Enero 30, 2023:

Ang isang serbisyo sa delivery ng pagkain ay hindi makakasingil sa isang restawran ng mahigit 15% ng presyo ng isang online order bilang bayarin, komisyon, o singil.

Simula Enero 31, 2023:

Hindi malalapat ang 15% limitasyon sa mga bayarin sa delivery kapag ginagawa ng isang serbisyo sa delivery ng pagkain ang pareho sa mga sumusunod:

(1) Inaalok sa lahat ng restawran ang opsyong pumili ng opsyong "pangunahing serbisyo sa delivery" para sa kabuuang bayarin, komisyon, o singil na hindi hihigit sa 15% ng halaga ng online order nang hindi kinakailangang magdagdag ng bayad para sa iba pang serbisyo.

(2) Ipinapaalam sa lahat ng restawran na may dati nang kontrata bago ang Disyembre 1, 2022, na may opsyon ang mga ito na kumuha ng "pangunahing serbisyo sa delivery."

Depinisyon ng "Pangunahing serbisyo sa delivery":

  • Ang "pangunahing serbisyo sa delivery" ay tumutukoy sa serbisyong naglilista sa isang restawran at ginagawa itong natutuklasan sa lahat ng platform na inaalok ng isang serbisyo sa delivery ng pagkain, kabilang ang web site at mobile application nito, at pinapangasiwaan at/o isinasagawa nito ang pag-deliver ng mga pagkain o inumin mula sa mga restawran papunta sa mga customer.
     
  • Hindi kasama sa "pangunahing serbisyo sa delivery" ang anupamang serbisyo na maaalok ng isang serbisyo sa delivery ng pagkain sa isang restawran, kabilang ang, pero hindi limitado sa:
    • Mga serbisyo sa advertising
    • Search engine optimization
    • Pagpapayo sa negosyo
    • Pagpoproseso ng credit card

Malinaw dapat na nililista ng kontrata sa pagitan ng serbisyo sa delivery ng pagkain at ng isang restawran ang mga bayarin, komisyon, o iba pang gastusing sisingilin ng serbisyo sa delivery ng pagkain sa restawran para sa anumang serbisyong ibibigay nito.

Hindi magagawa ng isang serbisyo sa delivery ng pagkain na:

  • Limitahan ang masisingil ng restawran para sa mga pagkain o inumin, ibinebenta man ang mga ito nang direkta mula sa restawran o sa pamamagitan ng serbisyo sa delivery ng pagkain.
  • Singilin ang isang restawran ng bayarin para sa tawag sa telepono ng customer na hindi humantong sa isang order.
  • Magproseso o mag-deliver ng mga order para sa isang restawran maliban kung nakasulat na sumang-ayon dito ang restawran.

Bukod pa rito, dapat gawin ng isang serbisyo sa delivery ng pagkain na:

  • Tapusin ang anumang kontrata sa restawran sa loob ng 72 oras pagkatapos maabisuhan ng restawran na gusto nitong tapusin ang kontrata.
  • Magpanatili ng mga talaan nang tatlong taon o mas matagal para ipakitang natugunan ng serbisyo ang mga kinakailangang ito.

3. Maghain ng ulat

Kung naniniwala kang hindi sumunod ang isang serbisyo sa delivery ng pagkain sa alinman sa mga nabanggit na kinakailangan sa pakikipagnegosyo sa iyong restawran, i-click ang button sa ibaba para maghain ng ulat.

Humingi ng tulong

Phone

Opisina sa Pagpapaunlad ng Kabuhayan at Lakas-Paggawa

Last updated December 1, 2022