Anong gagawin
Kailangan kayong bigyan ng Lungsod ng materyal na nasa Chinese, Spanish o Filipino, hindi lang Ingles.
Maaari kayong humiling ng interpreter na tutulong sa inyo sa mga pagpupulong, pagdinig at mga serbisyo sa lungsod.
Maaari kayong mag-ulat ng mga pagsasaling-wikang hindi ninyo maintindihan.
1. Punan ang form
Punan ang form na nasa Ingles, o mag-download ng form na nasa inyong wika at punan ito.
2. Ipadala ang form
Maaari ninyong ipadala sa amin ang form sa pamamagitan ng email, koreo o fax.
Maaari din ninyo itong ipaalam sa amin sa telepono.
Office of Civic Engagement and Immigrant Affairs (OCEIA)
3. Makatanggap ng sagot mula sa amin
Ipapaalam namin sa inyo kung ano ang nangyari sa loob ng 30 araw, kung ibibigay ninyo sa amin ang inyong email o telepono.
Maaari kayong mag-ulat nang hindi ibinibigay ang inyong pangalan. Ngunit kung hindi ninyo ibibigay ang inyong pangalan, hindi kami makakapagtanong sa inyo o hindi namin maipapaalam sa inyo ang nangyari.
Mahalagang siguruhing ang lahat ng kagawaran ay nagbibigay ng paraan para maunawaan ang wika. Kaya, nag-uulat tayo kada taon sa Language Access (Pagkakaunawa sa Wika) sa San Francisco.
Humingi ng tulong
Fax
415-581-2351
Office of Civic Engagement and Immigrant Affairs
50 Van Ness
San Francisco, CA 94102
Phone
OCEIA
Last updated November 15, 2021