Ranked-choice voting

Alamin kung kailan at paano ginagamit ang ganitong paraan sa pagboto.

Magsanay sa pagmamarka ng ranked-choice na labanan gamit ang aming Tool sa Pagsasanay sa Pagboto sa Labanang Ranked-Choice!

Kailan ginagamit ang ranked-choice voting

Sa pamamagitan ng ranked-choice voting (pagboto sa pamamagitan ng pagraranggo ng mga piniling kandidato), maaaring magbigay ranggo ang botante sa hanggang 10 kandidato ayon sa pagkakasunud-sunod ng kanilang kagustuhan. Ginagamit na ng mga taga-San Francisco mula pa noong Nobyembre 2004 ang ganitong paraan para pagbotohan ang karamihan sa mga lokal na katungkulan tulad ng mga sumusunod:

  • Mayor
  • Tagatasa-Tagatala
  • Abugado ng Lungsod
  • Abugado ng Distrito
  • Pampublikong Tagapagtanggol
  • Sheriff
  • Ingat-Yaman
  • Mga Miyembro ng Lupon ng mga Superbisor

Paano bibigyan ng ranggo ng mga botante ang mga kandidato

Sa balota, makikita bilang isang grid ang ranked-choice na labanan. Nakalista sa kaliwang hanay ang mga kandidato at ang mga ranggo ay ipinapakita naman sa itaas na hilera. 

Para bumoto sa labanan, bigyan ng ranggo ang mga kandidato sa pamamagitan ng pagpunan sa mga oval mula kaliwa hanggang kanan:

  1. Sa ika-1 hilera, punan ang oval para sa inyong ika-1 pinili
  2. Sa ika-2 hilera, punan ang oval para sa inyong ika-2 pinili
  3. Sa ika-3 hilera, punan ang oval para sa inyong ika-3 pinili, at iba pa.

Tandaan ang mga sumusunod habang kayo’y nagbibigay ranggo:

  • Maaari ninyong bigyan ng ranggo ang kahit gaano karami o kaunting kandidato ayon sa inyong kagustuhan.
  • Hindi kayo maaaring magbigay ng parehong ranggo sa higit sa isang kandidato. Ang tawag dito ay overvote (labis na boto). Ang inyong boto sa hanay na ito at sa alinmang mga hanay pagkatapos nito ay hindi mabibilang.
  • Hindi ninyo maaaring bigyan ng ranggo nang higit sa isang beses ang parehong kandidato. Mabibilang lamang namin ang una ninyong pagranggo at babalewalain ang lahat ng iba pa.
  • Upang bigyan ng ranggo ang isang write-in (isinusulat-lamang) na kandidato, isulat ang kanyang pangalan sa espasyo sa dulo ng listahan ng kandidato at punan ang oval para sa ranggo.

Paano namin binibilang ang mga ranked-choice na balota

Sumasailalim sa prosesong multi-round ang mga ranked-choice na boto para mabilang.

Sa unang round, binibilang namin ang lahat ng ika-1 piniling boto para sa bawat kandidato. Kung may kandidatong nanalo ng mayorya ng ika-1 pinili na mga boto sa round na ito, panalo ang kandidatong iyon. Kompleto na ang bilangan. 

Kung walang nanalo sa unang round, mapupunta tayo sa pangalawang round. Sa pangalawang round, tatanggalin natin ang kandidatong may pinaka-kaunting ika-1 pinili na mga boto. Sa gayon, kung ang ika-1 pinili na kandidato ng botante ang may pinaka-kaunting ika-1 pinili na mga boto, bibilangin natin ang kanilang ika-2 piniling kandidato bilang kanilang bagong nangungunang pinili.

Kung may kandidatong nanalo ng mayorya sa pangalawang round, panalo ang kandidatong iyon at kompleto na ang bilangan. Kung wala pa ring nanalo ng mayorya, aalisin muli natin ang kandidatong may pinaka-kaunting boto. Magbibilangan muli, at ipagpapatuloy ang prosesong ito hanggang may kandidatong manalo.

 

 

 

Humingi ng tulong

Department of Elections

1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
City Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102

Phone

Fax: 415-554-7344
TTY: 415-554-4386

中文: 415-554-4367
Español: 415-554-4366
Filipino: 415-554-4310

Last updated October 8, 2024