Kunin ang inyong naaprubahang permit ng ADU

Kapag naaprubahan ang inyong mga plano ng ADU (accessory dwelling unit, karagdagang yunit ng tirahan), dapat ninyong bayaran ang natira sa inyong bayarin at kunin ang inyong permit.

Anong gagawin

Kunin ang inyong naaprubahang permit

Kapag ipinakita ng tracker na naaprubahan ang inyong permit, dapat ninyo itong kunin at bayaran ang natitirang bayarin.

Tumawag para malaman kung magkano ang babayaran ninyo sa 415-558-6070, o magdala ng blangkong tseke.

Maaari kayong magbayad sa pamamagitan ng tseke o credit card kapag kinuha ninyo ang inyong permit. Hindi kami naniningil ng bayarin sa paggamit ng inyong credit card. 

Ang bayarin ay 6 hanggang 9% ng gastos sa pagpapatayo ng proyekto, batay sa iskedyul ng gastos ng Department of Building Inspection (Kagawaran ng Pagsisiyasat ng Gusali), o sa inyong pagtatasa (alinman ang mas mataas). 

Pagpapaskil ng inyong permit at card ng trabaho

Dapat ninyong ipaskil ang inyong permit sa pagpapatayo.

Dapat ilagay ang card ng trabaho sa lugar ng trabaho. Kailangang lagdaan ng inyong inspektor ng gusali ang inyong card ng trabaho pagkatapos ng bawat inspeksyon. 

Kapag natapos ang inyong proyekto, dapat ninyong itago agn inyong card ng trabaho kasama ang inyong permit ng gusali at iba pang permanenteng talaan.

Humingi ng tulong

Department of Building Inspection

Permit Services
49 South Van Ness
2nd floor
San Francisco, CA 94103

Mon to Tue, 7:30 am to 3:30 pm

Wed, 9:00 am to 3:30 pm

Thu to Fri, 7:30 am to 3:30 pm

View location on google maps

Mag-sign in sa gusali bago mag-3:30 ng hapon para matulungan ka namin sa parehong araw.

Last updated June 30, 2022