Noong 2020, isang grupo ng mga boluntaryong kawani ang sumali kay Direktor John Arntz upang buoin ang aming Racial Equity Team. Sa taong iyon, natapos nila ang aming unang REAP. (Basahin ang buong teksto ng aming kasalukuyang REAP dito.)
Batay sa Office of Racial Equity Framework, ang aming REAP ay sumasaklaw sa pitong pangunahing paksa:
- Pag-eempleyo at Pag-rerecruit;
- Pagpapanatili at Promosyon;
- Disiplina at Paghihiwalay;
- Magkakaiba at Pantay na Pamumuno;
- Mobilidad at Propesyonal na Pag-unlad;
- Kultura na may Inklusyon at Pagsasama-sama ng Organisasyon; at
- Mga Lupon at Komisyon.
Ipinapaliwanag ng aming REAP kung ano ang gagawin namin para makabuo ng mas inklusibong lugar ng trabaho, kabilang ang:
- Pagbabago sa mga kasanayan sa pagre-recruit at pag-eempleyo upang makaakit ng mas magkakaibang grupo ng mga aplikante;
- Pagtulong sa mga empleyado na mahanap at magamit ang mga benepisyo ng Lungsod at propesyonal na pagsasanay; at
- Paglinang ng kapaligiran sa lugar ng trabaho kung saan nararamdaman ng lahat ng empleyado na sila’y pinahahalagahan at sinusuportahan.
Sa bawat magkakasunod na taon, naglabas kami ng Ulat sa Takbo ng Aming Gawain hinggil sa Racial Equity. Para magbigay ng feedback sa paksang ito, mangyaring mag-email sa amin o tumawag sa 415-554-4310.
Ulat sa Takbo ng Aming Gawain hinggil sa Racial Equity para sa 2021
Ulat sa Takbo ng Aming Gawain hinggil sa Racial Equity para sa 2022
Ulat sa Takbo ng Aming Gawain hinggil sa Racial Equity para sa 2023
Humingi ng tulong
Department of Elections
1 Dr. Carlton B. Goodlett PlaceCity Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102
Phone
Fax: 415-554-7344
TTY: 415-554-4386
中文: 415-554-4367
Español: 415-554-4366
Filipino: 415-554-4310
Last updated May 14, 2024