Ayusin ang mga vendor ng pagkain para sa isang espesyal na event sa komunidad

Kumuha ng pag-apruba sa kalusugan para magdaos ng pansamantalang pampublikong event kung saan may mga vendor na nagbebenta o namimigay ng pagkain o inumin.

Anong gagawin

1. Suriin ang inyong site

Bago ninyo kumpirmahin ang lokasyon ng isang event, tingnan ang gabay ng Opisina ng Maliliit na Negosyo sa pagho-host ng mga pansamantalang event at mga pop-up.

Siguraduhing nakuha na ninyo ang pag-apruba at ang mga kinakailangang permit para ma-host ang inyong event sa lokasyong ito.

Kapag nakumpirma na, kailangan ninyong magkaroon ng plano para sa maiinom na tubig, supply ng kuryente, at paghuhugas ng kamay.

Kumuha ng mga detalye tungkol sa mga kinakailangan sa site plan.

2. Sagutan ang inyong aplikasyon para sa sponsor

Ibibigay ninyo ang inyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan at pangkalahatang impormasyon tungkol sa event.

I-download at sagutan ang application para sa sponsor.

3. Ayusin ang inyong mga vendor ng pagkain

Ang sinumang magbebenta ng pagkain o inumin sa inyong event ay kailangang kumuha ng permit. Kasama rito ang mga pre-packaged na pagkain at mga nakakalasing na inumin.

Mangongolekta kayo ng mga aplikasyon mula sa lahat ng vendor at isusumite ninyo ang mga ito sa departamento ng kalusugan.

Para makapagsimula, atasan ang inyong mga vendor na sagutan ang mga form para sa kanilang concessionaire permit.

4. Maghanda ng mapa ng site at listahan ng vendor

Kapag nakuha na ninyo ang lahat ng inyong vendor, maghanda ng mapa ng site ng event.

Kasama dapat dito ang lokasyon ng:

  • Bawat booth ng vendor ng pagkain o food truck
  • Mga banyo
  • Mga source ng tubig at pagtatapon ng maruming tubig (kung naaangkop)

5. Ipadala ang lahat ng dokumentasyon sa departamento ng kalusugan

Ipadala ang lahat ng dokumentasyon sa departamento ng kalusugan.

Kasama sa inyong packet ng aplikasyon ang:

  • Inyong aplikasyon para sa sponsor
  • Mga nasagutang aplikasyon para sa vendor
  • Mapa ng site ng event
  • Isang listahan ng inyong mga vendor

Department of Public Health

Environmental Health Branch
Attention: Temporary Events program
49 South Van Ness Avenue
Suite 600
San Francisco, CA 94103
View location on google maps

6. Maghintay na makatanggap ng sagot

Magfa-follow up kami sa inyo tungkol sa anumang susunod na hakbang pagkatapos ninyong maipadala ang inyong aplikasyon.

Para maghanda para sa inyong appointment, suriin ang worksheet ng bayarin.

Kumuha ng iba pang permit kung kinakailangan

Kumuha ng iba pang permit kung kinakailangan

Posibleng kailangan ninyo ng mga permit o pag-apruba mula sa iba pang ahensya ng lungsod para sa mga sumusunod na sitwasyon:

Pagluluto, apoy, paggamit ng generator

Departamento ng Bumbero ng SF
415-558-3303

Paggamit ng bangketa

Departamento ng Public Works ng SF
415-554-5810

Pagbebenta ng alok

State ABC
415-356-6500

Paggamit ng pampublikong ari-arian

Departmento ng Pulisya ng SF
415-553-1115

Paggamit ng ari-arian sa parke

Libangan at Mga Parke sa SF
415-831-5500

Permit para sa body modification (body art)

Pampublikong Kalusugan ng SF
415-252-3971

Pag-recycle, pag-compost, basura

Recology
415-554-3434

Espesyal na mga kaso

Mga sitwasyon kung saan libre o hindi kailangan ng permit

Mga sitwasyon kung saan libre o hindi kailangan ng permit

Humingi ng tulong

Phone

Kyle Chan

Senior Environmental Health Inspector

Aron Wong

Senior Environmental Health Inspector

Department of Public Health

Environmental Health Branch
Attention: Temporary Events program
49 South Van Ness Avenue
Suite 600
San Francisco, CA 94103
View location on google maps

Last updated October 25, 2023