Programa ng pagbisita ng nars sa bahay

Kung ikaw ay buntis o bagong panganak, puwede kang bisitahin ng isang public health nurse sa bahay.

Anong gagawin

Kung ikaw ay buntis o may sanggol, puwedeng makipagkita sa iyo ang isang public health nurse para talakayin ang mga tanong mo at makatulong na gabayan ka sa:

  • paggawa ng mga hakbang para sa malusog na pagbubuntis
  • pagiging isang magulang na may tiwala sa sarili at pagtulong sa iyong sanggol na matuto at lumaki
  • pagsuporta sa kalusugan ng iyong pamilya
  • pagtulong sa iyong pamilya na kumonekta sa mga mapagkukunan sa komunidad
  • pagkuha ng mga supply para sa iyong sanggol tulad ng crib o mga diaper

1. Alamin kung ano ang puwede mong asahan sa pagbisita ng nars sa bahay

Kikilalanin ka ng iyong nars at tutulungan ka niyang magkaroon ng malusog na pagbubuntis at sanggol.

Isang public health nurse ang regular na makikipagkita sa iyo sa bahay mo o sa napagkasunduang ligtas na lugar.  

Malayang makisali sa mga pagbisita ang iba pang miyembro ng pamilya. 

Puwedeng gawin ng iyong nars ang mga sumusunod:

  • makipag-usap sa iyo tungkol sa pagkuha ng pangangalagang prenatal (bago manganak) at paghahanda para sa panganganak
  • makipag-usap sa iyo tungkol sa kung paano alagaan ang iyong bagong panganak, at magbahagi ng mga positibong tip sa pagiging magulang
  • suriin ang presyon ng dugo mo
  • tulungan ka sa pagpapasuso
  • timbangin ang iyong sanggol
  • suriin ang paglaki ng iyong sanggol
  • tulungan kang pamahalaan ang iyong stress sa araw-araw

2. Alamin kung kwalipikado kayo

Hinihikayat namin ang mga ina na magpatala sa aming mga serbisyo ng nars sa simula pa lang ng pagbubuntis hangga't maaari para maagang makapagsimulang magkaroon ng malusog na pagbubuntis at sanggol.

Ang serbisyo ng pagbisita ng nars sa bahay ay makukuha ng mga babaeng:

  • nakatira sa San Francisco
  • buntis o may bagong panganak na sanggol
  • nakakatugon sa mga kinakailangan sa kita 

Puwede mong makuha ang serbisyong ito anuman ang iyong katayuan sa imigrasyon. Hindi kailangang mayroon kang insurance sa kalusugan. 

3. Tumawag para mag-sign up

Tumawag sa sangay na Maternal, Child and Adolescent Health (MCAH o Kalusugan ng Ina, Bata at Adolescent) para mag-sign up para sa mga serbisyo sa pagbisita ng nars.

Magtatanong kami sa iyo tungkol sa:

  • Iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan
  • Mga detalye tungkol sa iyong pagbubuntis, halimbawa, kung ilang buwan ka na ba
  • Kung nanganak ka na, puwede kaming manghingi ng mga detalye tungkol sa iyong sanggol 
  • Ang mga pinakamainam na oras at araw para magkita

Aabutin nang humigit-kumulang 20 minuto para mag-sign up para sa aming serbisyo sa telepono. 

Opisina ng MCAH

Espesyal na mga kaso

Mga opsyon sa wika

Mga opsyon sa wika

Ang aming mga nars ay nagsasalita ng maraming wika at puwedeng gumamit ng mga serbisyo ng interpreter. Kapag tumawag ka sa linya ng MCAH, puwede kang magsalita sa sarili mong wika. 

Last updated August 7, 2024