Nobyembre 5, 2024, Schedule ng Pag-uulat sa Resulta ng Primaryang Eleksyon Para sa Pagkapangulo

Tingnan ang Schedule ng Pag-Uulat sa mga Resulta ng Nobyembre 5, 2024 na Eleksyon

Ilalathala ang mga ulat sa opisyal na resulta ng lokal na eleksyon sa sfelections.org/results, at mayroon ring nakaimprentang kopyang makukuha sa tanggapan ng Departamento ng mga Eleksyon sa Room 48, City Hall.  Sfelections.org/results

Sa Gabi ng Eleksyon, makukuha rin ang mga resulta sa North Light Court ng City Hall at mapapanood sa pamamagitan ng ticker sa SFGTV (Channel 26).

Ang mga opisyal na resulta ng eleksyon sa buong estado ay makikita sa sos.ca.gov/elections.

I-uulat ng Departamento ng mga Eleksyon ang mga resulta ng lokal na eleksyon ayon sa mga sumusunod:

Pag-Uulat sa Gabi ng Eleksyon (Pauna)

Pagkatapos magsara ng botohan, ang Departamento ay maglalabas ng apat na ulat ng mga paunang resulta:

  1. Bandang 8:45 p.m., isang ulat na naglalaman ng mga resulta mula sa mga vote-by-mail na balotang natanggap bago ang Araw ng Eleksyon.
  2. Bandang 9:45 p.m., isang ulat na may kasamang mga resulta mula sa Araw ng Eleksyon mula sa mga lugar ng botohan na nakapag-ulat na sa mga oras na iyon.
  3. Sa ganap na 10:45 p.m., isang ulat na may kasamang karagdagang mga resulta mula sa Araw ng Eleksyon mula sa mga lugar ng botohan na nakapag-ulat na sa mga oras na iyon.
  4. Kapag nakapag-ulat na lahat ng mga lugar ng botohan, isang ulat na may kasamang mga resulta mula sa Araw ng Eleksyon mula sa lahat ng 514 na mga lugar ng botohan sa lungsod.

Lahat ng mga resulta ng eleksyon na ilalabas sa Gabi ng Eleksyon ay pauna lamang at magbabago sa mga susunod na araw habang binibilang pa ng Departamento ang libu-libong mga balota. Kabilang sa mga ito ang lahat ng mga balidong probisyonal at vote-by-mail na balotang natanggap sa Araw ng Eleksyon, pati na rin ang lahat ng balidong vote-by-mail na balotang natanggap sa loob ng isang linggo matapos ang Araw ng Eleksyon at may postmark ng hanggang sa Araw ng Eleksyon.

Araw-araw na Pag-Uulat sa Panahon ng Bilangan ng Boto (Pauna)

  1. Simula Miyerkules, Nobyembre 6, maglalathala ang Departamento ng mga Eleksyon ng ulat sa tinatayang dami ng mga balota na bibilangin pa bandang 4 p.m., araw-araw.
  2. Simula Huwebes, Nobyembre 7, maglalabas ang Departamento ng Eleksyon ng ulat ng mga na-update na paunang resulta ng eleksyon bandang 4 p.m. araw-araw.

Sa mga araw na hindi nagbibilang ang Departamento ng mga balota at wala pang mas napapanahong mga ulat ng paunang mga resulta ng eleksyon, ang Departamento ay magpo-post ng abiso patungkol dito.

Pag-Uulat sa mga Pinal na Resulta

Maglalabas ang Departamento ng mga Eleksyon ng pinal na mga resulta ng eleksyon nang hindi lalampas sa Disyembre 5, 2024.

Mga Format ng Ulat

Ang mga una at huling ulat sa Gabi ng Eleksyon, pati na rin ang lahat ng mga araw-araw na ulat sa panahon ng bilangan ng boto, ay maglalaman ng parehong a) Pahayag ng Boto, na may datos na nakaayos ayon sa lugar ng botohan, distrito, at komunidad (PDF at Excel), at b) Record ng Boto, na nagpapakita ng raw data ng boto (JSON).

Pag-obserba ng Publiko

Ang mga miyembro ng publiko ay maaaring mag-obserba sa pagpo-proseso ng mga balota nang personal o sa pamamagitan ng live stream na nakapost sa pahinang Obserbahan ang Proseso ng Eleksyon.

Humingi ng tulong

Department of Elections

1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
City Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102

Phone

Fax: 415-554-7344
TTY: 415-554-4386

中文: 415-554-4367
Español: 415-554-4366
Filipino: 415-554-4310

Last updated May 14, 2024