Tungkol sa amin
Inilunsad ang Department of Homelessness and Supportive Housing (HSH) noong Hulyo 1, 2016. Pinagsasama ng departamento ang mga pangunahing programa at kontrata sa paglilingkod para sa mga walang tirahan mula sa:
- Departamento ng Pampublikong Kalusugan (Department of Public Health, DPH)
- Ahensya ng Serbisyong Pantao (Human Services Agency, HSA)
- Opisina ng Meyor para sa Pabahay at Pag-unlad ng Komunidad (Mayor’s Office of Housing and Community Development, MOHCD)
- Departamento ng Mga Kabataan at Ang Kanilang Mga Pamilya (Department of Children Youth and Their Families, DCYF).
Nakatuon ang pinagsama-samang departamentong ito sa pagpigil at pagwawakas ng kawalan ng tirahan sa San Francisco.
Ang aming misyon
Sinisikap ng HSH na gawing bihira, maikli, at isang-beses ang pagkawalan ng tirahan sa San Francisco. Ginagawa namin ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga serbisyong nakaayos, mahabagin, at may mataas na kalidad.
Ang aming mga patnubay na halaga
Ang HSH ay binuo sa mga haligi ng pagkahabag, katapangan, at praktikal na kaisipan. Ang mga halagang ito ay makikita sa aming trabaho.
- Pagkahabag: Ang pagkahabag ang nagtutulak sa ating pagsisikap na wakasan ang pagkawalan ng tirahan. Kinikilala ng HSH ang pagkakaiba-iba sa populasyon ng mga walang tirahan at nakatuon ito sa pagtataas ng pagkakapantay-pantay. Ang aming mga sistema at programa ay nagtataguyod ng dignidad at paggalang sa lahat ng taong nakakaranas ng kawalan ng tirahan.
- Katapangan: Ang pagbabago ay palaging mahirap at maaaring makita bilang nakakatakot at nakakabagabag na bagay. Nagsisikap ang HSH upang matiyak ang transparency at integridad habang pinamumunuan nito ang proseso ng pagbabago. Nakikipagtulungan ang HSH sa mga miyembro ng komunidad upang baguhin kung paano tumugon ang SF sa kawalan ng tahanan.
- Praktikal na kaisipan: Nakatuon kami sa mga solusyon, gumagawa kami ng mga desisyon na batay sa data, at hinihikayat namin ang pakikipagtulungan at inobasyon.
Matatagpuan ang Headquarters at Adult Access Point ng HSH sa 440 Turk Street.
Inilipat namin ang pangunahing opisina nito sa 440 Turk noong Enero 2020. Nalulugod kaming maging bahagi ng masigla at makasaysayang Tenderloin Community.