News

Pagpapahayag mula sa Tangappan ng Civic Engagement and Immigrant Affairs (OCEIA) ng San Francisco at ng Immigrant Rights Commission (IRC) sa 2024 na halalan

Pagpapahayag mula sa Tangappan ng Civic Engagement and Immigrant Affairs (OCEIA) ng San Francisco at ng Immigrant Rights Commission (IRC) sa 2024 na halalan
November 12, 2024

Pagpapahayag mula sa Tangappan ng Civic Engagement and Immigrant Affairs (OCEIA) ng San Francisco at ng Immigrant Rights Commission (IRC) sa 2024 na halalan

Matapos ang halalan sa nagdaang Martes, nauunawaan namin na marami sa ating mga komunidad na nakararamdam ng matinding pag aagam-agam at alinlangan. 

Ang Tanggapan ng Civic Engagement and Immigrant Affairs (OCEIA) ng San Francisco at ang Immigrant Rights Commission (IRC) ay muling pinagtitibay ng aming patuloy at hindi natitinag na pagtaguyod at suporta sa ating mga komunidad ng imigrante. Naninindigan kami, kahanay sa Tanggapan ng Mayor, Lupon ng mga Superbisor at mga Kagawaran ng Lungsod, at kasama ninyo—hindi lamang sa panahon ng katatagan, kundi pati na rin sa mga oras ng mga pagbabago at pag aalinlangan.

Ang aming pagsisikap na pag linkuran at pangalagaan ang karapatan ng lahat ng mga taga San Francisco ay nananatiling matibay, at patuloy kaming magsusumikap para tiyakin na ang San Francisco ay nananatiling ligtas, inklusibo at Lungsod na bukas para sa lahat. 

Anu man ang pagbabago sa pederal na antas, ang mga tuntunin sa santuwaryo (santuary policies) ng San Francisco ay nananatili at umiiral sa lugar at patuloy naming itataguyod ang patas at nagmamalasakit na pagturing sa lahat ng mga pamilya sa ating lungsod. Ang aming pagsisikap na maghatid ng serbisyong madaling ma-akses, pag suporta sa wika, tulong sa larangang legal at pakikipag ugnayan sa komunidad ay lalo lamang lalakas sa ating pag sulong sa ilalim ng susunod na administrasyon. Ang mga miyembro ng komunidad ay patuloy na makaka-akses ng mga serbisyo ng Lungsod ng walang takot at pangangamba.

Mahalagang malaman na ang bagong administrasyong pederal ay hindi malalagay sa puwesto hangang sa Enero 20, 2025. Sa ating paghahanda bilang Lungsod, hinihimok namin ang lahat na manatiling nakatutok sa lahat ng mga pangyayari. Patuloy namin kayong babalitaan ng mga pinakabagong pangyayari at hinihikayat namin kayong lahat na makipag ugnayan sa mga mapapagkatiwalaang non-profit na samahan sa komunidad para sa anumang mga katanungang legal tungkol sa imigrasyon: https://immigrants.sfgov.org

Narito ang OCEIA para sumoporta at tumatayong kasama niyo. Kabahagi ang Lungsod at ating mga kasamahan sa komunidad, haharapin natin ang mga pagbabagong ito nang may pagkakaisa at pagpupunyagi, at ang San Francisco ay mananatiling Lungsod kung saan ang lahat ay may pagkakataong lumago at yumabong.