SAN FRANCISCO – Sa pagdiriwang ng Citizenship Day, hinihimok ng San Francisco ang mga may green card na pupuwede nang maging citizen na samantalahin ang mga libreng tulong na nakalaan para mag apply na at maging citizen. Itatanghal ng lungsod ang dalawang libreng workshop sa mga susunod na linggo upang tulungan ang bawat isa na mag apply para maging citizen, at hinihikayat na rin ang mga bagong citizen na mag parehistro sila at tamang-tama ito sa darating na halalan sa Nobyembre.
Ang mga libreng workshop ang pinakabagong gawain na binuo ng San Francisco Pathways to Citizenship Initiative, isang pagtutulungan (collaborative) ng mga non-profit na organisasyon na pinondohan ng Lungsod para tumulong at nang sa gayon ay mas madaling ma akses (accessible) at abot-kaya ang maging citizen.
“Simula pa nuong binuo ang non-profit na samahan ng San Francisco Pathways to Citizenship Initiative (SFPCI) nuong 2013, ipinagdiriwang natin taun-taon ang National Citizenship Day,” sabi ni Anni Chung, pangulo at CEO ng Self-Help for the Elderly, ang namumunong organisasyon sa inisyatiba. “Tinulungan ng SFPCI ang mahigit na 11,500 katao sa kanilang landas na tinatahak tungo sa pagiging U.S. citizen.”
Sinasabi ng mga kasapi sa samahan na ngayong taon, marami sa mga bagong citizen ay lubos na masigla dahil sila ay makakaboto na sa kauna-unahang pagkakataon. .
“Matapos na dumalo sa SFPCI workshop, nag patala ako para bumoto, at ngayon ay makakaboto na sa unang pagkakataon. Ginamit ko ang aking karapatan na bumoto noong presidential primary, at ngayon ay halos di na ako makapag hintay para bumoto sa Nobyembre,” sabi na Daniel Abera, 39, na galing sa Ethiopia. “Ngayon na U.S. citizen na ako, napakaraming pagkakataon ang nabuksan para sa akin, at sa wakas ay mabibisita ko na ang aking mga kapamilya sa kauna unahang pagkakataon makalipas ang 16 na taon.” Si Abera ay nag bo-volunteer sa mga SFPCI workshop para tulungan ang iba sa kanilang landas tungo sa pagiging citizen.
Sa Citizenship Day, itatanghal ng samahan ang Lawyers in the Library, isang computer-based clinic, sa punong tanggapan ng San Francisco Public Library sa 100 Larkin St. na kung saan matutulungan ang bawat tao sa kanilang aplikasyon para maging citizen sa pamamagitan ng online na programang citizenshipworks.org.
“Ang Aklatan ay tagpuan ng kultura, edukasyon at komunidad,” ani ni City Librarian Michael Lambert. “Kami ay masiglang nakikipag tulungan sa Lawyers in the Library para mag santabi ng lugar sa kalagitnaan ng lungsod para sa mga miyembro ng komunidad upang makapag apply sila para maging citizen.”
“Inaalis ng San Francisco Pathways to Citizenship Initiative ang mga hadlang na hinaharap ng maraming mga imigrante na kung saan ang proseso para maging U.S. citizen ay mas madaling maakses, gawing mas abot kaya, at maging mas simple” sabi ni Jorge Rivas, direktor ng tanggapan ng Civic Engagement & Immigrant Affairs (OCEIA) at kalihim ng San Francisco Immigrant Rights Commission. “Ngayong Citizenship Day, hinihikayat namin kayong panghawakan ang buong kapangyarihan ng pagiging citizen: bumoto ng may pakay, lumahok at tumakbo sa mga halalan, manatiling aktibo at makibahagi sa buhay sibika tungo sa paglikha ng makabuluhan at pang matagalan na pagbabago sa inyong komunidad.”
Ang mga aplikante na may kaugnayan sa San Francisco ay makakakuha ng tulong sa sa bayarin sa aplikasyon sa mula sa pakikipagtulungan ng Lungsod at Mission Asset Fund. Sa pamamagitan ng Mission Asset fund, nagkakaloob ang Lungsod at County ng San Francisco ng 50% na pang tapat, para sa mga aplikante na naninirahan, nagtatrabaho o pumapasok sa mga paaralan sa San Francisco. Maaaring gamitin ng mga aplikante ang 50% na katapat upang bayaran ang filing fee para mag naturalize o para sa iba pang benepisyong pang imigrasyon kasama dito ang Temporary Protected Status (TPS), U visa para sa mga biktima ng krimen, petisyon para sa kapamilya, o para sa renewal ng Deferred Action for Childhood Arrivals (DACA).
Sa pondo mula sa Lungsod at kabalikat na mga lokal na foundation, nakapag sagawa ang San Francisco Pathways to Citizenship Initiative ng 81 na libreng workshop sa kabuuhan ng lungsod, nakapag bahagi ng mga pagsusuring legal (legal screening) sa halos 19,000 na mga imigrante, at tinulungan ang mga aplikante na maka tipid ng mahigit na $6 million mula sa mga application fee. Nuong 2017, inilunsad ng inisyatíba ang Lawyers in the Library kasama ang San Francisco Public Library para tulungan ang mga aplikante sa citizenship sa pamamagitan ng mga computer-based workshop.
Nuong 2018, kami ay nakipag tulungan sa San Francisco International Airport para mabigyan ng pagkakataon ang kanilang mga empleyado pati na ang pamilya ng mga kawani upang makapag apply para sa citizenship duon mismo sa airport. Tinutulungan din ng SF Pathways na pag tapatin ang mga aplikante sa mga klase at pag aaral sa Ingles bilang pangalawang wika (English as a Second Language (ESL)) at sa pagiging mamamayan (citizenship) sa tulong ng City College ng San Francisco at iba pang mga kasaping organisasyon.
Para sa dagdag kaalaman tungkol sa libreng citizenship workshop sa Setyembre 17, 2024 at Oktubre 19, 2024, tunghayan po ang : sfcitizenship.org. Para makapag pagawa ng appointment, ang mga aplikante ay mangyari po lamang na mag iwan ng mensahe sa isa sa mga kaukulang hotline na nasa sa iba't-ibang wika:
- Ingles: 415-662-8901
- Kastila: 415-662-8902
- Tsino: 415-295-5894
- Filipino: 415-498-0735
- Ruso: 415-754-3818
- Vietnamese: 415-295-5894
###
Patungkol sa Office of Civic Engagement and Immigrant Affairs (OCEIA)
Ang Tanggapan ng Civic Engagement & Immigrant Affairs (OCEIA) ay opisina para sa mga pamamalakad (policy), pagpapasunod, mga direktang serbisyo at para sa pagbibigay gawad. Layon ng OCEIA ang isulong ang ingklusibong mga pamamalakad at itaguyod ang mga programang pantulong sa mga imigrante tungo sa ganap na pagkakabuklod ng lahat sa larangan ng sibika, ekonomiya at wika. HInahanap ng OCEIA ang isang ligtas, nakikibahagi at ingklusibong San Francisco na kung saan ang lahat ay nakakapag ambag at yumayabong.
Alamin ang higit pa: sf.gov/oceia
Patungkol sa San Francisco Pathways to Citizenship Initiative
Ang San Francisco Pathways to Citizenship Initiative ay itinatag nuong 2013 ng yumaong Mayor Edwin M. Lee bilang mag kabalikat na pagtutulungan ng pampubliko at pribadong sektor sa pagitan ng mga lokal na foundation at ng Tanggapan ng Civic Engagement & Immigrant Affairs (OCEIA) ng Lungsod at County ng San Francisco para isulong ang pagiging mamamayan (citizenship) at sibikang pakikilahok/pakikibahagi sa mga imigranteng nasa San Francisco na maari nang magpa naturalize. Kasosyo at kasapi ng San Francisco Pathways to Citizenship Initiative ang mga sumusunod:
- Self-Help for the Elderly ((namumunong ahensya (lead agency)
- Asian Pacific Islander Legal Outreach
- Immigration Institute of the Bay Area
- Jewish Family and Children’s Services
- Jubilee Immigration Advocates
- La Raza Community Resource Center
- We RISE SF
Alamin ang higit pa: sfcitizenship.org
Ang patungkol sa San Francisco Public Library:
Iniuugnay ng San Francisco Public Library ang ating iba’t ibang komunidad sa mga pag aaral, mga oportunidad at sa bawat isa. Ang library system ay binubuo ng 27 na mga sangay na nasa mga kapitbahayan, kasama ng San Francisco Main Library sa Civic Center at ng apat na bookmobile.