Mga Madalas Itanong Tungkol sa Marso 5, 2024 Primaryang Eleksyon para sa Pagkapangulo

1. Paano ko mache-check ang aking kinakatigang partido?

Mag-log-in sa Portal para sa Botante o tumawag sa Departamento ng mga Eleksyon sa 415-554-4310.

2. Maaari ba akong pumili ng alinmang kinakatigang politikal na partido?

Opo, maaari kayong pumili mula sa anim na mga kwalipikadong politikal na partido ─Amerikanong Independiyente, Demokratiko, Luntian, Libertaryan, Kapayapaan at Kalayaan, at Republikano─na nasa form ng rehistrasyon. Magsasagawa ang mga partidong ito ng kanilang mga primarya para sa pagkapangulo sa Marso 5, 2024.

3. Maaari ko bang baguhin ang aking kinakatigang partido para bumoto para sa ibang kandidato para sa pagkapangulo?

Opo. Para gawin ito, kakailanganin ninyong muling magparehistro para bumoto na may bagong partido.

  • Hanggang Pebrero 20, maaari kayong magparehistro para bumoto online o kumumpleto ng isang form ng rehistrasyon.
  • Hanggang sa Araw ng Eleksyon, Marso 5, maaari ninyong baguhin ang inyong kinakatigang partido nang personal sa Sentro ng Botohan sa City Hall.
  • Sa Araw ng Eleksyon, maaari ninyong baguhin ang inyong kinakatigang partido sa inyong lugar ng botohan.

4. Kung wala akong kinakatigang partido, maaari ba akong bumoto para sa mga kandidato para sa pagkapangulo?

Opo. Ang inyong default na balota ay hindi maglalaman ng labanan para sa pagkapangulo. Gayunpaman, maaari kayong humiling ng balota ng isa sa tatlong mga partido na nagpapahintulot sa mga botanteng walang kinakatigang partido na makilahok sa kanilang mga primarya para sa pagkapangulo.

Para humiling ng balota na may mga kandidato para sa pagkapangulo ng mga partidong Amerikanong Independiyente, Demokratiko, o Libertaryan, gawin ang alinman sa mga aksiyong ito:

  1. Isumite ang inyong kahilingan para sa balota gamit ang Portal para sa Botante o sa pamamagitan ng pagtawag sa (415) 554-4310, o
  2. I-text ang “START” sa (415) 941-5495 kasunod ang inyong pangalan, petsa ng kapanganakan, address, at kahilingan para sa balota, o
  3. Magsumite ng kahilingan para sa balota:
  • sa pamamagitan ng koreo o nang personal sa Departamento ng mga Eleksyon, 1 Dr. Carlton B Goodlett Pl., STE 48, SF, CA 94102, o
  • sa pamamagitan ng fax sa (415) 554-7344, o
  • bilang na-scan na email attachment sa sfvote@sfgov.org, o
  1. I-access ang inyong balota sa pamamagitan ng aksesibleng sistemang vote-by-mail, o 
  2. Hilingin ang inyong balota nang personal sa Sentro ng Botohan sa City Hall o sa inyong lugar ng botohan sa Araw ng Eleksyon.

Para bumoto para sa mga kandidato para sa pagkapangulo ng mga partidong Luntian, Kapayapaan at Kalayaan, o Republikano, kailangan ninyong muling magparehistro na may partidong iyon. 

5. Ano ang sentral na komite ng county/konseho ng county?

Ang mga Sentral na Komite ng County ay kadalasang nagsasagawa ng mga aktibidad sa pangangalap ng pondo ng partido o kaugnay nito. Para bumoto para sa mga miyembro ng Sentral na Komite ng County, kailangang nakarehistro kayong bumoto na may pagkatig para sa partidong iyon.

6. Saan ako makakahanap ng karagdagang impormsayon tungkol sa nalalapit na eleksyon? 

Makipag-ugnayan sa Departamento ng mga Eleksyon sa (415) 554-4310. Maaari rin ninyong bisitahin ang sos.ca.gov/elections/primary-elections-California

Humingi ng tulong

Department of Elections

1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
City Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102

Phone

415-554-4375

Fax: 415-554-7344

TTY: 415-554-4386

中文: 415-554-4367

Español: 415-554-4366

Filipino: 415-554-4310

Last updated November 17, 2023