Sa City Hall
Kapag nakarating ka sa City Hall kakailanganin mong:
- Pumasok sa pamamagitan ng mga pasukan sa Goodlett o Grove Street
- Magsuot ng mask o mga pantakip sa mukha sa lahat ng oras
- Magpanatili ng 6 na talampakang distansya sa mga miyembro ng ibang sambahayan
Para makapasok ng City Hall, kakailanganin mong dumaan sa pagsusuring panseguridad, kabilang ang metal detector at pagsusuri sa bag.
Available ang in person na mga serbisyo
Tingnan ang mga website ng departamento para sa higit pang impormasyon.
Opisina ng Tagatasa, bukas 8 am hanggang 5 pm
Sertipiko ng kasal (hindi kailangan ng appointment)
Magpatala ng dokumento (hindi kailangan ng appointment)
Kiosk para maghanap at tumingin ng mga pampublikong talaan (hindi kailangan ng appointment)
Mga Kaganapan sa City Hall, bukas 9 am hanggang 5 pm
Mga pagtatanong para sa kasal at iba pang kaganapan (kailangang may appointment)
Komersyal na photography (kailangang may appointment)
County Clerk, bukas 8 am hanggang 1 pm
Mag-apply para sa City ID (kailangang may appointment)
Sertipiko ng kapanganakan at pagkamatay (hindi kailangan ng appointment)
Lisensya sa kasal at mga seremonya (kailangang may appointment)
Tanggapan ng Halalan, bukas 9 am hanggang 5 pm
Mga serbisyo sa kampanya at botante (kailangang may appointment)
Lahat ng serbisyo sa counter (hindi kailangan ng appointment)
Opisina ng Maliliit na Negosyo, 9 am hanggang 5 pm
Makakuha ng tulong sa pag-set up at pagpapatakbo sa iyong maliit na negosyo sa Sentro ng Tulong sa Maliit na Negosyo (kailangang may appointment)
Treasurer at Tax Collector, bukas 8:30 am hanggang 5 pm
Lahat ng serbisyo sa counter, kabilang ang pagbabayad ng mga buwis at bayarin, at rehistro ng negosyo (hindi kailangan ng appointment)
Getting here
Ang pinakamalapit na istasyon ng MUNI at BART ay ang istasyon sa Civic Center. Makakuha ng tulong sa pagpaplano ng iyong biyahe sa pamamagitan ng pampublikong transportasyon gamit ang tagaplano ng biyahe ng 511. Para sa impormasyon sa pagpunta sa City Hall sa pamamagitan ng bus at iba pang serbisyo ng MUNI, tumawag sa 311.
Sa City Hall
Ang pangunahing entrance sa City Hall ay nasa Dr. Carlton B. Goodlett Place (Polk Street) sa pagitan ng McAllister Street at Grove Street. Para makapasok sa City Hall, kailangan mong dumaan sa panseguridad na pag-screen, na may kasamang metal detector at pag-screen ng bag. Kung may dala kang bag na mas malaki sa 11" x 17" x 7", dapat kang pumasok sa loading dock sa Grove Street. Pakitingnan din ang para sa listahan ng mga bagay at gawaing ipinagbabawal sa loob ng City Hall.
Ang mga indibidwal ay mahigpit na inirerekomenda, ngunit hindi kinakailangan, na magsuot ng mga maskara sa City Hall anuman ang katayuan ng pagbabakuna.
Pakibisita ang Mga Kaganapan sa San Francisco City Hall (San Francisco City Hall Events) para sa mga tanong tungkol sa mga pag-renta ng espasyo sa City Hall para sa mga pribadong kaganapan.
Paradahan
Paradahan
Pwede kang mag-park sa mga naka-metrong espasyo sa Van Ness, McAllister, Grove, at Dr. Carlton B. Goodlett Place. Ang Civic Center Garage ay matatagpuan sa McAllister, sa pagitan ng Dr. Carlton B. Goodlett Place at Larkin.
May parking ng bisikleta sa mga kalapit na sidewalk.
Accessibility
Accessibility
May mga ADA accessible na pasukan sa Van Ness Avenue, Grove Street at Goodlett Place (Polk Street) na gilid ng gusali. May mga accessible na banyo sa bawat palapag.
May mga elevator sa bawat palapag.
Pagdadala ng bago sa City Hall
Pagdadala ng bago sa City Hall
Dapat kang pumasok sa City Hall nang dumaraan sa Goodlett entrance (Polk Street) o sa loading dock sa Grove Street kung may dala kang alinman sa sumusunod:
- Mga backpack
- Mga gym bag
- Mga selyadong item
- Mga drawstring bag
- Malalaking lalagyan ng camera
Dumaan ka dapat sa loading dock sa Grove Street kapag papasok kung may dala kang bag na mas malaki sa 11" x 17" x 7".
Isi-screen o iinspeksyunin ang iyong bag ng isang miyembro ng Departamento ng Sheriff ng San Francisco bago ka makapasok sa City Hall. Tumingin sa isang listahan ng mga bagay at gawaing ipinagbabawal sa loob ng City Hall.
Para sa mga tour sa City Hall
Para sa mga tour sa City Hall
Ang Mga Docent ng San Francisco City Hall ay nagbibigay ng mga may-gabay na tour sa publiko. Ang mga tour ay nasa isang oras ang tagal at kasalukuyang inaalok tuwing Biyernes nang 1pm.
Booking
Tumawag sa 415-554-6139 para magpa-reserve, o mag-sign up para sa isang tour sa Docent Tour kiosk (na matatagpuan sa Goodlett Lobby).
Kailangang magpa-reserve ng mga grupo na may mahigit 8 tao 4 na linggo bago ang petsa ng pag-tour.
Gastusin
Libre ang karamihan ng tour, pero may babayaran para sa mga pribadong grupo na may 8 tao o higit pa. Walang sisingilin para sa mga pampaaralang grupo mula elementarya hanggang high school.
Iskedyul ng pampublikong tour
- Biyernes 1pm (sarado sa mga legal na holiday)
Magboluntaryo
Para magboluntaryo na maging isang Docent ng City Hall, tumawag sa 415-554-6139. Available ang orientation / mga sesyon ng pagsasanay nang paisa-isa. Ang lahat ng sesyon ay tumatagal nang 1 oras.
Karagdagang impormasyon
Iskedyul ng pailaw
Iskedyul ng pailaw
Mga kaganapan sa pagpapailaw na nakaiskedyul sa Marso 2022 (posibleng magbago)
- Martes, Marso 1 hanggang Linggo, Marso 6, 2022 – asul/dilaw - ang mga kulay ng watawat ng Ukraine - bilang suporta sa mga mamamayan ng Ukraine.
- Lunes, Marso 7, 2022 – berde/puti/asul/ - bilang pagkilala sa Sacred Heart Cathedral Preparatory CIF State Champions Football Team
- Martes, Marso 8, 2022 – purple – bilang pagdiriwang ng International Women’s Day
- Huwebes, Marso 10, 2022 – orange – bilang pagkilala sa World Kidney Day
- Biyernes, Marso 11, 2022 – berde – bilang pagkilala sa pagbisita ng Alkalde ng Cork, Ireland sa San Francisco
- Sabado, Marso 12, 2022 – berde – bilang pagkilala sa taunang St. Patrick’s Day Parade
- Huwebes, Marso 17, 2022 – berde – bilang pagkilala sa St. Patrick’s Day Holiday
- Biyernes, Marso 18, 2022 – pula/berde/puti – sa pagdiriwang ng NowRuz Holiday - Persian New Year
- Sabado, Marso 19, 2022 – pula – bilang pagkilala sa American Red Cross
- Huwebes, Marso 24, 2022 – pula – bilang pagkilala sa World TB Day
- Biyernes, Marso 25, 2022 – asul/puti – bilang pagkilala sa Pambansang Araw ng Greece
- Sabado, Marso 26 – asul/puti – bilang pagkilala sa Pac-12 at Chase Center, tahanan ng Golden State Warriors, na nagho-host ng 2022 NCAA Division I Men’s Basketball Championship West Regionals
- Linggo, Marso 27, 2022 – itim/ginto – bilang pagkilala sa Alpha Phi Alpha Fraternity Annual Regional Convention (ang mga petsa ng kombensiyon sa San Francisco ay Marso 24 hanggang 27, 2022)
- Martes, Marso 29, 2022 – purple – bilang pagkilala kay Mayor Breed at ng Department on the Status of Women event na nagpaparangal sa Women’s History Month
Mag-renta ng espasyo sa City Hall
Mag-renta ng espasyo sa City Hall
Available ang City Hall para sa mga weekday na pag-renta para sa kasal, at sa mga buong gabi na kaganapan tuwing weekday at weekend. Para sa impormasyon para sa mga pribadong pag-renta, bisitahin ang page na San Francisco City Hall Events o tumawag sa 415-554-6079.
Tungkol sa gusali
Tungkol sa gusali
Kilala bilang People’s Palace, ang City Hall ng San Francisco ay ang puwesto ng pamahalaan para sa Lungsod at County ng San Francisco. Isa rin itong destinasyon na makasaysayang lugar, na madalas na binibisita ng mga turista at photographer. Iniilawan ng may temang makukulay na LED ang gusali sa gabi.
Ang City Hall na nakikita mo ngayon ay inabot ng dalawang taon para maitayo. Steel, granite, at apat na palapag ng white marble na interior ang bumubuo sa simbolo ng katatagan ng San Francisco, na itinayo matapos masira ng dating City Hall sa Matinding Lindol at Sunog ng Abril 18, 1906.
Naging disidido ang mga sibikong pinuno na ipakita ang muling pagsilang ng lungsod, nang sakto sa simula ng World's Fair ng 1915. Idinisenyo ni architect Arthur Brown, Jr. at sinimulan noong 1913, ang mga katutubo sa lungsod at ang buong mundo ay naaayong namangha sa tubog sa ginto na pagdedetalye ng exterior, sa naglalawakang grand staircase, at sa naglalakihang dome. Sa taas na 307 feet, ang dome ay ganap na 42 feet na mas mataas kaysa sa dome ng kapitolyo ng bansa.
Sa nakaraang siglo, nasaksihan ng gusali ang malalaking pulitikal na pagbabago at pagbabago ng demograpiko ng mga mambabatas nito. Ang City Hall ay madalas na pokus ng drama: ang mga kalunos-lunos na assassination ng 1979; at pokus ng pagsasaya, noong unang isinagawa ang mga same-sex marriage noong 2004. Isang dating repositoryo ng mga talaan at lugar para sa mas maliliit na hukuman, regular na nagkakaroon sa loob ng mga kasalukuyang debate at desisyon tungkol sa pagtatrabaho, paggamit ng lupa, at mga isyu sa pampublikong patakaran. Naging lokasyon ang City Hall para sa mga pelikula mula Dirty Harry at Indiana Jones hanggang Invasion of the Body Snatchers.
Isang lindol na may 7.1 ang tumama noong Oktubre 17, 1989 at napinsala ang City Hall nang sobrang tindi na ang dome mismo ay nagalaw nang apat na buong pulgada. Ang pag-ayos at panunumbalik, na nakumpleto noong 1999, ay nagsama ng isang pagpapahusay sa kaligtasan sa lindol na tinatawag na base isolator system. Ina-absorb nito ang mga shock at paggalaw sa pundasyon, na napoprotektahan ang gusali sa itaas.
Sa ilang dekada, ang pag-a-adjust ng tint ng mga ilaw sa labas ay nangailangan ng palakad na pagdaraan sa mga opisina ng mga mambabatas para manu-manong palitan ang mga may kulay na gel. Simula 2016, may comuter-controlled na sistema ng LED na ilaw ang nagdagdag ng mga naka-temang kulay sa façade ng plaza, nang may natitipid sa enerhiya. Ang City Hall ay paborito pa ring lugar para sa mga kasal, at regular na makakarinig ng mga paghiyaw sa buong rotunda.
Matuto pa tungkol sa mga exhibit na naka-display sa City Hall.
City Hall Preservation Advisory Commission
City Hall Preservation Advisory Commission
Ang misyon ng City Hall Preservation Advisory Commission ay:
- Tiyakin na ang pagmementina at pagpapatakbo ng City Hall ay naaayon sa tindig at dignidad nito bilang pambansang landmark at bilang upuan ng pamahalaan ng Lungsod
- Tiyakin na ang gusali ay mapagtanggap na lugar para sa lahat ng tao
- Isulong ang pag-unawa sa kasaysayan at mga kultural na pagpapahalaga nito
Archived website
Archived website
See previous website archived August 2022.
Makipag-ugnayan
City Hall
1 Dr Carlton B Goodlett PlSan Francisco, CA 94102
Mon to Fri,
8:00 am to 6:00 pm
At City Hall ng San Francisco
Controller's Office
Controller's Office
City Hall1 Dr Carlton B. Goodlett Place
Room 316
San Francisco, CA 94102
San Francisco City Hall Events Office
San Francisco City Hall Events Office
City Hall1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
Room 495
San Francisco, CA 94102
Departamento ng mga Eleksyon
Department of Elections
1 Dr. Carlton B. Goodlett Pl.City Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102
Mon to Fri,
8:00 am to 5:00 pm
Sarado sa tuwing pampublikong holiday
Film SF
Film Commission
City Hall1 Dr Carlton B Goodlett Pl
Room 473
San Francisco, CA 94102
Office of Contract Administration
Office of Contract Administration
City Hall1 Dr Carlton B. Goodlett Place
Room 430
San Francisco, CA 94102
Administrador ng Lungsod
City Administrator
1 Dr. Carlton B. Goodlett PlaceCity Hall Room 362
San Francisco, CA 94102
Office of Labor Standards Enforcement
Office of Labor Standards Enforcement
City Hall1 Dr Carlton B. Goodlett Place
Room 430
San Francisco, CA 94102
Contact us
Office of the Mayor
Office of the Mayor
City Hall1 Dr Carlton B. Goodlett Place
Room 200
San Francisco, CA 94102
Sheriff's Office
Sheriff's Office
City Hall1 Dr Carlton B. Goodlett Place
Room 456
San Francisco, CA 94102
Treasurer & Tax Collector
Treasury and Tax Collector Office
Treasurer and Tax Collector OfficeCity Hall, Room 140
1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
San Francisco, CA 94102
Mon to Fri,
8:00 am to 5:00 pm
Processing: Mon to Fri, 8am to 4pm
Information only: Mon to Fri, 4 to 5pm
Closed on public holidays
Tungkol sa
Ang City Hall Building Management ay namamahala sa mga operasyon ng City Hall sa pagtatayo, isang Pambansang Makasaysayang Landmark, at isa itong subsidiary ng Dibisyon ng Real Estate.