Pag-isolate sa bahay kapag mayroon kang COVID-19

Kung magpositibo ka sa COVID-19, manatili sa bahay nang hindi bababa sa 5 araw.

Anong gagawin

Nakuha nang mas detalyado ang impormasyong ito sa iyong post-test booklet. Available ang mas detalyadong gabay sa pag-isolate sa Departamento ng Pampublikong Kalusugan.

Manatili sa bahay hanggang sa bumuti ang iyong pakiramdam

Huwag pumasok sa trabaho. Huwag umalis ng iyong bahay maliban na lang kung ikaw ay kukuha ng pangangalagang pangkalusugan. Huwag magpapasok ng mga bisita sa iyong bahay, maliban na lang kung darating sila upang maalagaan ka.

Magpahinga at uminom ng maraming likido. Kung mayroon kang COVID-19, kapag nanatiling sapat ang iniinom na tubig, makakatulong itong maiwasan ang mga mapanganib na namuong dugo.

Maaari kang uminom ng acetaminophen (tulad ng Tylenol) upang mabawasan ang lagnat at pananakit. Huwag magbigay ng anumang gamot sa mga bata na wala pang 2 taong gulang nang hindi muna kumokonsulta sa doktor. 

Limitahan ang pakikisalamuha sa mga taong kasama mo sa bahay

Manatili sa sarili mong kuwarto, kung kaya mo. Magsuot ng pantakip sa mukha, o pasuotin ng pantakip sa mukha angh ibang tao kapag kasama ka nila.

Magbukas ng mga bintana at pinto kung ligtas na gawin iyon. Naiipon ang virus sa loob ng mga gusali, kaya mainam na magpaikot ng sariwang hangin hangga't maaari.

Gumamit ng hiwalay na banyo, kung kaya mo. Kung nakikibahagi ka sa banyo:

  1. Magbukas ng mga bentilador na nagpapalabas ng hangin mula sa banyo.
  2. Magbukas ng mga bintana.
  3. Magsuot ng pantakip sa mukha.
  4. I-flush ang inidoro nang nakasara ang takip. 
  5. Maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig nang hindi bababa sa 20 segundo.
  6. Punasan ng disinfectant ang anumang hinawakan mo.

Huwag maghanda o maghain ng pagkain para sa iba. Gumamit ng sarili mong kutsara't tinidor, plato, tuwalya, kubrekama, o iba pang gamit sa bahay. Huwag ipahiram ang mga ito.

Limitahan ang pagdikit mo sa mga alagang hayop.

Sundin ang mga tip para sa personal na kalinisan at paglilinis para manatiling malusog sa panahon ng pandemiya ng coronavirus.

Puwede kang magpatulong sa iyong mga kaibigan o mahal sa buhay

Kung may magtatanong kung may maitutulong sila, puwede nilang gawin ang mga sumusunod:

  • Mag-iwan ng mga pagkain at inumin sa may pintuan mo
  • Ikuha ka ng gamot para maibsan ang mga sintomas
  • Tumulong sa pag-aalaga ng mga bata, magulang, o iba pang dependent
  • Tumulong sa pag-aalaga ng mga alaga mong hayop

Kung pupunta ang iyong mga kaibigan at pamilya upang tumulong, ipaalala sa kanilang magsuot ng pantakip sa mukha at hugasan ang kanilang mga kamay.

Kung magpositibo ka sa COVID-19

Tandaan kung sino ang pisikal na malapit sa iyo

Subukang tandaan ang mga naging close contact mo sa loob ng 48 oras bago ka nagpasuri para sa COVID-19. Dapat nilang i-quarantine ang kanilang sarili sa kani-kanilang bahay

Ang mga close contact ay kinabibilangan ng sinumang:

  • Kasama mo sa bahay o nag-overnight kasama ka
  • May pisikal na intimasyon ka, kabilang ang paghalik lang o pakikipagtalik
  • Nag-aalaga sa iyo 
  • Inaalagaan mo
  • Nanatili sa loob ng 6 na talampakang distansya mula sa iyo nang 15 o mahigit na minuto sa isang araw
  • Nadikit mismo sa mga likido mula sa iyong katawan, kabilang ang galing sa mga pag-ubo o pagbahing

Makikipag-ugnayan sa iyo ang isang manggagawa sa Pampublikong Kalusugan

Kung magpositibo ka, makikipag-ugnayan kami sa iyo. Ite-text ka mula sa “CA COVID Team”, na gumamit ng chatbot sa caconnected.cdph.ca.gov upang matulungan ka sa mga susunod na hakbang.

Ang isang sinanay na manggagawa sa Pampublikong Kalusugan ay maaari ring tumawag o mag-text mula sa 628-217-6101 o 628-217-6102. 

Hinding-hindi namin hihingin ang iyong social security number, pinansyal na impormasyon, o ang iyong katayuan sa imigrasyon.

Tatanungin ka namin tungkol sa iyong mga close contact. Pagkatapos noon, maaari kaming makipag-ugnayan sa lahat ng maaaring nalantad.

Kailan mo maaaring ihinto ang iyong pag-isolate

Maaari mong ihinto ang iyong pag-isolate kapag akma ang lahat ng sumusunod: 

  • Bumaba na sa 100.4° Fahrenheit (38.0° Celsius) ang iyong temperatura sa nakalipas na 24 na oras, nang hindi umiinom ng gamot na tulad ng acetaminophen
  • Bumuti na ang iyong mga sintomas
  • Hindi bababa sa 10 araw na ang lumipas pagkatapos ng iyong unang mga sintomas

Maaari kang atasan ng iyong doktor na mag-isolate nang mas matagal sa bahay, depende sa kasaysayan ng iyong kalusugan.

Kung magpositibo ka ngunit hindi masama ang iyong pakiramdam, manatili sa bahay nang hindi bababa sa 10 araw pagkatapos mong magpasuri.

Hindi mo kailangang magkaroon ng negatibong pagsusuri para sa COVID-19 upang makabalik sa trabaho. Maaari mong ipakita sa iyong employer ang nilagdaang sulat tungkol sa hindi pangangailangan ng negatibong pagsusuri, mula sa Opisyal sa Kalusugan ng San Francisco.

Tingnan ang gabay mula sa Departamento ng Pampublikong Kalusugan

Tingnan ang Gabay sa Pag-isolate at Pag-quarantine ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco sa www.sfcdcp.org/i&q

I-download ang nilagdaang sulat ng Opisyal sa Kalusugan tungkol sa pagbalik sa trabaho, sa EnglishChineseSpanishTagalogRussianVietnameseArabic.

Espesyal na mga kaso

Mga bata o taong may mga espesyal na pangangailangan

Mga bata o taong may mga espesyal na pangangailangan

Hindi kailangang mag-isolate ng mga taong nangangailangan ng pangangalaga sa kanilang mga tagapag-alaga. Kailangan pa rin nilang manatili sa bahay.

Mga manggagawa sa mga pasilidad ng may kasanayan sa pangangalaga

Mga manggagawa sa mga pasilidad ng may kasanayan sa pangangalaga

Kailangan mong magkaroon ng mas mahihigpit na pamantayan para sa pagbalik sa trabaho. Tingnan ang gabay para sa mga pasilidad sa pangmatagalang pangangalaga mula sa Departamento ng Pampublikong Kalusugan.

Humingi ng tulong

Phone

311

Magpatulong sa pagkain, pabahay, o iba pang pangangailangan.

Suporta sa Pag-isolate at Pag-quarantine

Humingi ng libreng tulong sa pag-isolate nang mag-isa.

Pangkat sa pag-iimbestiga ng kaso

Kung magpositibo ka, makakatanggap ka ng text mula sa "CA COVID Team." Maaari ka rin naming tawagan. Hinding-hindi namin hihingin ang iyong social security number, pinansyal na impormasyon, o ang iyong katayuan sa imigrasyon.

Last updated June 30, 2022