Anong gagawin
Sabihin sa inyong landlord ang tungkol sa programang Fix Lead SF gamit ang isa sa mga paraan sa ibaba:
- Ipadala ang link na ito sa may-ari, o
- Magbigay ng flyer na may detalyadong paglalarawan tungkol sa programa (English, Chinese, Filipino, and Spanish) at kung paano mag-apply, o
- Hilingin sa inyong landlord na makipag-ugnayan sa programa sa pamamagitan ng pagtawag sa 415-252-3882 o sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa fixleadsf@sfdph.org, o
- Ibigay sa Fix Lead SF ang numero ng telepono o email ng inyong landlord; makikipag-ugnayan kami sa inyong may-ari ng ari-arian nang hindi ibinibigay ang inyong pangalan.
Last updated December 20, 2024