Ang bawat uri ng Shared Space ay magkakaroon ng iba't ibang bayarin at nangangailangan ng partikular na permit. Mag-a-apply kayo para sa lahat ng permit nang sabay-sabay sa iisang aplikasyon.
Tingnan ang mga uri ng paggamit para maunawaan ninyo ang inyong mga bayarin, maihanda ninyo ang plano ng inyong site, at maipon ninyo ang impormasyong kailangan ninyo para makapag-apply.
Bangketa
Magagamit ninyo ang bangketa sa 2 paraan:
- Mga mesa at upuan ng café
- Display na paninda
Parking o curbside lane
Ang curbside lane ay ang espasyo sa kalye sa tabi ng gilid ng bangketa. Kadalasang ito ang parking lane.
Pampublikong parklet
Isa itong nakapirming istruktura o deck na laging bukas sa publiko. Hindi ito para sa eksklusibong komersyal na aktibidad.
Nakapirming komersyal na parklet
Isa itong nakapirming istruktura o deck na ginagamit sa mga oras ng negosyo.
Bukas dapat sa publiko ang inyong parklet sa umaga, kahit na sarado ang inyong negosyo.
Naililipat na komersyal na parklet
Gumagamit ng naililipat na komersyal na parklet sa mga partikular na oras ng negosyo. Kung mag-a-apply kayo para sa naililipat na parklet, kailangan ninyong pumili sa aming mga yugto ng oras para magamit ang espasyo. Kailangang parehong yugto ng oras sa bawat araw ng linggo ang pipiliin ninyo.
Ang mga yugto ng oras ay:
- 8 a.m. hanggang Tanghali
- Tanghali hanggang 3 p.m.
- 3 p.m. hanggang 6 p.m.
- 6 p.m. hanggang 10 p.m.
(Puwede kayong pumili ng hanggang 3 magkakasunod na oras. Kung kailangan ninyo ang espasyo nang maghapon, kailangan ninyong mag-apply para sa Nakapirming komersyal na parklet.)
Kalsada
Isinasara ng Shared Space na kalsada ang isang kalye mula sa trapiko sa mga partikular na araw at oras.
Mga bukas na lote
Sa isang Shared Space na bukas na lote, makakagamit kayo ng mga bukas na pribadong lote, courtyard, at bakuran sa likod para sa komersyal na aktibidad mula 9 a.m. hanggang 10 p.m.