Mga Sertipikadong Inspektor
Ang mga tagapagtustos ng mga serbisyo ng inspeksyon sa Fix Lead SF ay dapat na:
- Isang Inspektor na Tagasuri ng Panganib na Sertipikado sa Tingga (Lead-Certified Inspector Risk Assessor) ng Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng California (California Department of Public Health).
- Mayroon at nagpapanatili ng lahat ng kinakailangang lisensiya sa Lungsod at County.
- Mayroon at nagpapanatili ng pangkalahatang proteksyon ng seguro sa komersiyal na pananagutan na may iisang limitasyon na $1,000,000 o higit pa para sa bawat kaganapan para sa Pinsala sa Katawan at Pinsala sa Ari-arian, kabilang ang Pananagutan ayon sa Kontrata, Personal na Pinsala, Mga Produkto at Nakumpletong Operasyon. Idagdag ang Lungsod at County ng San Francisco at Rebuilding Together San Francisco, ang mga opisyal, kinatawan, at empleyado ng mga ito bilang karagdagang nakaseguro sa polisiya; c/o Fix Lead SF sa 49 South Van Ness Ave., San Francisco, CA 94103.
- Mayroon at nagpapanatili ng Kabayaran para sa Mga Manggagawa (Workers’ Compensation; kung naangkop).
- Sumunod sa lahat ng naaangkop na batas at regulasyon ng pederal na pamahalaan, estado, at lokal na pamahalaan sa pagnenegosyo sa San Francisco, CA. (hal., may IRS W-9)
- Makapagsuri ng mga sampol ng pintura, alikabok, at lupa alinsunod sa Kabanata 5 at 7 ng “Mga Alituntunin para sa Pagsusuri at Pagkontrol ng Mga Panganib sa Pintura na Tingga ang Pangunahing Sangkap sa Pabahay (Guidelines for the Evaluation and Control of Lead-Based Paint Hazards in Housing)”, Kagawaran ng Pabahay at Panlungsod na Pagpapaunlad ng Estados Unidos, Hulyo 2012 (U.S. Department of Housing and Urban Development, July 2012).
- Makasunod sa karagdagang plano at pag-uulat sa pagkuha ng sampol ayon sa kinakailangan ng Lungsod.
- Makapagsuri ng mga sampol ng alikabok at lupa ng isang laboratoryo na akreditado ng Pambansang Programa para sa Akreditasyon ng Laboratoryo para sa Tingga (National Lead Laboratory Accreditation Program, NLLAP) ng EPA.
- Makapagbigay ng dokumentasyon mula sa laboratoryo na nagsasaad ng pinakamababang sukat para sa pagkuha ng sampol para sa isang sampol ng alikabok sa sahig na makapagbibigay ng mga tumpak na pagbasa sa o mas mababa sa 10 ug/ft2.
- Makapagbigay ng kopya ng mga ulat tungkol sa pagtatasa ng panganib ng tingga/inspeksyon ng pintura at mga ulat sa Inspeksyon upang Aprubahan ang Gawain (Clearance Inspection) sa loob ng 5 araw ng negosyo.
- Hindi magbenta ng ibang serbisyong pangkapaligiran o iba pang serbisyo sa mga may-ari ng ari-arian. Maaari lamang payuhan ng mga inspektor ang mga may-ari ng ari-arian na “tumawag sa propesyonal na makakapagpayo o tumawag sa Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan (Department of Public Health) sa 415-252-3800”.
Mga Sertipikadong Superbisor (Certified Supervisors)
Ang mga kontratista sa gawain sa tingga ay dapat na:
- Isang Superbisor na Sertipikado sa Tingga (Lead-Certified Supervisor) ng Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng California (California Department of Public Health).
- Isang bahagi ng Kompanya ng Pagpapaayos (Renovation Firm) na Sertipikado ng Ahensiya sa Pagprotekta ng Kapaligiran (Environmental Protection Agency).
- Isang kontratistang lisensyado ng Lupon para sa Lisensya ng Estado ng California (State of California’s License Board) upang maisagawa ang klase at uri ng trabahong kinakailangan at tiyaking nakatutugon ang sinumang subkontraktor sa parehong kinakailangan.
- Magsagawa ng gawain sa tingga alinsunod sa Mga Kabanata 8-13 ng “Mga Alituntunin para sa Pagsusuri at Pagkontrol ng Mga Panganib sa Pintura na Tingga ang Pangunahing Sangkap sa Pabahay” (Guidelines for Evaluation and Control of Lead-Based Paint Hazards in Housing, Kagawaran ng Pabahay at Panlungsod na Pagpapaunlad ng Estados Unidos, Hulyo 2012/ U.S. Department of Housing and Urban Development, July 2012).
- Sundin ang anumang karagdagang kinakailangan sa trabaho ayon sa kinakailangan ng Fix Lead SF
- Mayroon at nagpapanatili ng lahat ng kinakailangang lisensiya sa Lungsod at County.
- Mayroon at nagpapanatili ng pangkalahatang proteksyon ng seguro sa komersiyal na pananagutan na may iisang limitasyon na $1,000,000 o higit pa para sa bawat kaganapan para sa Pinsala sa Katawan (Bodily Injury) at Pinsala sa Ari-arian (Property Damage), kabilang ang Pananagutan ayon sa Kontrata (Contractual Liability), Personal na Pinsala (Personal Injury), Mga Produkto (Products) at Nakumpletong Operasyon (Completed Operations). Idagdag ang Lungsod at County ng San Francisco at Rebuilding Together San Francisco, ang mga opisyal, kinatawan, at empleyado ng mga ito bilang karagdagang nakaseguro sa polisiya; c/o Fix Lead SF sa 49 South Van Ness Ave., San Francisco, CA 94103.
- Mayroon at nagpapanatili ng Seguro sa Pananagutan sa Polusyon (Pollution Liability Insurance) na naaangkop sa mga aktibidad at responsibilidad sa ilalim ng Kasunduan (Agreement) na ito na may mga limitasyong hindi bababa sa $2,000,000 para sa bawat kaganapan sa pinagsamang iisang limitasyon, kabilang ang proteksyon para sa mga kahilingan para sa pinsala sa katawan at sa ari-arian ng ikatlong partido sa lugar ng kaganapan. Idagdag ang Lungsod at County ng San Francisco at Rebuilding Together San Francisco, ang mga opisyal, kinatawan, at empleyado ng mga ito bilang karagdagang nakaseguro sa polisiya; c/o Fix Lead SF sa 49 South Van Ness Ave., San Francisco, CA 94103
- Mayroon at nagpapanatili ng Kabayaran para sa Mga Manggagawa (Workers’ Compensation; kung naangkop).
- Sumunod sa naaangkop na mga regulasyon ng programa ng Pangkat ng Kaligtasan at Kalusugan sa Trabaho ng California (Cal-OSHA).
- Sumunod sa lahat ng iba pang batas at regulasyon ng pederal, estado, at lokal na pamahalaan sa pagnenegosyo sa San Francisco.
- Sumunod sa lahat ng naangkop na regulasyon ng California hinggil sa mapanganib na basura, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, pagkuha ng tagahakot ng mapanganib na basura (hazardous waste transporter) na nakarehistro sa California kapag kinailangan.
- Tulungan ang may-ari ng ari-arian sa pagkuha ng lahat ng naaangkop na permiso sa pagtatayo ng gusali.
- Sumang-ayong magtrabaho ayon sa Saklaw ng Trabaho (Scope of Work) na inihanda ng Fix Lead SF.
Last updated December 20, 2024