Pangkalahatang-ideya
Ang Paid Parental Leave Ordinance (Ordinansa sa May Bayad na Parental Leave, PPLO) ay isang batas ng San Francisco na nalalapat sa mga employer na may 20 o higit pang empleyado sa buong mundo.
Sa ilalim ng PPLO, dapat magbigay ang mga employer ng karagdagang kompensasyon sa mga empleyadong nakikipag-bonding sa anak bilang karagdagan sa anumang kompensasyong natatanggap ng mga ito mula sa Paid Family Leave ng California (May Bayad na Family Leave, PFL).
Mga kinakailangan para sa employer
Upang makasunod sa PPLO, ang mga employer ay dapat:
- Ipaskil ang poster ng May Bayad na Parental Leave sa lugar ng trabaho
- Ilagay ang impormasyon tungkol sa batas sa handbook ng kumpanya
- Ibigay ang form ng May Bayad na Parental Leave sa empleyado kapag inabisuhan ng empleyado ang employer na magiging magulang na siya:
- Dapat bayaran ng mga employer ang mga halaga ng kompensasyon batay sa sahod ng empleyado. Ganito iyon. Mga benepisyo ng May Bayad na Family Leave ng California + karagdagang bayad ng employer (mga benepisyo ng May Bayad na Parental Leave), hanggang sa cap (sa 2023 at 2024, ang cap ay $2,700).
Puwedeng gamitin ng mga employer ang calculator ng May Bayad na Parental Leave para matukoy ang halaga ng kompensasyon ng PPLO para sa mga empleyado.
Pagiging karapat-dapat ng empleyado
Kung nagtatrabaho ka sa San Francisco at may bago kang anak, puwede kang makatanggap ng lingguhang bayad mula sa iyong employer bukod pa sa kompensasyon mula sa May Bayad na Family Leave ng California.
Kwalipikado ka para sa mga benepisyo ng PPLO kung ikaw ay:
- Kwalipikado para sa May Bayad na Family Leave mula sa California para makasama ang anak na sanggol, ampon na anak, o inaalagaang bata
- Nagtrabaho para sa employer sa loob ng hindi bababa sa 180 araw bago magsimula ang May Bayad na Family Leave
- Nagtatrabaho nang hindi bababa sa 8 oras sa isang linggo sa mga hangganan ng heograpiya ng San Francisco
- Nagtatrabaho nang hindi bababa sa 40% ng kanilang kabuuang oras na nagtrabaho sa mga hangganan ng heograpiya ng San Francisco
Para sa higit pang impormasyon, suriin ang sunod-sunod na gabay para sa empleyado:
English Chinese Spanish
Legal na awtoridad
Administrative Code at mga Panuntunan - Ipinasa ng Board of Supervisors ng San Francisco ang Ordinansa sa May Bayad na Parental Leave noong Abril 12, 2016.
- Ordinansa ng May Bayad na Parental Leave, San Francisco L.E.C. Article 14
- Mga Panuntunan sa May Bayad na Parental Leave (na-publish noong Disyembre 23, 2016)
FAQ
Mga Mapagkukunan ng Impormasyon
Poster ng PPLO - Dapat mag-print ang mga employer sa 8.5 x 14 inch na papel at i-display ito sa bawat lugar ng trabaho.
Form ng aplikasyon para sa PPLO
Step-by-step na gabay para sa employer
Step-by-step na gabay para sa empleyado
Calculator ng PPLO ng San Francisco
Mga video na mapagkukunan
Makipag-ugnayan sa amin
Kung may mga tanong ka o kung gusto mong mag-ulat ng problema, tumawag sa 415-554-4190 o mag-email sa pplo@sfgov.org.