Impormasyon para sa mga pagpupulong ng Immigrant Rights Commission
Kung mayroon kayong mga tanong tungkol sa pagpupulong, mag email po sa civic.engagement@sfgov.org o tumawag sa (415) 554-0600.
Ang pagtunog at paggammit ng mga cell phone, mga pager at kagamitang may tunog ay ipinagbabawal sa pulong. Paalala po na maaring palabasin ng Chairperson ang sinumang may-ari o responsible sa ingay o tunog na nagmula sa cell-phone, pager o iba pang gamit na lumilikha ng ingay.
Alamin ang inyong mg karapatan sa ilalim ng Sunshine Ordinance
Tungkulin ng Pamahalaan na paglinkuran ang publiko, maabot ito sa patas at madaling maunawaan na paraan. Ang mga komisyon, board, kapulungan at iba pang mga ahensya ng Lungsod at County ay nandito upang maglingkod sa pamayanan. Tinitiyak ng ordinansa na ang desisyon o pagpapasya ay ginagawa kasama ng mamamayan at ang mga gawaing panglungsod na napagkaisahan ay bukas sa pagsusuri ng publiko.
Para sa impormasyon ukol sa inyong karapatan sa ilalim ng Sunshine Ordinance (Kapitulo 67 sa San Francisco Administrative Code) o para mag report sa paglabag sa ordinansa, mangyaring tumawag sa Administrador ng Sunshine Ordinance Task Force.
City Hall – Room 244 1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
San Francisco, CA 94102-4683
415-554-7724 (Opisina); 415-554-7854 (Fax)
E-mail: SOTF@sfgov.org
Ang mga kopya ng Sunshine Ordinance ay makukuha sa Clerk ng Sunshine Task Force, sa pampublikong aklatan ng San Francisco at sa website ng Lungsod sa www.sf.gov. Mga kopya at mga dokumentong na nagpapaliwanag sa Ordinance ay makukuha online sa http://www.sfbos.org/sunshine o sa kahilingan sa Commission Secretary, sa address sa itaas o sa numero ng telepono.
Patakaran para sa pag-access ng mga pagpupulong
Ayon sa batas ng American Disabilities Act at ng Language Access Ordinance, maaring mag-request ng mga tagapagsalin wika sa salitang Tsino, Espanyol, Filipino (Tagalog), at/o sa may kapansanan pandinig sa American Sign Language. Bukod pa dito, sisikapin gawan ng paraan na makapaglaan ng gamit upang lalong pabutihin ang inyong pakikinig, maibahagi ang mga kaganapan ng miting sa iba't ibang anyo, at/o sang tagapagbasa. Ang mga kaganapan ng pulong ay maaring isalin sa ibang wika matapo ito ay aprobahan ng komisyon. Sa mga ganitong uri ng kahilingan, mangyaring tumawag sa Clerk ng Commission (415-554-0600) sa hindi bababa sa 48 oras bago mag pulong. Kung maari, ang mga late na hiling ay posibleng pagbibigyan. Ang silid ng pagpupulungan ay accessible sa mga naka wheelchair.
Upang tulungan ang pagsikap ng Lungsod para tulungan ang mga tao na may malubhang alergy, sakit galing sa kapaligiran, ibat ibang reaksyon sa mga kemikal o ibang kaugnay na kapansanan, pinaaalahanan ang mga sumasali sa pampublikong miting na posibleng may mga tao na sensitive sa mga productong may kemikal. Mangyaring tulungan ang Lungsod upang tulungan ang mga indibidwal na ito.
Access para sa may kapansanan
Ang mga pagpupulong ng Immigrant Rights Commission ay magaganap sa Room 416 at City Hall, 1 Dr. Carlton B. Goodlett Place, San Francisco, CA, 94102. Ang lugar ng pagpupulong ay nasa pagitan ng mga kalyeng Market at Fell at may-access para sa mga gumagamit ng wheelchair. Ang pinakamalapit na estasyon ng BART ay sa Civic Center, mga apat na kung saan ginaganap ang pagpupulong. Ang pinakamalapit na linea ng MUNI ay: 47 Van Ness, 49 Van Ness-Mission, F-Market & Muni Metro (Van Ness Station). Para sa karagdagan na impormasyon tungkol sa mga accessible na serbisyo ng MUNI, mangyaring tumawag sa 415-701-4485 o 415-701-4730 (TTY). Mayroong accessible na parking sa mga kalyeng malapit sa lugar ng pagpupulong.
Ang paglahok sa pamamagitan ng remote ay nakalaan kapag ito hiniling para duon sa hindi makakadalo ng personal dulot ng kapansanan. Ang pag gawa ng kahilingan para lumahok sa pamamagitan ng remote nang hindi bababa sa dalawang (2) oras bago magsimula ang pagpupulong ay malaking tulong para matiyak at maihanda ng meeting link.
Ang pag salin gamit ang Sign Language ay ihahanda din kapag ito ay hiniling. Maaaring pa ganahin ang mga caption (nakasulat na pinag uusapan) kung kayo ay lalahok sa pamamagitan ng remote. Kung ninanais ang remote na salin gamit ang Sign Language, mangyaring magsumite at gawin ang kahilingan para sa akomodasyon nang hindi bababa sa 4 na oras (ng may trabaho) bago magsimula ang pulong. Ang paglalaan ng hindi bababa sa 48 oras (ng may trabaho) para sa iba pang kahilingan patungkol sa mga kapansanan (halimbawa, mga iba pang serbisyo at auxiliary aids) ay malaking tulong para matiyak na maihahanda ito. Para humiling ng akomodasyon, mag email po sa civic.engagement@sfgov.org o tumawag sa (415) 554-0600.
Para lumahok sa pulong sa pamamagitan ng remote bilang akomodasyon sa kapansanan, mangyaring gamitin ang Webex link o tumawag sa telepono at gamitin ang access code na nakalagay sa bandang itaas ng adyenda.
May pasukan para sa mga gumagamit ng wheelchair (wheelchair-accessible) sa Van Ness Avenue at Grove Street. Paalala lang po na ang kagamitan (lift) para sa wheelchair na nasa Goodlett Place/Polk Street ay pansamantalang hindi magagamit. Matapos ang maraming pagkukumpuni na nasundan ng maraming pagka-sira, ang kagamitan (lift) para sa wheelchair sa pasukan sa lansangan ng Goodlett/Polk ay papalitan para lalong mas mapabuti ito at nang sa gayon ay maging mas maaasahan. Umaasa kami ng umaandar na ang lift matapos ang konstruksyon nito sa Mayo, 2025. May mga elevator at banyo na magagamit din ng mga may kapansanan sa bawat palapag ng gusali.
Lobbyist Ordinance
Ayon sa San Francisco Lobbyist Ordinance [SF Campaign & Governmental Conduct Code 2.100], ang mga indibidwal o mga entity na nag iimpluensiya o sumusubok na mag impluensiya sa mga lokal na pambatasan o administratibong aksyon ay maaring kailangan mag register o mag report ng aktibidad ng lobbying.
Para sa karagdagan na impormasyon tungkol sa Lobbyist Ordinance, mangyaring tumawag sa San Francisco Ethics Commission at 25 Van Ness Avenue, Suite 220, San Francisco, CA 94102, 415-252-3100, FAX 415-252-3112, website: sfgov.org/ethics.