Paano gumawa ng mga PDF ng iyong mga plano o addendum

Sundin ang mga panuntunang ito para makagawa ng mga PDF ng mga isusumiteng nabagong plano at addendum.

Ang mga dokumento lang na nakakasunod sa mga alituntuning ito ang ipoproseso namin. Gumagamit ang Lungsod ng Bluebeam sa pagsusuri ng mga plano. 

I-format ang iyong mga PDF

Gumamit ng mga linya batay sa vector.

Dapat magtugma-tugma ang mga drawing ng plano na binuo sa mga program para sa CAD kapag na-overlay sa electronic na paraan

Gumamit ng iisang:

  • Lokasyon ng plot sa paper space
  • Visibility ng gridline sa lahat ng discipline
  • Paraan ng pagpapangalan ng mga istruktura sa lahat ng discipline
  • Block para sa pamagat sa mga sheet ng lahat ng discipline
  • Laki ng sheet at oryentasyon ng mga sheet

Gumamit ng TrueType na font para makagawa ng nahahanap na text sa dokumento.

Mga sheet para sa pagguhit

Isumite ang mga drawing bilang iisang PDF.

I-plot o i-print ang mga sheet para sa pagguhit sa full na 1:1 na scale mula sa iyong authoring software. Tinatawag din itong 100% o “to scale” na output. Huwag gamitin ang "scale to fit" na pag-print. 

Tumatanggap kami ng mga sheet para sa pagguhit na mas malaki sa 22" x 34".

Para sa mga permit lang para sa karatula, tumatanggap kami ng 11" x 17".

Hindi kailangang sumunod ng mga karagdagang form o dokumento sa mga panuntunang ito sa laki. I-upload ang mga dokumentong ito sa format na 8.5" x 11". 

Cover sheet at mga title block

Nakasaad dapat sa mga cover sheet ang kabuuang bilang ng mga page.

Makikita dapat sa bawat sheet ang iyong lagda at stamp. Gumamit ng na-scan na graphic na lagda na may stamp sa PDF.

Nakasaad dapat sa mga title block ang address ng iyong proyekto, numero ng sheet, at pangalan ng sheet.

Ang mga title block ay dapat may 3 hindi nagbabagong item sa bawat sheet sa buong set: 

  • Lokasyon at pagkaka-format ng numero ng sheet
  • Lokasyon at pagkaka-format ng pangalan ng sheet
  • Blangkong bahagi na 3" ang lapad at 2" ang taas (para minsanan naming malagyan ng mga stamp ang lahat ng page)

Iisa lang dapat ang gamitin ng lahat ng propesyonal sa pagdidisenyo, sa lahat ng larangan, na layout ng pamagat at oryentasyon ng title block.

Kung made-defer o bahagi ng isang addendum ang isang hanay ng mga drawing, puwedeng maiba ang title block nito sa hanay ng AE. Tandaang iisa lang dapat ang title block sa lahat ng page ng na-defer na set. 

Mga lagda at stamp

Gumamit ng na-scan na graphic na lagda sa pamamagitan ng stamp sa PDF para "malagdaan" ang isang dokumento.

Kulay

Itim at puti dapat ang lahat ng pagsusumite para sa mga building permit (maliban sa mga larawan at rendering).

Gumagamit ang ilang departamento sa Lungsod ng mga partikular na kulay para sa mga komento sa pagsusuri. Titingnan namin kung papayagan ang ilang partikular na kulay sa hinaharap. 

Mga hatch fill

Iwasan ang mga hatch fill. Kung gagamit ka ng mga hatch fill, gumamit ng mga efficient fill.

Ang overlay at crossing ng mga vector na linya ay nagreresulta sa matinding lag sa tagal ng pag-load ng drawing sa PDF kapag tinitingnan ito sa mga device na may limitadong kapasidad sa pag-render. Hinihiling namin sa Mga Tagapagdisenyo na limitahan o alisin ang dense na cross-hatching sa kanilang mga drawing para sa pagdidisenyo. 

Ang heavy o dense na hatching sa anumang pattern ay puwedeng magresulta sa mga drawing sa PDF na “naka-black out” kapag naka-overlay. Tumatanggap kami ng mga angle ng mga linya at fill na may gray na tone.

Pinapayagan ang command na ‘Hatch’ sa AutoCAD. Mahalaga ang command na Pattern para sa isang Hatch. Mainam ang ANSI31 (o parallel line) na pattern para sa anumang fill sa anumang Hatch Scale. 

Dapat gamitin ang ANSI37 (o cross-line) na pattern sa mas mataas na Hatch Scale - na katumbas ng humigit-kumulang 1/16" o ng mas malaking pagitan sa pagitan ng mga linya sa naka-print na page. Hindi pinapayagan ang cross-line na pattern na may linyang pagitan na wala pang 1/16".

Mga kinakailangang partikular sa Bluebeam

Kung gumagamit ka na ng Bluebeam sa paghahanda ng mga dokumento, tingnan din kung ang iyong mga PDF ay may:

  • Mga label ng page sa mga thumbnail
  • Mga bookmark na may numero ng page at pangalan ng sheet (mga drawing) o pamagat ng seksyon (mga detalye). Halimbawa: A0.0 - COVER SHEET
  • Mga naka-nest na bookmark
  • Mga hyperlink kung kinakailangan

Puwede kang gumamit ng AutoCAD signature sa Bluebeam. (Tandaang dapat i-unlock ang lahat ng PDF.)

Pangalanan ang iyong mga PDF

Dapat sumunod ang lahat ng dokumento sa aming mga panuntunan sa pagpapangalan.

May 3 o 4 na bahagi ang mga pangalan ng file:

  1. Numero ng aplikasyon (o address ng proyekto para sa mga bagong aplikasyon)
  2. Uri ng mga addendum (kung naaangkop)
  3. Uri ng dokumento
  4. Numero ng rebisyon

Ganito dapat ang pagkakasunod-sunod ng mga pangalan ng file:

Numero ng aplikasyon_Uri ng mga addendum Bilang ng mga addendum_Uri ng dokumento-Numero ng rebisyon

Kung wala ka pang numero ng aplikasyon, gamitin ang address ng kalye ng proyekto, para ganito ang maging file name:

Address ng kalye_Uri ng mga addendum Bilang ng mga addendum_Uri ng dokumento-Numero ng rebisyon

Mga uri ng dokumento

Tumatanggap kami ng 3 uri ng dokumento.

  • Mga drawing
  • Mga kalkulasyon
  • Mga ulat

Para sa bawat isa sa mga uring ito ng dokumento, dapat mong isaad sa pangalan ng file kung para sa mga site permit o building permit ang mga ito.

Narito ang mga halimbawa para sa mga pangalan ng file ng site permit:

  • Mga drawing: SITE DWGS
  • Mga kalkulasyon: SITE CALCS 
  • Mga ulat: SITE REPORTS

Narito ang mga halimbawa para sa mga pangalan ng file ng building permit:

  • Mga drawing: BLDG DWGS
  • Mga kalkulasyon: BLDG CALCS 
  • Mga ulat: BLDG REPORTS

Mga addendum

Kasama dapat sa mga addendum ang BLDG ADD [X] maging ang uri ng mga addendum na isasama mo. Tinatanggap namin ang mga uring ito ng mga addendum:

  • Grading
  • Pundasyon
  • Superstructure
  • Arkitektura
  • Mekanikal, kuryente, at plumbing (mechanical, electrical and plumbing, MEP)
  • Pinal

Numero ng rebisyon

Isama ang iyong numero ng rebisyon bilang -REVX kung saan X ang numero ng rebisyon gaya ng REV1, REV2, atbp.

Kung mga unang draft ang isusumite mo, huwag magsama ng numero ng REV.

Mga halimbawang pangalan ng file

  • 200702234784_SITE DWGS.pdf
  • 200702234784_BLDG CALCS-REV2.pdf
  • 200702234784_BLDG ADD_1 Architecture_DWGS-REV2.pdf
  • 200702234784_BLDG ADD_2 MEP_CALCS-REV2.pdf

Pangalanan ang iyong mga PDF

Dapat sumunod ang lahat ng dokumento sa aming mga panuntunan sa pagpapangalan.

May 3 o 4 na bahagi ang mga pangalan ng file:

  1. Numero ng aplikasyon (o address ng proyekto para sa mga bagong aplikasyon)
  2. Uri ng mga addendum (kung naaangkop)
  3. Uri ng dokumento
  4. Numero ng rebisyon

Ganito dapat ang pagkakasunod-sunod ng mga pangalan ng file:

Numero ng aplikasyon_Uri ng mga addendum Bilang ng mga addendum_Uri ng dokumento-Numero ng rebisyon

Kung wala ka pang numero ng aplikasyon, gamitin ang address ng kalye ng proyekto, para ganito ang maging file name:

Address ng kalye_Uri ng mga addendum Bilang ng mga addendum_Uri ng dokumento-Numero ng rebisyon

Mga uri ng dokumento

Tumatanggap kami ng 3 uri ng dokumento.

  • Mga drawing
  • Mga kalkulasyon
  • Mga ulat

Para sa bawat isa sa mga uring ito ng dokumento, dapat mong isaad sa pangalan ng file kung para sa mga site permit o building permit ang mga ito.

Narito ang mga halimbawa para sa mga pangalan ng file ng site permit:

  • Mga drawing: SITE DWGS
  • Mga kalkulasyon: SITE CALCS 
  • Mga ulat: SITE REPORTS

Narito ang mga halimbawa para sa mga pangalan ng file ng building permit:

  • Mga drawing: BLDG DWGS
  • Mga kalkulasyon: BLDG CALCS 
  • Mga ulat: BLDG REPORTS

Mga addendum

Kasama dapat sa mga addendum ang BLDG ADD [X] maging ang uri ng mga addendum na isasama mo. Tinatanggap namin ang mga uring ito ng mga addendum:

  • Grading
  • Pundasyon
  • Superstructure
  • Arkitektura
  • Mekanikal, kuryente, at plumbing (mechanical, electrical and plumbing, MEP)
  • Pinal

Numero ng rebisyon

Isama ang iyong numero ng rebisyon bilang -REVX kung saan X ang numero ng rebisyon gaya ng REV1, REV2, atbp.

Kung mga unang draft ang isusumite mo, huwag magsama ng numero ng REV.

Mga halimbawang pangalan ng file

  • 200702234784_SITE DWGS.pdf
  • 200702234784_BLDG CALCS-REV2.pdf
  • 200702234784_BLDG ADD_1 Architecture_DWGS-REV2.pdf
  • 200702234784_BLDG ADD_2 MEP_CALCS-REV2.pdf

I-export ang iyong mga PDF

Alisin ang:

  • Mga hindi kinakailangang viewport
  • Mga layer ng PDF
  • Metadata

Panatilihin ang scale ng output kapag nagpi-print sa PDF. Gamitin ang Print to Scale, hindi ang Print to Fit page.

PDF Security

Para sa lahat ng dokumento, dapat itakda ang PDF Security sa naka-unlock. Dapat payagan ang pag-edit at pagpapapalit sa PDF.

Awtomatikong malilimitahan ang pag-edit kapag gumamit ng digital na signature na may uring certificate. Dapat mong alisin ang paghihigpit sa iyong dokumento bago mo ito isumite.

Sa ngayon, gumamit lang ng na-scan na graphic na signature sa pamamagitan ng PDF stamp para "malagdaan" ang isang dokumento.

Mga laki ng file

Puwede kang mag-upload ng maraming file sa iyong aplikasyon. Dapat ay wala pang 350MB ang bawat file.

Pagsusumite

Kapag na-format, napangalanan, at na-export mo na ang iyong mga file, mag-apply para sa building permit.

Mga Tanong

Kung hindi ka pamilyar sa mga kinakailangang ito sa pag-format, mag-email sa Permit Center team sa permitcenter@sfgov.org. Tutulungan ka naming ihanda ang iyong mga dokumento para sa pagsusumite.

Last updated June 17, 2020