Kung paano ka makakapagbayad ay nakadepende kung isusumite mo ang iyong bayad sa pamamagitan ng koreo o sa personal. Tingnan ang nasa ibaba upang matiyak.
Koreo:
- Personal na tseke (preprinted na may pangalan ng may-ari ng account, mula sa isang bangko sa U.S.)
- Money order
Sa Personal:
- Personal na tseke (preprinted na may pangalan ng may-ari ng account, mula sa isang bangko sa U.S.)
- Money order
- Cash, debit card, credit card (sa personal lang)
Dapat bayaran ang lahat sa "SF County Clerk."
Last updated November 2, 2022