Hikayatin ang paggamit ng mask sa iyong negosyo

Tulungan ang mga taong maunawaan at sumunod sa iyong ipinag-aatas na mask sa iyong negosyo.

Mainam na isuot ang mga mask bilang proteksyon laban sa pagkakaroon o pagkalat ng Covid. Alamin kung kailan kailangan ang mga mask. At maghanda ng supply ng mga mask kung walang ganito ang mga parokyano.

Ipaalam sa mga tao

Magpakita ng halimbawa sa pamamagitan ng pagpapasuot ng mask sa mga tauhan.

Magpaskil ng mga karatulo tungkol sa iyong mga panuntunan sa mask. Maaari kang mag-download at mag-print ng mga poster mula sa outreach toolkit.

Ilagay sa iyong website ang iyong mga kinakailangan sa mask, at ipaalam sa iyong mga parokyano ang tungkol sa iyong mga alituntunin sa anumang pakikipag-ugnayan, kabilang ang mga email at tawag sa telepono.

Maghanda ng mga dagdag na mask para sa mga taong walang ganito.

 

Magkaroon ng mga alternatibo para sa mga customer na hindi nakakapagsuot ng mga mask

Ang ilang tao ay hindi nakakapagsuot ng mga mask dahil sa mga kapansanan o iba pang dahilan sa kalusugan. Kailangan mong isaalang-alang ang mga panganib sa kalusugan at kaligtasan na maaaring idulot ng paglilingkod sa kanila.

Pag-isipan ang delivery, pagkuha sa curbside, o mga panlabas na serbisyo bilang mga alternatibo.

 

Ihanda ang iyong mga tauhan sa pagtalakay nito

Ipag-atas sa mga tauhang karaniwang nakikipag-ugnayan sa mga parokyano ang pagpapaliwanag ng iyong mga patakaran sa mask. Dapat magawa ng lahat ng manager na tulungan ang kanilang mga tauhan kung kinakailangan.

Sa pangkalahatan, huwag utusan ang sinuman na magsuot ng mask. Maaari itong magdulot ng pagtatanggol at pagsuway. Manatiling flexible at tugunan ang bawat sitwasyon nang kalmado.

Palaging magtanong sa iyong mga katrabaho. Paghambingin kung ano ang gumana at hindi gumana.

Kung mukhang hindi gumagana ang isang bagay, gawin itong script at subukan ulit.

 

Maging maunawain

Kapag tutol ang mga tao sa pagsuot ng mga mask, unawain kung ano ang maaaring mga dahilan nila.

Maaaring mayroon silang mga pampulitikang pananaw. Maaaring pakiramdam nila ay pinagbabantaan ang kanilang mga karapatan. Maaaring sa tingin nila ay napakababa ng kanilang panganib na magkaroon ng COVID o magkasakit. Maraming iba't ibang dahilan na maaaring mayroon sila.

Maraming tao ang mas stressed sa panahon ng pandemya. Maaari itong magdulot ng labis na reaksyon ng mga tao.

 

Mga paraan ng pagtalakay sa mga mask

Maging makatao sa pakikipag-usap sa iba.

Itrato ang bawat tao bilang isang taong maaaring tumanggap ng makatuwirang kahilingan. Huwag kumontra sa mga tao. Ipaalam sa kanila na hindi kinukuwestyon ang kanilang mga paniniwala.

Gumamit ng mga pahayag na may panghalip na "ako" o "tayo," gaya ng "Ikalulugod ko kung tutulungan mo ako."

Maaaring gumana ang pagtalakay ng agham, gaya ng:

  • Namatay ang mga bata at malusog na tao
  • Ang pangmatagalang Covid ay totoo
  • Maaaring mayroon silang virus pero wala silang anumang sintomas
  • Maaaring nakakahawa ang mga ito at nagdudulot ang mga ito ng panganib sa iba

Subukang makiusap sa pakikipagtulungan ng bawat tao. Sama-sama tayong nagtutulungan bilang komunidad upang labanan ang virus at mapanatiling ligtas ang isa't isa.

 

Maghandang humarap sa isang taong galit

Kung may magalit, maging kalmado at mabait hangga't maaari.

Kilalanin ang kanilang galit at ipaliwanag na gusto mo silang tulungan. Subukang pahupain ang sitwasyon.

Isaalang-alang ang iyong sariling kaligtasan. Bigyan ng espasyo ang iyong sarili. Mag-ingat sa iyong paligid kung magiging malala ang sitwasyon.

Palaging humiling ng back-up at suporta kung sa tingin mo ay kakailanganin mo ito.

Ang pagtanggi ng serbisyo ay huling paraan

May dahilan ang pagpunta ng mga tao sa iyong negosyo, at malamang na gusto mong makuha nila kung ano ang ipinunta nila.

Pero kung hindi masunod ng isang tao ang iyong mga panuntunan, ang huling paraan ay itanggi sa kanila ang mga serbisyo o paalisin sila.

Ang pagtanggi ng mga serbisyo ay makapangyarihang paraan. Kung may security ang iyong negosyo, humingi ng tulong sa kanila.

Kung kinakailangan, maaari mo ring tawagan ang pulis para sa hindi emergency sa 415- 553-0123.

 

Last updated June 14, 2022