Nakatuon ang Lungsod sa transparency at patuloy na pagbibigay ng impormasyon sa publiko.
Nakatuon din ang Lungsod pagpapanatiling ligtas ng pribadong impormasyon sa kalusugan ng mga residente.
Dapat naming balansehin ang mga pangakong ito. Kaya naman, sinisigurado namin na wala sa data ng COVID na inilalathala namin ang maglalagay sa panganib ng privacy ng mga residente.
Ibinubuod ng page na ito ang aming mga kumpletong gabay sa privacy at paglalathala.
Transparency
Ang pagbabahagi ng data sa publiko ay mahalagang bahagi ng tugon ng Lungsod sa pandemiya ng COVID-19.
Ibinabahagi namin ang data ng COVID-19 para magkaroon ng access ang lahat sa de-kalidad at kasalukuyang impormasyon. Sinisikap naming maging isa sa mga pinaka-transparent na hurisdiksyon sa bansa. Ito ang dahilan kung bakit kami naglalathala ng mga live na dataset na available sa publiko na nag-a-update araw-araw.
Privacy
Pribado ang iyong pangalan at impormasyon sa kalusugan. Sumusunod ang Lungsod sa mga pederal at pang-estadong batas sa privacy sa pangangalaga sa kalusugan. Hinding-hindi kami nagbabahagi ng protekadong impormasyon sa kalusugan sa publiko.
Bago maglabas ng anumang data, nagsasagawa kami ng mabusising pagsusuri para isaalang-alang ang mga panganib. Ang Lungsod ay nagbabahagi lang ng impormasyon sa mga paraang pumoprotekta sa privacy ng mga residente.
Isa sa mga pangunahing panganib ng pagbabahagi ng data ay posibleng may gumamit dito para makilala ang isang partikular na tao.
Para maiwasan ito, isinasaalang-alang namin ang:
-
Laki ng populasyon
-
Bilang ng mga kaso o pagsusuri
-
Pag-link ng mga dataset sa isa't isa
Laki ng populasyon
Sapat dapat ang laki ng batayang populasyon para sa anumang data nang sa ngayon ay walang sinumang makikilala. Ang paglalabas ng data para sa buong Lungsod ang pinakamainam na paraan para matiyak ito. Sa mahigit 880,000 residente, napakaliit ng posibilidad na magamit ang data ng buong lungsod para makilala ang sinumang tao. Kung dapat kaming magbahagi ng data tungkol sa mas maliliit na populasyon, dapat ay 1,000 residente o higit pa ang populasyon ng subgroup.
Bilang ng mga kaso at pagsusuri
Sapat ang taas ng bilang ng mga kaso o pagsusuri (o iba pang data kung saan interesado) para maprotektahan ang privacy. Halimbawa, nag-uulat kami tungkol sa mga kaso ayon sa kinikilalang kasarian kapag mayroon nang hindi bababa sa 5 kaso ang isang kategorya. Sinisigurado nito na hindi magkakaroon ng banta sa privacy dahil sa maliliit na bilang.
Mga link ng dataset
Hindi puwedeng i-link ang data sa iba pang data na maa-access ng publiko sa paraang tumutukoy sa isang kaso.
Ina-assess muna amin kung paano mali-link ang isang dataset sa iba pang pampublikong dataset. Pagkatapos, sama-sama naming ina-assess ang mga naka-link na dataset na ito. Gusto naming matiyak na walang makakapagsama-sama ng data mula sa maraming dataset para makilala ang isang indibidwal.
Mga halimbawa ng mga dataset na papasa sa mga pagsusuri sa privacy
Data ng kaso ayon sa kapitbahayan
Sinuri namin ang paglalabas ng data ng kaso ng COVID-19 ayon sa kapitbahayan sa paglipas ng panahon. Ayaw naming ilagay sa panganib ang privacy ng mga residente.
Inassess namin kung:
-
may sapat na dami ng mga residente sa bawat kapitbahayan
-
ilang dataset ng kapitbahayan ang puwedeng i-link sa dataset na ito
Natukoy namin na maliit ang panganib na makilala ang sinumang indibidwal sa data.
Mga kaso ayon sa grupo ng edad
Napag-alaman sa aming pagsusuri na hindi inilalagay sa panganib ng data na ito para sa buong Lungsod ang privacy ng mga residente. May mahigit 15,000 residente sa bawat grupo ng edad. Walang ibang dataset na puwedeng i-link sa data na ito.
Mga halimbawa ng mga dataset na hindi papasa sa mga pagsusuri sa privacy
Hindi kami naglalathala ng mga bagong kaso ayon sa kapitbahayan at iba pang cross section. Halimbawa, hindi kami naglalathala ng mga bagong kaso ayon sa kapitbahayan at edad.
Sa ganitong sitwasyon, masyadong malaki ang panganib na makilala ang isang partikular na tao. Ang maliliit na cross section na ito ay mas delikado at puwedeng maglagay sa alanganin ng privacy ng mga residente.
Hindi kami naglalabas ng ganitong uri ng data. Sa halip, nagbabahagi kami ng mas maraming raw data hangga't kaya namin para matiyak na magkakaroon ng impormasyon ang mga residente at mamamahayag nang hindi inilalagay sa panganib ang privacy ng kahit sino.
Puwede naming balikan ang aming patakaran sa privacy kapag bumaba ang kabuuang bilang ng mga kaso. Puwede itong lumikha ng mga bagong tanong tungkol sa privacy. Basahin ang aming kumpletong patakaran sa privacy para sa higit pang impormasyon.
Iba pang paraan para malaman ang tungkol sa mas maliliit na populasyon
Naglalabas ang Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (San Francisco Department of Public Health o SFDPH) ng mga ulat sa pananaliksik tungkol sa mga sub-population. Iba ang ulat kaysa sa pagbabahagi namin ng raw data sa COVID tracker. Ang ulat ay nagbabahagi ng mga resulta ng pagsusuri nang hindi inilalathala ang batayang raw data. Nagbibigay-daan ito para maibahagi ng Lungsod ang mahahalagang natuklasan sa mas maliliit na populasyon at maprotektahan nito ang privacy ng mga residente.