Sundin ang mga hakbang na ito para maunawaan kung kwalipikado ka
1. Bilangin kung ilan ang miyembro ng iyong pamilya.
Ang pamilya ay tumutukoy sa iisang tao o grupo ng mga taong magkakasama sa isang tirahan, anuman ang kanilang aktwal o kinikilalang sekswal na oryentasyon, kinikilalang kasarian, o katayuan sa pag-aasawa.
2. Gamitin ang iyong 2020 na tax return kung nag-file ka o tantiyahin ang iyong kabuuang kita para sa nakalipas na 12 buwan.
3. Alamin kung kwalipikado ang iyong kita
- Dapat ay mas mababa sa $97,600 ang kita ng pamilyang may 1 miyembro
- Dapat ay mas mababa sa $111,550 ang kita ng pamilyang may 2 miyembro
- Dapat ay mas mababa sa $125,500 ang kita ng pamilyang may 3 miyembro
- Dapat ay mas mababa sa $139,400 ang kita ng pamilyang may 4 na miyembro
- Dapat ay mas mababa sa $150,600 ang kita ng pamilyang may 5 miyembro
- Dapat ay mas mababa sa $161,750 ang kita ng pamilyang may 6 na miyembro
- Dapat ay mas mababa sa $172,900 ang kita ng pamilyang may 7 miyembro
- Dapat ay mas mababa sa $184,050 ang kita ng pamilyang may 8 o higit pang miyembro
Kung kwalipikado ka, tingnan kung paano mag-apply para sa gawad para sa storefront ng maliit na negosyo.
Last updated January 21, 2022