Anong gagawin
1. Magpasya kung kailangan ninyo ng pahintulot
Para sa paggamit ng bangketa, dapat ninyong hingin ang pahintulot ng inyong kapitbahay na gamitin ang anumang bahagi ng bangketa sa harapan nila.
Para sa paggamit ng parking lane, dapat ninyong hingin ang pahintulot ng inyong kapitbahay kung lampas kalahati ng markadong paradahan (10 talampakan o lampas pa) ang wala sa harapan ng inyong tindahan. Dapat kayong humingi ng pahintulot nila kung wala sa harapan ng inyong tindahan ang anumang bahagi ng hindi markadong paradahan.
2. Papirmahin sila sa aming form ng Pahintulot ng Kapitbahay
Kung humihingi kayo ng pahintulot sa nangungupahan, i-download ang PDF para sa nangungupahan.
Pahintulot ng kapitbahay na nangungupahan para sa Shared Spaces
Kung humihingi kayo ng pahintulot sa may-ari ng ari-arian, i-download ang PDF para sa may-ari ng ari-arian.
Pahintulot ng may-ari ng ari-arian para sa Shared Spaces
Ilagay ang mga detalye at lagdaan ang form. Dapat ninyong lagdaan ng inyong kapitbahay ang form.
Ilagay ang mga detalye at lagdaan ang form. Dapat ninyong lagdaan ng inyong kapitbahay ang form.
3. Mag-scan o kumuha ng litrato ng nilagdaang form
Kunan ng litrato o i-scan ang nilagdaang form ng pahintulot. I-upload ito kasama ng inyong aplikasyon sa permit.
Sa aplikasyon sa permit, sasabihin din ninyo sa amin ang kanilang pangalan, email, at numero ng telepono.
Humingi ng tulong
Shared Spaces
Last updated December 7, 2021