Humingi ng tulong sa pag-recruit ng mga empleyado

Makatipid sa oras at pera sa paghahanap ng mga kalidad na manggagawa para sa iyong negosyo sa pamamagitan ng mga naka-personalize, libreng serbisyo sa pag-recruit.

Anong gagawin

1. Gumawa ng WorkforceLinkSF account

Gumawa ng iyong employer account para masimulang mag-post ng mga bukas na trabaho.

Nagbibigay-daan sa iyo ang WorkforceLinkSF na magtugma ng mga bukas na posisyon sa libo-libong lokal na candidate na na-screen para sa karanasan at kakayahan sa trabaho.

2. Makipag-partner sa amin

Pagkatapos mong gawin ang iyong account sa WorkforceLinkSF, may espesyalistang makikipag-ugnayan sa iyo para mas maunawaan ang iyong mga layunin at para makatulong na mag-customize ng estratehiya para matugunan ang iyong mga kailangan para sa pag-hire.

Bilang bahagi ng estratehiyang ito, tutulungan ka naming:

  • Maghanap ng lokal na talento gamit ang WorkforceLinkSF at tutulungan ka naming ma-maximize ang mga feature na ito para makuha ang mga pinakakwalipikadong candidate
  • Bumuo ng mga partnership sa komunidad at magkaroon ng access sa mahigit 120 lokal na organisasyon ng lakas -paggawa na tutulong sa iyong i-promote ang iyong mga opening, pati na rin masanay at ma-pre screen ang mga candidate
  • Bawasan ang iyong mga gastos sa pag-recruit sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa network ng mga job center, event sa pag-hire, at mga programa para sa pagsasanay na partikular sa industriya

Kung gusto mong makipag-usap kaagad sa espesyalista ng Employer Services, mag-email sa amin sa employer.services@sfgov.org para magsimula.

3. Kumonekta sa partner sa komunidad

Batay sa iyong mga kailangan para sa pag-hire, ipapakilala ka namin sa mga partner sa komunidad na direktang makikipagtulungan sa iyo para maghanap at mag-recruit ng mga diverse, lokal, at kwalipikadong candidate.

4. Panatilihin ang pakikipag-ugnayan

Ang iyong espesyalista ng Employer Services ay ang iyong partner sa pag-hire at itinuturing na "concierge para sa lakas-paggawa." Makipag-ugnayan sa kanya kapag kailangan mo ng tulong sa paghahanap o pag-recruit ng lokal na talento.

Tinutulungan namin ang mga employer sa San Francisco na magkaroon, magpalaki, at magpanatili ng diverse na lakas-paggawa.

Humingi ng tulong

Last updated September 1, 2022