Anong gagawin
1. Tingnan kung naaprubahan ang inyong kusina
Tingnan kung ang kusinang gusto ninyong gamitin ay nasa naaprubahang listahan ng Lungsod.
Kung wala sa listahan ng lungsod ang inyong kusina, magsagot ng form ng referral sa zoning na isasama sa inyong aplikasyon para sa catering. May dagdag na bayad.
2. Iparehistro ang inyong negosyo
Gamitin ang address ng inyong kusina kapag nagpaparehistro. Ito rin dapat ang address na gagamitin ninyo sa inyong aplikasyong para sa permit.
3. Sagutan ang form ng pag-verify sa kusina
Pasagutan sa may-ari ng kusinang gagamitin ninyo ang form ng pag-verify na ito na kukumpirma na pinapayagan kayong gamitin ito.
4. Sumulat ng plano ng pagpapatakbo para sa inyong negosyo ng catering
Dapat magsumite ng nakasulat na plano ng pagpapatakbo at menu kasama ng inyong aplikasyon para sa health permit.
Kasama dapat sa plano ang pangalan ng inyong negosyo, address ng pasilidad ng catering o naaprubahang kusina, numero ng telepono ng negosyo, at mga araw at oras ng pagpapatakbo. Ibigay ang lahat ng partikular at detalyadong pamamaraan sa kaligtasan ng pagkain para sa inyong pagpapatakbo. Sagutin ang mga tanong sa ibinigay na naka-link na dokumento para makatulong na buuin ang inyong plano.
5. Mangalap ng iba pang dokumento
Kakailanganin din ninyong ihanda ang mga sumusunod kapag nag-apply kayo online:
- Isang kopya ng inyong catering menu
- Isang floor plan ng inyong kusina na nagpapakita ng equipment, mga lababo, at storage
- Isang pangkaligtasang gabay (o karaniwang plano ng pagpapatakbo) na naglalarawan kung paano ninyo papanatilihing ligtas ang pagkain, mula sa pagluluto hanggang sa paghahatid
- Isang kopya ng inyong certificate para sa kaligtasan ng pagkain
6. Mag-apply online
Sagutan ang aplikasyon online at i-upload ang lahat ng inyong dokumento.
Hindi maililipat ang inyong catering permit. Kung lilipat kayo ng lokasyon, kailangan ninyong mag-apply para sa bagong health permit.
Humingi ng tulong
Uzziel Prado
Senior Environmental Health Inspector
Last updated February 28, 2024