Anong gagawin
1. Ihanda ang impormasyon ng inyong negosyo
Ang pagkuha ng inyong health permit ay isang hakbang lang sa proseso para makapagbukas ng restaurant sa San Francisco.
Bago kayo mag-apply para sa inyong health permit, dapat:
- Mayroon na kayong lokasyon
- Nairehistro na ninyo ang inyong negosyo
- Nakapaghanda na kayo para sa mga kinakailangang inspeksyon
- Nakapag-apply na kayo para sa iba pang permit at serbisyo sa Lungsod
Para tingnan ang mga hakbang na ito, pumunta sa gabay sa pagbubukas ng restaurant sa Lungsod.
2. Kunin ang inyong mga sertipikasyon sa kaligtasan ng pagkain
Posibleng ma-certify online ang inyong team pagkatapos kumuha ng kurso at pagsusulit. Kailangan ninyo ang mga sumusunod:
- Kahit 1 tao ay kailangang maging certified bilang food safety manager.
- Halos lahat ng ibang humahawak ng pagkain para sa trabaho ay dapat kumuha ng food handler card.
3. Sagutan ang online na aplikasyon para sa health permit
Ihanda ang inyong:
- Business account number, o BAN
- Location ID number, o LIN
- Federal taxpayer ID
(Hanapin ang inyong BAN o LIN number.)
Posibleng kailanganin din ninyong magpakita ng iba pang dokumento, tulad ng menu o floor plan. Nakadepende ito sa uri ng negosyo na mayroon kayo. Maaari kayong mag-save at bumalik sa aplikasyong ito anumang oras.
Espesyal na mga kaso
Mga permit para sa cottage food
Mga permit para sa cottage food
Mga mobile food facility permit
Mga mobile food facility permit
Pumunta sa aming mga hakbang para sa pagbubukas ng food truck o iba pang mobile food facility:
Mga permit para sa vendor ng "pop-up" ng pagkain
Mga permit para sa vendor ng "pop-up" ng pagkain
Kung nagsara na ang inyong negosyo
Kung nagsara na ang inyong negosyo
Kailangan ninyong isara ang inyong health permit.
Sagutan at ibalik ang aming form para sa pagsasara ng negosyo sa:
Sangay para sa Pangkapaligirang Kalusugan
49 South Van Ness Avenue, Suite 600
San Francisco, California 94103
Humingi ng tulong
Phone
Programa sa kaligtasan ng pagkain
Sangay para sa Pangkapaligirang Kalusugan
Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco
Last updated February 12, 2024