Anong gagawin
1. Alamin kung kwalipikado ang inyong negosyo
Ang inyong negosyo ay dapat na:
- Mayroong storefront
- Mayroong wala pang $8M na gross na kita noong 2021
- Walang formula retail maliban sa mga franchise na mayroong wala pang $8M sa gross na kita
- Napinsala noong o pagkatapos ng ika-1 ng Enero, 2022
- Magbigay ng patunay ng pinsala
2. Mangtipon ng impormasyon tungkol sa inyong negosyo
Dapat mong tapusin ang aplikasyon nang buo, walang opsyon na i-save ang iyong aplikasyon.
Hihingi kami sa iyo ng impormasyon tungkol sa mga sumusunod (walang kinakailangang dokumentasyon):
- Inyong Account Number ng Negosyo (Business Account Number, BAN). Kung hindi mo ito alam, maaari mo itong tingnan.
- Iyong gross na kita noong 2021
- Bilang ng mga full-time at part-time na empleyado
- Pangunahing kita ng sambahayan ng may-ari ng negosyo
3. Magsagot at lumagda ng W9
Kailangan natin ng sinagutan at nilagdaang W9 upang iproseso ang iyong aplikasyon sa grant.
Mag-download ng blangkong W9 form (PDF).
Kakailanganin mong mag-upload ng W9 kapag nag-apply ka.
4. Kumalap ng patunay ng pinsala
Hihilingin sa iyo ng form na mag-upload ng mga dokumentong nagpapakita ng patunay ng pinsala (kinakailangan ang ilang dokumentasyon):
Tinatanggap na patunay ng pinsala para sa $1,000 na grant:
Magsumite ng alinman sa dalawa sa mga sumusunod:
- Receipts para sa mga pagkukumpuni ng anumang halaga
- Police Numero ng Ulat o Numero ng Kahilingan sa Serbisyo ng 311
- Larawan ng napinsalang storefront
Tinatanggap na patunay ng pinsala para sa $2,000 na grant:
Isumite ang mga sumusunod:
- Receipts para sa mga pagkukumpuni ng mga pinsalang $2,000 o higit pa AT
Hindi bababa sa 1 sa mga sumusunod:
- Police Numero ng Ulat o Numero ng Kahilingan sa Serbisyo ng 311
- Larawan ng napinsalang storefront
Kung wala kang numero ng ulat sa pulisya, maghain ng ulat sa pulisya ngayon (para sa anumang uri ng pinsala sa ari-arian maliban sa graffiti). Ang numero ng ulat ay 9 digit at dapat magmula sa Departamento ng Pulisya ng San Francisco.
Maaari kang maghain ng kahilingan sa Serbisyo ng 311 para sa pinsala (para lang sa pinsala ng graffiti). Ang numero ng kahilingan sa serbisyo ay 8 digit. Para sa iba pang pinsala sa ari-arian, dapat kang maghain ng ulat sa pulisya.
5. Mag-apply
Tatanungin ka namin tungkol sa may-ari ng negosyo at negosyo.
Ia-upload mo ang iyong patunay ng pinsala at W9 at sumasang-ayon ka sa aming mga legal na tuntunin.
Ang buong aplikasyon ay tatagal nang 15 minuto kung mayroon ka ng lahat ng kinakailangang impormasyon.
Higit pa tungkol sa Gawad na Tulong para sa Vandalism sa Storefront
Ang Gawad na Tulong para sa Vandalism sa Storefront ay nagbibigay ng $2,000 sa pinansyal na tulong para sa pagpapanumbalik ng maliliit na negosyong naapektuhan ng mga sinadyang pagkilos na nagresulta sa pagkasira o pinsala ng mga storefront ng maliit na negosyo. Ang programang ito ay mag-aalok ng mga halagang alinman sa $1,000 o $2,000 depende sa kabuuang halaga na natamo sa pagkukumpuni ng mga pisikal na pinsala (hindi kasama ang pagkawala ng mga ninakaw na produkto o ari-arian) at available ito nang first-come-first-serve, batay sa availability ng pondo.
Sa kaso ng maraming insidente, maximum na dalawang claim ang tatanggapin sa loob ng isang taon. Ang mga panahon ay mula Enero 1, 2022 – Disyembre 31, 2022 at Enero 1, 2023 – Disyembre 31, 2023. Dapat na nangyari ang mga insidente sa iba't ibang petsa.
Espesyal na mga kaso
Supervisorial District 5 and Supervisorial District 7 Small Businesses $3,000 and $4,000 award
Supervisorial District 5 and Supervisorial District 7 Small Businesses $3,000 and $4,000 award
If your business is located in Supervisorial District 5 or Supervisorial District 7 you may be eligible for additional Vandalism Relief Funding allocated by your District Supervisor. Businesses in these districts may qualify for up to $4,000 based upon location of the business and receipts submitted. If you are located in Districts 5 or 7 and have incurred costs above $3,000 or $4,000 for repairs of damage, please submit the following:
Acceptable proof of damage for the $3,000 grant:
Submit the following:
- Receipts for repairs of damage of $3,000 or more AND
At least 1 of the following:
- Police Report Number or 311 Service Request Number
-
Photo of damaged storefront
Acceptable proof of damage for the $4,000 grant:
Submit the following:
- Receipts for repairs of damage of $4,000 or more AND
At least 1 of the following:
- Police Report Number or 311 Service Request Number
- Photo of damaged storefront
Humingi ng tulong
Last updated February 7, 2023