Anong gagawin
Makakakuha ka ng SF City ID kung ikaw ay:
- Nakatira sa San Francisco
- Makapagpapatunay kung sino ka
Kapag nakuha mo na ang iyong SF City ID, makikita rito ang:
- Pangalan
- Petsa ng kapanganakan
- Address
- Lagda
- Larawan
- Mga medikal na kondisyon o allergy (kung gusto mo)
- Pang-emergency na contact (kung gusto mo)
Magagamit ang mga SF City ID sa loob ng 2 taon.
Hindi ipinapakita sa SF City ID ang status ng imigrasyon o kasarian. Hindi kami nagtatabi ng mga kopya ng iyong mga dokumento. Nagtatabi kami ng kopya ng iyong aplikasyon, pero wala kaming rekord ng iyong address.
1. Patunayan ang iyong pagkakakilanlan
Mapapatunayan mo ang iyong pagkakakilanlan kung makapagpapakita ka ng orihinal at hindi pa nag-expire na:
- Pasaporte, mula sa US o ibang bansa
- Lisensya sa pagmamaneho sa US
- US state ID
- Permanent Resident Card (Green Card)
- Consular Identification (CID)
- Photo ID Card na inisyu ng ibang bansa na nakatutugon sa mga kinakailangan ng SF Admin Code 95.1(a)
Kung wala ka ng alinman sa mga iyon, maaari kang magpakita ng 2 sa mga sumusunod na hindi pa nag-expire na dokumento: 1 may larawan (para sa 14 na taong gulang pataas), at 1 may petsa ng kapanganakan:
- Katibayan ng kapanganakan (sa US o ibang bansa, sertipikadong kopya)
- Military identification card (sa US o ibang bansa)
- Liham ng awtorisasyon para sa Individual taxpayer identification number (ITIN)
- Identification mula sa paaralan sa California
- National ID Card na may larawan, pangalan, address, petsa ng kapanganakan, at petsa ng pag-expire
- Lisensya sa pagmamaneho sa ibang bansa
- Visa na bigay ng ahensya ng pamahalaan
2. Patunayang nakatira ka sa San Francisco
Kakailanganin mong magdala ng isa sa mga sumusunod, na may pangalan at address mo sa San Francisco (mula sa nakalipas na 30 araw):
- Utility bill (kuryente, gas, basura, tubig, internet, cable o telepono)
- Bank statement
- Paystub
- Statement ng buwis sa kita o statement ng refund
- Pagpapatala sa paaralan ng iyong anak sa isang paaralan sa San Francisco
- Statement ng buwis sa pag-aari
- Resibo ng pagbabayad sa mortgage
- Desisyon mula sa lupon sa pag-stabilize at arbitrasyon sa upa
- Mga pagpapatawag ng jury o kautusan ng hukuman
- Bill ng insurance (para sa may-ari ng bahay, umuupa, kalusugan, pamumuhay o sasakyan)
Maaari mo ring patunayan ang paninirahan kung mayroon kang sulat mula sa isang shelter para sa walang tirahan na nakakatanggap ng pondo sa Lungsod. O kung mayroon kang sulat mula sa isang ospital, klinikang pangkalusugan o ahensya ng mga serbisyong panlipunan.
Kailangang kinukumpirma sa sulat na namalagi ka roon sa loob ng hindi bababa sa 15 sa nakalipas na 30 araw. Kung mayroon ka ng sulat na ito, libre ang iyong SF City ID.
Maaari ka ring makakuha ng SF City ID nang libre kung magdadala ka ng patunay ng pagpapatala sa mga food stamp, Medi-Cal, CalWORKS, pampublikong pabahay, libre at mas murang tanghalian sa paaralan, programang MUNI Lifeline, o California LifeLine.
Kung magdadala ka ng orihinal na katibayan ng kasal (certified), maaaring nasa pangalan ng iyong asawa ang anumang dokumentong nagpapatunay na nakatira ka sa San Francisco.
3. Magpa-appointment
Maaari kang magpa-appointment sa pamamagitan ng pagtawag sa 311 (kapag nasa labas ng San Francisco, 415-701-2311).
Kakailanganin mong magbayad kapag nasa tanggapan ka. Maaari kang magbayad gamit ang cash, credit o debit card, at ilang uri ng mga tseke.
Maaari mong isaad sa iyong card ang iyong mga allergy o medikal na kondisyon, kung gusto mo. Kakailanganin mong sabihin sa amin kung ano ang ipapakita.
Kakailanganin mong sabihin sa amin kung nagpalit ka ng iyong pangalan, pero hindi ito ipapakita sa card mo. Kakailanganin mo ng kautusan ng hukuman at numero ng kaso o certified na katibayan ng kasal.
4. Punan ang iyong aplikasyon
I-download ang PDF at ilagay ang iyong mga detalye.
Mga form sa aplikasyon para sa SF City ID
Kakailanganin mong i-print ito at dalhin sa iyong appointment.
5. Pumunta sa iyong appointment
Kakailanganin mong pumunta nang personal sa iyong appointment sa
Office of the County Clerk
Opisina ng County ClerkCity Hall, Room 160
1 Dr. Carlton B Goodlett Place
San Francisco, CA 94102
Sarado sa mga pista opisyal.
Gagawin mo roon ang mga sumusunod:
- Dalhin ang iyong nasagutang aplikasyon para sa SF City ID
- Ipakita ang mga orihinal na dokumento na nagpapatunay ng iyong pagkakakilanlan
- Ipakita ang mga dokumentong nagpapatunay na nakatira ka sa San Francisco
- Magbayad ng fee (mula $6 hanggang $18)
- Magpakuha ng iyong larawan
- Tanggapin ang iyong SF City ID bago ka umalis sa appointment mo
Karaniwang inaabot ang mga appointment nang 30 minuto.
Mga batang 13 taong gulang pababa
Maaari kang kumuha ng SF City ID para sa batang 13 taong gulang at pababa kung nakatira siya sa San Francisco. Valid ang ID sa loob ng 2 taon.
1. Patunayan ang pagkakakilanlan ng bata
Kakailanganin mo ang opisyal na medikal na rekord o rekord sa paaralan ng bata (mula sa EPC - Educational Placement Center, na may nakalagay na stamp ng tanggapan nila), at may petsa ng kapanganakan ng bata.
Kailangan mo rin ng isa pang orihinal na dokumento para patunayan kung sino ang bata.
Iyon ay maaaring:
- Katibayan ng kapanganakan (sa US o ibang bansa, sertipikado)
- Social security card
- Kasalukuyang visa
- California Educational Institution Card mula sa isang paaralan.
2. Patunayang nakatira ang bata sa San Francisco
Kailangan mong patunayang nakatira ang bata sa San Francisco.
Kailangan mong magdala ng patunay na kasalukuyang nakatala ang menor de edad sa isang paaralan sa San Francisco.
Kung hindi mo maipapakita na nakatira ang bata sa San Francisco, maaari mong gamitin ang patunay ng paninirahan ng magulang o tagapag-alaga.
3. Patunayan ang pagkakakilanlan ng magulang o tagapag-alaga
Dapat dalhin ng magulang o tagapag-alaga ang kanyang anak sa appointment at dapat siyang lumagda sa aplikasyon. Kakailanganin ng nasa hustong gulang na magpakita ng ID para patunayan ang kanyang pagkakakilanlan. Hindi ipi-print ang impormasyon ng magulang sa ID.
Humingi ng tulong
Office of the County Clerk
City Hall, Room 1601 Dr. Carlton B Goodlett Place
San Francisco, CA 94102
Mon to Fri,
8:00 am to 4:00 pm
Processing Hours
Closed on public holidays
Phone
Last updated January 7, 2022