Anong gagawin
Tungkol sa mga Fixed Place Outdoor Amplified Sound (FPAS) permit
Kailangan mo ng Fixed Place Outdoor Amplified Sound (FPAS) permit kung gusto mong regular na magkaroon ng malakas na tunog nang outdoor na walang live na performer.
Ang halimbawa ay isang naka-record na musika, tulad ng playlist ng kanta o TV set, sa patio o parklet.
Hindi puwedeng magsimula ang malakas na tunog nang outdoor bago ang 9am o lumampas nang 10pm.
1. Tingnan para malaman kung puwede kang mag-apply
Mag-email sa aming Deputy Director sa kaitlyn.azevedo@sfgov.org para malaman kung makakakuha ka ng permit para sa iyong lokasyon, depende sa mga panuntunan sa zoning.
Isama ang mga sumusunod na impormasyon sa iyong email:
- Pangalan ng inyong negosyo
- Address ng negosyo
- Iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan
- Mga uri ng malakas na tunog
- Iminumungkahing mga araw at oras ng malakas na tunog, kasama ang oras ng pagsisimula at oras ng pagtatapos
Maghintay ng higit pang instruksyong nagpapaalam sa iyo kung puwede kang mag-apply.
2. Isumite ang inyong aplikasyon
Dapat mo kaming i-email bago ka mag-apply. At posibleng kailanganin mong bumisita sa Planning Information Counter at sagutan ang form ng affidavit sa Pagpaplano bago kumpletuhin ang aplikasyon. Magbibigay kami sa iyo ng mga instruksyon sa kung paano sagutan ang form sa email.
Ihanda ang inyong mga dokumento
Tatanungin namin kayo tungkol sa:
- Iyong Business Account Number
- Impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa lahat ng may-ari ng negosyong nagmamay-ari ng 10% o higit pa ng negosyo
Posibleng kailanganin mong isama ang mga dokumentong ito sa iyong aplikasyon:
- Isang diagram na nagpapakita kung saan matatagpuan ang mga speaker
- Lisensya para sa alak, kung naaangkop
- Permit para sa Kalusugan mula sa Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng SF, kung naaangkop
Hindi ginagarantiya ng pag-apply na makakakuha ka ng permit. Makikipag-ugnayan kami sa iyo kung mayroong isyu sa iyong aplikasyon. Halimbawa, kung dati kang nakulong, posibleng hilingin namin sa iyong magbigay pa ng impormasyon tungkol dito
3. Dumalo ng meeting
Makikipagkita ka sa aming Deputy Director. Sa in-take na meeting na ito, rerepasuhin namin nang buo ang aplikasyon kasama ka at tatalakayin namin ang mga susunod na hakbang.
4. Bayaran ang bayarin sa aplikasyon
Magbayad online gamit ang credit card o electronic na tseke.
Puwede ka ring magbayad gamit ang tseke o money order. Gawing maibabayad sa "City and County of San Francisco."
Kokolektahin namin ang iyong bayarin sa aplikasyon para sa permit. Ina-update ang mga bayad kada Hulyo.
Hiwalay kang sisingilin ng Treasurer at Tax Collector para sa taunang bayarin sa lisensya.
5. Ipaalam sa mga kapitbahay mo
Ipapadala namin ang iyong packet ng aplikasyon sa mga departamento ng Lungsod para sa kanilang pagrepaso at pag-apruba. Kasama rito ang Planning Department, Departamento ng Pulisya, at anupamang nauugnay na departamento ng Lungsod, depende sa permit kung saan ka nag-a-apply.
Mag-iiskedyul ang Entertainment Commission ng petsa ng pagdinig. Nagtitipon ang Komisyon sa ika-1 at ika-3 Martes ng buwan.
Kakailanganin mong makipag-ugnayan sa iyong mga kapitbahay tulad ng tinalakay sa iyong in-take na meeting at ipaskil ang aming dilaw na abiso sa publiko sa iyong lokasyon sa loob ng 30 araw.
6. Mag-iskedyul ng anumang kinakailangang inspeksyon
Posibleng kailanganin ang anumang inspeksyon mula sa iba pang departamento. Bibigyan ka ng mga instruksyon sa iyong in-take na meeting.
7. Dumalo sa pagdinig
Kakailanganin mong dumalo sa isang pampublikong pagdinig.
Posibleng tanungin ka ng mga komisyoner tungkol sa iyong mga plano sa pagdinig. Pagbobotohan nila kung aaprubahan ang iyong permit.
Kung mayroon ka pang mga inspeksyong kailangang isagawa, kailangan mong makapasa sa mga inspeksyong iyon bago makatanggap ng permit.
8. Ipaskil ang iyong permit
Ie-email namin sa iyo ang PDF ng iyong permit.
Dapat mo itong ipaskil sa lokasyon ng iyong negosyo. At masisimulan mo nang isagawa ang aktibidad na pinapayagan ng permit sa entertainment.
I-renew ang iyong permit sa entertainment kada taon sa pamamagitan ng pagbabayad ng taunang bayarin sa lisensya sa Treasurer at Tax Collector.
Humingi ng tulong
Permit Center (Entertainment Commission)
49 South Van Ness2nd floor
San Francisco, CA 94103
Open to the public Tuesdays, 10am to 12pm and 1pm to 3pm
Phone
Kaitlyn Azevedo, Deputy Director
Kaitlyn Azevedo, Deputy Director
Last updated March 17, 2023