Anong gagawin
Simulan ang prosesong ito pagkatapos ninyong ipadala ang Permit ng Cannabis Bahagi 1.
1. Pagpasyahan kung sino ang dapat masuri ang pinagmulan
Dapat masuri ang pinagmulan ng lahat ng may-ari ng negosyo.
Ang may-ari ay maaaring:
- isang tao o entity na mayroong interes sa pagmamay-ari na 20% o higit pa ng inyong negosyo
- ang chief executive officer
- mga miyembro ng lupon ng mga direktor ng nonprofit
- sinumang tao o entity na mayroong impluwensya sa kung paano pinapatakbo ang inyong negosyo
2. I-print out ang form ng pagsusuri ng pinagmulan
Kailangang sagutan ng bawat may-ari ang kanilang sariling form ng pagsusuri ng pinagmulan.
3. Dalhin ang form sa Police Department ng SF
San Francisco Police Department, Permits Section
San Francisco Police Department, Permit Section1245 3rd Street
San Francisco, CA 94158
4. Bayaran ang bayarin
Magbayad sa pamamagitan lang ng tseke o money order. Hindi kayo maaaring magbayad sa pamamagitan ng cash o credit card.
Kukunin ng Police Department ng SF ang inyong mga fingerprint. Susuriin nila inyong talaan sa California Department of Justice (Kagawaran ng Katarungan ng California).
Espesyal na mga kaso
Mga may-ari sa labas ng San Francisco
Mga may-ari sa labas ng San Francisco
Makipag-ugnayan sa Office of Cannabis para sa mga susunod na hakbang.
Pag-aalis ng bayarin
Pag-aalis ng bayarin
Kung mababa o wala kayong kita, maaaring kwalipikado kayo para sa pag-aalis ng bayarin.
Humingi ng tulong
Office of Cannabis
Last updated August 29, 2022