Anong gagawin
1. Magpatala sa SF Health Network
Ang mga serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip at mapang-abusong paggamit ng substance, na kilala rin bilang mga serbisyo ng Pangunahing Pangangalaga sa Kalusugan ng Pag-uugali (Primary Care Behavioral Health o PCBH), ay maaaring makuha ng mga pasyenteng nakatala sa isang klinika ng pangunahing pangangalaga ng SF Health Network (SFHN).
Pagpapatala sa SFHN
2. Makipag-usap sa inyong provider sa kalusugan
Tatalakayin sa inyo ng inyong primary care provider (PCP, provider ng pangunahing pangangalaga) ang inyong mga alalahanin at maaari niya kayong i-refer sa mga serbisyo ng PCBH. Maaaring makipag-usap sa inyo ang mga tauhan ng Pangunahing Pangangalaga sa Kalusugan ng Pag-uugali (Primary Care Behavioral Health, PCBH) sa personal, sa pamamagitan ng televideo, o sa pamamagitan ng telepono depende sa inyong mga pangangailangan.
Saan ako maaaring magpatulong?
Saan ako maaaring magpatulong?
Ginagamot ng aming mga Behavioral Health Clinician ang mga mahina hanggang katamtamang sintomas ng:
- depresyon
- pagkabalisa
- pagraos sa sakit
- stress
- mga problema sa pagtulog
- paggamit ng alak at substance
- iba pang karaniwang isyu sa kalusugan ng pag-iisip
Panandalian ang paggamot para mabawasan ang mga sintomas at mapahusay ang pagkilos sa araw-araw. Maaaring 1 hanggang 10 session ang paggamot. Makakatulong din ang mga Behavioral Health Clinician na ikonekta ang mga pasyente sa mga mas pangmatagalang serbisyo, kung kinakailangan.
Tumutulong ang aming mga Behavioral Assistant sa:
- pagkuha ng medikal na kagamitan (hal. mga wheelchair, walker)
- suporta sa pabahay
- access sa pagkain, silungan, at damit
- pagkonekta sa mga legal na serbisyo at benepisyo
Team ng Pangunahing Pangangalaga sa Kalusugan ng Pag-uugali
Ang mga tauhan ng Pangunahing Pangangalaga sa Kalusugan ng Pag-uugali ay bahagi ng inyong team ng pangangalaga kaya madali ninyong maa-access ang kanilang mga serbisyo sa inyong klinika ng pangunahing pangangalaga. May tatlong miyembro ang team: ang Behavioral Health Clinician, Behavioral Assistant, at ang kinokonsultang Psychiatrist.
- Gumagamit ang mga Behavioral Health Clinician ng mga tool para sa pag-screening at panandaliang paggamot para mapagbuti ang inyong kalusugan ng pag-iisip.
- Tinutulungan ng mga Behavioral Assistant ang mga tao sa kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, silungan, dami, mga benepisyo, at medikal na kagamitan.
- Tumutulong ang mga Kinokonsultang Psychiatrist sa team ng pangangalaga sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga mungkahi sa paggamot--halimbawa, mga gamot para sa kalusugan ng pag-iisip.
Humingi ng tulong
Magpatala o magpa-appointment sa inyong provider sa kalusugan
Phone
Last updated August 18, 2023