Anong gagawin
1. I-download ang form
2. Ilagay ang lokasyon ng gusali
Ilagay ang address at block at lot ng iyong proyekto.
Hanapin ang iyong block at lot number sa aming mapa ng impormasyon sa pag-aari gamit ang iyong street address. (Tinatawag ding parcel ang block at lot number. Kung ang parcel number ay 0000/111, ang block number ay 0000 at ang lot number ay 111.)
3. Ilarawan ang kasalukuyang gusali
Ilagay ang paglalarawan ng kasalukuyang gusali
- Uri ng konstruksyon (4A) (Tingnan ang aming mga depinisyon sa uri ng konstruksyon)
- Stories of occupancy (5A)
- Mga basement at cellar (6A)
- Kasalukuyang gamit (7A)
- Occupancy class (8A)
4. Ilarawan ang inyong proyekto
Ilagay ang paglalarawan ng gusali pagkatapos ng mga pagbabago, kabilang ang kung magsasagawa ka ng:
- Gawaing elektrikal
- Gawaing tubero
Sabihin sa amin kung gagawin mo ang mga proyektong ito. Kailangan namin ito para iruta ang iyong aplikasyon.
- Kung gagamit ka ng espasyo ng kalye
- Kung gagawa ka o babaguhin mo ang isang daanan, na tinatawag ding auto-runway
5. Isulat ang paglalarawan ng gawain
Ilarawan ang inyong proyekto. Isama ang:
- Ang lokasyon ng gawain, tulad ng palapag kung saan isasagawa ang gawain at kung nasa harap o likod ito ng gusali
- Square footage ng proyekto, at kung nagpapalawak ito
- Kung maglilipat ka ng mga dati nang dingding
- Kung may papalitan o aayusin ka gamit ang isang katulad na item, na tinatawag na in-kind" na gawain
- Mga kaugnay na numero ng ordinansa
Sabihin din kung magsasagawa ka ng seismic retrofit, na ginagawang madaling mai-access ang pasukan, o ginagawang legal ang isang unit.
6. Mag-print ng 2 legal size na kopya ng aplikasyon
Pagkatapos mong makumpleto ang aplikasyon, mag-print ng 2 kopya ng aplikasyon sa double-sided na legal (8.5" by 14") na papel.
Dalhin ito sa Permit Center kapag isusumite mo ang iyong aplikasyon.
Humingi ng tulong
Paunang Pagsusuri ng Plano
Permit Center
49 South Van NessPangalawang palapag
San Francisco, CA 94103
Mon to Tue,
7:30 am to 4:00 pm
Wed,
9:00 am to 4:00 pm
Thu to Fri,
7:30 am to 4:00 pm
Last updated November 4, 2022