Anong gagawin
1. I-download ang form
2. I-check ang form 4 o 7
Kung plano ninyong bumuo ng karatula, i-check ang 4.
Kung plano ninyong magpinta ng karatula o magtayo ng non-structural na karatula, i-check ang 7.
3. Ilarawan ang gusali kung saan ninyo planong itayo ang karatula ninyo
Isama ang gusali:
- Uri ng konstruksyon
- Bilang ng palapag
- Kasalukuyang gamit
- Taas (sinusukat ang gitna ng harap ng gusali)
- Tinatayang gastos
4. Ilarawan ang inyong karatula
Uri ng karatula
I-check ang uri ng karatulang plano ninyong itayo. Pwede kayong mag-check ng mahigit sa 1 kahon.
Alamin pa ang tungkol sa mga uri ng karatula.
Paglalarawan ng karatula
Ilarawan ang inyong karatula, kasama ang laki, timbang, at kapal nito.
Pagpapailaw
Kung plano ninyong ilawan ang inyong karatula, i-check kung anong paraan ng pagpapailaw ang gagamitin ninyo.
Alamin pa ang tungkol sa mga paraan ng pagpapailaw.
Paggamit ng espasyo sa kalye
Sabihin sa amin kung plano ninyong gumamit ng anumang espasyo sa kalye sa konstruksyon ng inyong karatula.
Layunin
Sabihin sa amin ang layunin ng inyong karatula.
Mga tao
Magbigay ng impormasyon para sa pakikipag-ugnayan para sa mga taong tutulong na idisenyo o buuin ang inyong karatula. Maaaring kasama rito ang mga contractor, arkitekto, lender sa konstruksyon, o may-ari ng gusali.
Plot plan at elevation
Isama ang mga drawing ng plot plan at elevation mula sa inyong mga plano ng karatula.
5. Lagdaan ang inyong application form
6. Isumite ang inyong aplikasyon sa Permit Center
Pagkatapos mong makumpleto ang aplikasyon, mag-print ng 2 kopya ng aplikasyon sa double-sided na legal (8.5" by 14") na papel.
Dalhin ito sa Permit Center para isumite ang inyong aplikasyon.
Permit Center
49 South Van NessPangalawang palapag
San Francisco, CA 94103
Mon to Tue,
7:30 am to 4:00 pm
Wed,
9:00 am to 4:00 pm
Thu to Fri,
7:30 am to 4:00 pm
Humingi ng tulong
Technical Services Division
Last updated November 9, 2022