Siguraduhin na tama ang inyong kasalukuyang nakarehistrong address.
Bago namin simulan na ipapadala ang mga balota at ang Pamplet ng Impormasyon para sa Botante sa pamamagitan ng koreo ngayong Oktubre, i-check ang inyong address na nakalagay sa aming file.
Kinakailangan ba ninyo magpareshistro o gagawa ng mga pagbabago? Maaaring gawin ito sa registertovote.ca.gov.
Simulan ang inyong pananaliksik sa mga kandidato at sa mga panutala habang maaga pa!
Magkakaroon ng maraming mga kard at mga paligsahan ang Nobyembre 5 na balota.
Maglilista ang lahat na mga balota ng mga labanan sa Presidente at Bise Presidente ng Estados Unidos, Senador ng Estados Unidos, Kinatawan ng Estados Unidos, Senador ng Estado, Asembliya sa Estado at mga panutala. Maglilista rin ang lahat ng mga balota ng mga labanan para sa mga miyembro ng Lupon ng Edukasyon at Lupon ng Kolehiyong Pangkomunidad, kasama na ng ranked-choice voting (RCV) na mga labanan para sa Mayor, Abogado ng Lungsod, Abogado ng Distrito, Sheriff, at Tesorero. Magsanay sa pagmarka ng RCV na labanan dito!
Tanging mga balota ng mga botanteng nakatira sa mga ika 1,3, 5, 7, 9, at 11 na superbisoryal na mga distrito ang magkaroon ng listahan sa paligsahan ng Lupon ng mga Superbisor, at tanging mga balota ng mga botanteng nakatira sa ika 7 at 9 na mga distrito ng BART ang magkakaroon ng paligsahan sa Lupon ng BART. Paki-check ang inyong mga distrito dito!
Gawing mas madali ang pagboto gamit ang aming online na mga tool.
- Magtatag ng inyong plano sa pagboto.
- Bumasa sa inyong Pamplet ng Impormasyon para sa Botante (PDF)
- Access ang inyong Pamplet ng Impormasyon para sa Botante sa online.
- Makinig sa inyong Pamplet ng Impormasyon para sa Botante (Ingles lamang).
- Suriin ang inyong mga pagpilian sa mga pamamaraan ng pagboto.
- Subaybayan ang inyong balota, humingi ng bagong balota, o tingnan ang inyong halimbawang balota.
- Alamin ang tungkol sa seguridad ng eleksyon.
- Alamin ang tungkol sa pagboto ng mga hindi-mamamayan.