Nakatuon ang SF sa pagsulong ng pagkakapantay-pantay anuman ang lahi at katayuan sa lipunan
Batid namin ang takot na kinakaharap ng mga komunidad ng kulay ngayon dahil sa diskriminasyon batay sa lahi at karanasan sa pagmamalupit at kapabayaan mula sa medikal na establisamiyento. Kahit ngayon, higit na naaapektuhan ng COVID-19 ang mga komunidad na ito kumpara sa ibang grupo sa San Francisco.
Batid ng SF ang nangyayaring ito. Pananagutan namin ito. Nangangako kaming magsasagawa ng mga hakbang sa pagpapagaling, pagsusuri, at pagbabakuna sa mga komunidad na ito.
Mga paraan ng pagtiyak namin sa pagkakapantay-pantay
Pakikipag-ugnayan sa mga lider sa mga komunidad ng kulay
Noon, pinagmalupitan at pinabayaan ng mga medikal na komunidad ang mga komunidad na ito.
Ang mga estratehiya namin sa pagbabakuna ay naglalayong maging sensitibo sa naging takot. Kasama namin ang mga lider ng komunidad sa paggawa namin ng desisyon. Isasaalang-alang namin ang kanilang mga ugnayan at kaalaman tungkol sa mga komunidad na ito.
Pagdadadala ng bakuna sa mga pinakaapektadong kapitbahayan ng SF
Ang malaking populasyon ng Lungsod at ang mga community site ay makikita sa at malapit sa ilan sa mga kapitbahayan na pinakaapektado ng COVID-19. Ang mga kapitbahayan na ito ay dati na ring hindi napagseserbisyuhan nang maayos ng sistema ng pangangalagang pangkalusugan.
Pagsasalin ng lahat ng impormasyon sa bakuna sa 4 na wika ng SF
Kilala tayo dahil sa iba't ibang komunidad natin. Tinitiyak namin na ang impormasyon tungkol sa COVID-19, bakuna, at ang aming plano sa bakuna ay nasa wikang:
- Ingles
- Spanish
- Chinese
- Filipino
Paglimita sa mga hadlang sa pagkuha ng bakuna
Tinitiyak namin na may makukuhang bakuna ang lahat ng taga-San Francisco, anuman ang mangyari:
- Lahi o etnikong pinagmulan
- Bansang pinagmulan
- Kulay
- Katayuan sa immigration
- Kita
- Pabahay
- Kapansanan
- Wika
- Seksuwal na oryentasyon
- Kinikilalang kasarian
- Insurance coverage
- Access sa teknolohiya
Sinusuportahan din ng aming call center para sa bakuna ang mga taong nangangailangan ng tulong sa pagpapa-appointment para sa pagpapabakuna.
Masigasig na pag-aabot ng tulong at pagbibigay-alam
Kami ay nagbibigay ng malinaw, naaangkop sa kulturang impormasyon tungkol sa bakuna sa mga komunidad ng kulay. Kabilang dito ang impormasyon tungkol sa:
- Pagpapa-appointment para sa pagpapabakuna
- Paano tumatalab ang bakuna
- Kaligtasan ng bakuna
Mayroon din kaming ambassador program para sanayin ang mga taong nasa mga labis na apektadong komunidad. Itinuturo namin sa kanila kung paano pinakamainam na maibabahagi ang impormasyon tungkol sa bakuna.