Anong gagawin
Sabihin sa amin kung balak ninyong alisin ang inyong Shared Space
Kung magpapasya kayo na ayaw ninyong panatilihin ang inyong Shared Space sa anupamang dahilan, dapat kayong mag-email sa sharedspaces.sfgov.org na aalisin na ninyo ito.
Ilagay ang “Shared Space Removal” sa linya ng subject. Dapat alisin ang lahat ng Shared Spaces sa sarili ninyong gastos.
Pag-aalis para sa paggawa ng imprastraktura
Posibleng kailanganin ninyong alisin ang inyong Shared Space para sa paglalagay ng kongkreto sa kalye, gawain sa utility, o iba pang pampublikong proyekto ng konstruksyon.
Posibleng maibalik ninyo ang inyong Shared Spaces pagkatapos ng gawain sa konstruksyon.
Kung mangyayari ito, posibleng kailanganin ninyong itago ang inyong mga fixture para sa Shared Space sa ibang lugar habang ginagawa ang konstruksyon. Responsibilidad ninyo ang mga gastusin sa pag-aalis, pagtatago, at pagbabalik ng parklet.
Mga emergency sa pampublikong kaligtasan
Posibleng kailanganin ninyong alisin ang inyong Shared Space para sa emergency sa pampublikong kaligtasan, gaya ng pagkukumpuni ng gas line. Posible ring masira ang inyong Shared Space habang nirerespondehan ang emergency.
Responsibilidad ninyong ayusin ang Shared Space pagkatapos ng mga ganitong pangyayari.
Hindi pagpapanatili
Posibleng makatanggap kayo ng mga abiso ng paglabag at multa kung hindi kayo magpapanatili ng malinis, ligtas, at accessible na parklet o espasyo sa bangketa. Posibleng atasan kayong alisin ang Shared Space sa sarili ninyong gastos.
Humingi ng tulong
Shared Spaces
Last updated September 9, 2021